REST IN PEACE <4>

29 4 0
                                    

REST IN PEACE <4>

By:WhyKin

-----

"HANGGAN NGAYON BA EDEATH?!"

"Hanggang ngayon bay nagpapaapekto ka parin sa lalakeng yun?"- wika nitong nanghihina at halatang nagtitimpi.

"What do you want to hear Blaze? I just said stop recruiting that guy! He will damage our Team!"

"Yan ba talaga ang dahilan mo!"

"Ano ba blaze! I thought I make the order here?"-pagmamatigas ko din.

"No Edeath... I am also one of the creators who made this team, therefore I make the orders to."

"You dont know what you're saying Blaze" at napailing nalang ako habang himas himas ko ang aking noo.

"What! Ano bang sinasabi ko? Ano bang mali?"-Nanggigigil na saad nito.

-----

[WHYKIN UNIVERSITY]

Buong araw nang pagiimbestiga ng mga pulis, wala silang susupect na na-trace. Kaya naman under investigation pa ito, ngunit alam na naman nila na wala silang magagawa kung ang gumawa talaga ng kriming ito ay mga taga DATA X.

"Lance!" - sigaw ko sa binatang kakalabas lang mula sa room niya.

"Oh? FLEANCE"- usal ni Lance.

"Nakalimutan mo yatang may laro pa tayong tataposin."-saad ko na nagpakunot ng noo ni Lance. Tumingin siya sa phone niya tsaka sumagot.

"Ah... Oo naalala ko na"-sambit nitong may mapanlokong ngiti.

"One on one gusto mo?"-saad ni lance at sumabay sa akin sa paglalakad.

Kahit gusto kong makipag one on one sa mokong na ito. Hindi pwede dahil may dapat pa akong alamin.

"Hindi, may itatanong ako sayo"

"Huh? About what? seryoso ba yan?"-kumunot uli ang noo ni Lance.

"Sa Bar tayo"

"okay? Ang weirdo mo Fleance ha"

Tumawa lang ako bilang tugon at sumakay na sa kotse ko, gayon din ang ginawa ni Lance at umupo sa tabi ko.

Mga ilang sandali pang byahe ay nakarating na kami sa sinasabing bar. Pumasok lang kami tsaka umorder ng maiinom.

"Gaano ka na ba katagal naglalaro ng DATA X?"- Panimulang tanong ko agad kay Lance habang umiinom ng alak.

Di inaasahang nasamid si Lance sa tanong ko, habang may kinakalikot sa phone niya. Loko talaga, napailing nalang ako.

"uh? hahaha anong klaseng tanong ba yan Fleance! hmmmm... mga matagal tagal na din since I was 8 ata."-sagot nito

"Ah I see, kung ganun may nangrerecruit na ba sayu?"-seryoso kong tanong kay Lance.

Nagulat si Lance sa tanong ko at nagseryoso din matapos niyang ibaba ang baso ng alak.

"Why? have you been recruited?"-tanong ni Lance sakin.

"I was the one asking you first but anyways, I have a secret to tell you. Can I trust you?"- hinarap ko siyang mariin, at hinintay ang magiging reaksyon niya.

"What do you think? makakapagtiwalaan mo ba ako?"-sarkkastikong pamamaliktad ni LAnce sakin.

"I don't know, I cant read minds like you"

"Kung ang sasabihin mong sikreto sa akin ay tungkol sa pagkaka recruit mo, well I can keep that but I need to assure that you'll never accuse me when something bad happens to you."

"Why Lance are you one of them?"

napatingin rin si Lance ng mariin sa akin, pagkatapos kong banggitin iyon. Tsaka binaling sa baso ng alak ang paningin, sabay nilugok ang laman ng baso.

"Bakit naman ako sasali o magpapa member sa mga taga DIRE ng DATA X? Over my dead body!"-at muling nilugok ang isang basong alak, sabay nilapag na padabog.

Nang banggitin niya iyon, napatingin sa amin ang mga nakaupo sa malapit na mesa.

Tumayo si Lance tsaka hinarap ang mga tumitingin sa amin.

"Alam kong myembro kayo ng DIRE DATA X, so kilala niyo kami. Kasi inatasan lang naman kayong sundan kami ngayon at gawin ang gusto ng inyong Leader diba!"

Maliban na sagot ang matanggap ni Lance ay isang kamao ang humarap sa kaniya. Na inilagan naman nito.

Sunod na alam ko nalang ay nagsitakbuhan na ang mga tao dito at ang iba naman ay lumapit din sa amin para sugurin si Lance at syempre ako. Ang ibay may mga dalang bakal, patalim at iba pa. Nagulat ako sa inasta ni Lance dahil imbes na matakot at sumuko na ay patuloy lang siya sa pakikipaglaslasan.

Ilang segundo pay isa isang nagsibagsakang duguan ang mga nasa palibot ni Lance at may nagsipasukang mga naka itim na may dala dalang mga armas.

Hinila ako ni Lance palabas ng Bar pagpasok ng mga men and women in black. Nung nakalabas na kamiy hinila niya ulit ako papasok sa isang itim na limousine.

Sumadal siyat nagunat, napabuntong hininga siya, one sigh of relief. Tsaka ako hinarap at ngumisi ng pagkalaki laki.

"Thanks for bringing me in that place." saad niya tsaka sumandal uli at pumikit.

-----

[RADIANT BASE 3]

Nasa gitna pa kami ng pagtatalo kanina. Pero nagwalk out ulit si Blaze para yata di na kami magsagutan uli. Matapos siyang umalis ay sinundan ko din naman siya ng palihim. Pumasok siya sa kotse niya tsaka pinaandar. Sinundan ko lang din naman kung saan papunta ang kotse niya.

Hindi ko alam saan ang distinasyon niya basta sinusundan ko lang siya. Wala na kami sa city, we're out of nowhere. Wala na kaming nadadaanang mga bahay.

nag vibrate ang phone ko... kaya binasa ko ang message habang nagmamaneho.

-Watch your way- from: Blaze...

Pagharap kong muli ay laking bigla ko nang nakaharang na ang kotse ni blaze sa daan at ilang metro nalang ang layo mula sa kotse ko. Kahit alam kong imposeble nang di mabangga ay diniin ko pa rin ang preno...

Parang lumukso ang kotse nang tuluyan na itong tumigil. Mabuti nalang at malakas ang kapit ng preno ko dahil kung hindi ay basag ang pagmumukga ng walangyang gagong ito na humarang harang sa daan.

Napasabunot ako sa sarili ng mawala ng unti unti ang kaba. Lumabas naman agad ako at nakita ang umuusok na makina ng kotse.

Lumapit ako sa gagong to...

"Kung may plano kang magpakamatay wag ka namang mangdamay BLAZE!"

Di ito umiimik at nakatingin lang sa akin ng seryoso sabay tinaas ang kilay na nagpapahiwatig ng inaasahang sagot niya sa sinabi ko

"Ughhh..." pumikit ako ng mariin. tsaka sinagot ang ibig niyang iparating sa akin.

"Okay, kasalanan ko nga dahil sinundan kita."

"Oo nga, bakit mo nga ba ako sinusundan?"-tanong niya.

Oo nga noh? bakit ko nga din ba siya sinundan? Naku po ang tanga ko naman.

"Ah?... Bakit? di ba pwede?"-seryoso kong palusot.

Natawa ito sa sagot ko at alam ko na din kung bakit.

"Okay you got me again"

-----

WhyKin's note: Hi, salamat sa pagbabasa sana patuloy kang susuporta at babasa... Sana mag increase ang reads ng storyang ito.

PLEASE DO LEAVE A NY COMMENT.

BUT VOTE ACC. TO YOUR WILL... I'll update ASAP...

REST IN PEACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon