"Once your heart is moved, it will develop to something better and positive."
-JiminOctober 23,20XX
Dear L,
Heyy! Pista ngayon sa inyo oh. Babyahe pa ako ng isang oras para lang makarating sa bahay niyo. Bat kasi ang layo HAHAHA. Akala ko di ako makakapunta ngayon sa inyo dahil nung lunes nagpaalam ako kay papa ko pero sabi niya di daw pwede. Kinain ko hiya ko para lang makapunta sa pista niyo. Naging baby baby ako sakaniya tapos sumunod ako sa mga utos. You helped me a lot sobra. Sa sobrang excited ko ayun nauna pa ako sa meet up ng mga makakasama ko papunta diyan. Kinakabahan ako habang sa byahe. Ako kasi magsasabi kapag malapit na kami HAHAHA. Naalala ko na nag google maps ako tas di ko talaga alam kung saan kaya chinat kita tas tinanong kung saan yung bahay niyo. Ayaw mawala ng ngiti ko habang tinatype ko ito. Naalala ko kasi HAHAHA.
Nakarating kami sa inyo tas nasa labas ka hinihintay kami. Ang ganda mo alam mo yun? Kaya madaming nagkakagusto sayo eh. Tapos matalino at mabait ka pa. Psh oo na mabait kana kahit inaaway mo ako. Pumasok kami sa bahay niyo. Umalis ka sandali tas pagbalik mo may dala kang isang pack ng yakult. Yakult yun e siyempre masaya ako. Tapos ibinigay mo sakin. Isang pack yun! Ang saya saya ko sobra nung matanggap ko yun sayo. Di ko inexpect na bibigyan moko. Masaya ako nung araw na iyon.
Malungkot ako dahil uuwi na kami. Seeing you smile gave me a lot of happiness. Keep smiling, gusto ko yun.
Nagmamahal,
S
BINABASA MO ANG
Para Sa'yo
Teen FictionMga sulat ko para sayo. If mabasa mo ito, bahala na. Gusto ko lang isulat lahat ng mga nangyari. Mahal kita Y noon pero di na ngayon. Ps. Kathang isip po lamang ito.