Chapter 6

6.5K 438 261
                                    

Chapter 6

"Is handsome." Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses.

Nasa harap ko si Phoenix, hawak nya ang radyo ko. Pinatay nya ito at muling tumingin sa akin.

Without a second thought, I punched his chest real hard. Napaubo sya sa ginawa ko at muntik na akong magsisi na ginawa ko 'yon. Minura ko sya at wala na akong pakialam kung ano ang masabi nya tungkol sa akin.

"Hindi mo ba narinig noon una kitang tinawag? Ha! Ano? Bingi ka na ngayon? Bakit ba ang hilig mong manakot?" Naniningkit ang mga mata ko sa galit.

I still want to punch him.

Ngumisi siya, sapo ang kanyang dibdib. Sigurado akong magkakapasa yan bukas.

"Damn. Are you a guy in a woman's body?" Natatawang tanong nya.

"At natutuwa ka pa talaga, no? Kanina pa kita hinahanap, I was worried sick dahil baka kung anong nangyari sa'yo!" Singhal ko sa kanya.

Kulang pa, hindi ko pa nabubuhos lahat ng galit ko.

He put his two hands in the air, inirapan ko sya.

"What are you so mad about, huh?" He asked in a serious tone this time.

I'm mad because I was too late that time when the outbreak hits. I was too late to save my family. At ayokong mahuli na naman ako kung may nangyari sa kanya.

Tumulo ang luha sa mga mata ko. His expressions change in a swift. He wanted to touch me but he doesn't know where to hold. Para bang mapapaso sya kung hahawakan nya ako. Nakita ko ang pag-aalangan nya.

"Hey. Aide, I'm sorry. I won't do that again. I... I promise." Hinawakan nya ang magkabilang siko ko.

Tinulak ko sya.

"Let's get this done with at nang makapagbungkal na tayo ng lupa bago pa tayo tuluyang masunog sa araw." Sabi ko sa kanya bago sya tinalikuran.

After almost an hour, natapos naming punuin ang mga sako. And I think, mahihirapan akong kargahin ito.

Hindi na kami muling nag-usap ni Phoenix. Inabala nalang namin ang mga sarili namin sa pag-aani ng mais.

I saw him lift the sack and put it on his shoulder, hugging it with one arm. Tumingin sya sa akin.

He put his hand in front, telling me to give him my sack of sweet corns. I gave it to him and I helped him lift it to his shoulders. So, now I only have the radio and my sword in both hands. Nauna ako sa kanyang maglakad pero tumitingin-tingin ako sa palagid dahil baka may biglang sumulpot na changer. Buti nalang at wala.

I looked at the sky, covering the top of my eyes with my hands para hindi ako masilaw masyado.

I guess it's two o'clock in the afternoon.

Buti nalang at hindi masyadong masakit sa balat ang init ng araw pero sigurado akong mangingitim kami pagkatapos ng araw na ito.

Nagtakip ako ng ilong ko, nangangamoy ang nasa limang changer na nasa di kalayuan.

We rested for a bit bago kami tumulak palabas dala ang pala at isa pang pangbungkal ng lupa na hindi ko alam ang pangalan. Basta mabigat ito, gawa sa matigas na bakal at matulis ang dulo. Mapapadali ang pagbubungkal namin kung ibabaon ko ito sa lupa tapos itutumba, maiaangat nito ang lupa at mapapalambot. Si Phoenix ang magbubungkal.

Nasa mga labing limang metro ang layo namin sa bahay.

Ilang metro ay ang kakahuyan na kada minuto kong tinitignan dahil baka may biglang sumulpot at atakihin kami. Mauuna talaga namin syang ilibing.

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon