Rejected in a Different Way

8 0 0
                                    

"What hurts us is what heals us."
- Paulo Coelho

July 10,20XX

Mahal kong Y,

Takot ako na baka malaman mong may gusto ako sayo dahil bibigyan kita ng bracelet. Naaalala mo pa ba? Yung sinend kong pic sayo na bibilhin ko. Nagsinungaling pa ako na para yun sa ibang tao pero sa totoo lang para talaga sayo yun eh.

Nilapitan kita. Tinawag ko ang pangalan mo. Nanginginig ako. Grabe ang epekto mo sakin. Sobrang lakas eh. Binigay ko sayo yung bracelet. Parang couple bracelet nga dahil suot ko yung isa tas ibinigay ko sayo yung pares.

Natakot ako. Nagrason na ibigay sa kapatid mo dahil alam mong may gusto ako sa kapatid mo pero di mo alam na ikaw ang gusto ko. Binawi ko naman eh.

Hapon na at malapit na tayong umuwi. Pumunta ka sa room namin. Sumayaw kayo. Alam mo bang miss ko na makitang sumayaw ka? Parang napaka magical kasi ng paligid pag nandyan ka eh. Nilapitan kita at sabi ko sayo nalang yun pero sabi mo ayaw mo. Nasaktan ako dun pero habang sinusulat ko ito. Umaasa ako.. Umaasa akong makita ka bukas na suot suot yun.

Nagmamahal,
S

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon