Chapter 25
Nang gabing iyon ay hindi ako makatulog. I stayed in Phoenix's room after my confession.
I saw how what I said lifted his spirit. Hindi ko alam kung gaano sya kasaya sa sinabi ko pero alam kong napanatag ang kalooban nya.
He told me that he loves me too and I knew it ever since so it wasn't that surprising to me. Siya lang itong halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi kahit na lumabas ako para kuhanan sya ng pagkain.
Since Phoenix can't take a bath by himself, I volunteered na punasan sya. At first, he refused. Nawala ang kanyang ngiti nang sabihin kong pupunasan ko sya. He doesn't want me to treat him like a disabled person but he needs it! Hindi naman ako magboboluntaryong gawin iyon kung alam kong kaya nyang gawin mag-isa.
But I know he can't. He has stitches on his shoulder and more stitches on his arms. Hindi ko alam kung paano nya iyon nakaya. He wounds are deep but it will surely heal in no time. I gave him pain reliever and antibiotic after his dinner. I also dressed his wound after I washed his body with damp towel.
Matalim ang mga titig nya sa akin habang ginagawa ko iyon sa kanya.
I know he's shy. Kung sa ibang araw siguro ay tinawanan ko na ang naiinis nyang mukha. I made him sleep deeply after that and after telling him that I love him once again. Napangiti na ako nang makitang ngumiti sya pagkatapos kong mag I love you ulit sa kanya.
I watched him as he sleeps deeply pero pabalikbalik rin ako sa ibaba. I got paranoid after everything that happened and the heavy rain didn't help. It was scary as fuck that it won't allow me to sleep.
Siguro nakatulog ako sa couch ni Phoenix nang mga alas tres na ng umaga. Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng leeg at katawan ko. Dahil sa pagtulog ko nang nakaupo at dahil sa pagtulak at pagkadapa ko kahapon.
"Why did you sleep in there?"
Nakabusangot ang mukha ni Phoenix habang nakaupo na sa kanyang kama. Tinignan ko ang relo ko. It's already five thirty at madilim pa dito pero sakto lang para makita ko si Phoenix.
Tumayo ako at binigyan ng ngiti si Phoenix. Nakita ko ang paglunok nya nang makaupo na ako sa kanyang harap.
"Good morning! How do you feel?" I cooed.
Hindi nya ako sinagot. Ngumuso lamang sya at ginulo ang kanyang buhok gamit ang kaliwa nyang kamay na may mga gasgas lang. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa kanyang malapad na dibdib. Sinuotan ko pala sya kagabi ng puting sando.
"Masakit pa ba ang sugat mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
Nanatili lamang syang nakatitig sa akin bago tumango. Ngumuso ako. He's being grumpy for a reason that I don't know.
"Kakausapin ko si Selena. Magpahinga ka muna." I ordered.
Tatayo na sana ako pero hinila nya ang kamay ko kaya sumalampak ako sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa. He rubbed my back softly.
"C-Can we cuddle for a bit?"
Mas lalo lamang ako nanigas sa kanyang matigas at malapad dibdib. But in the end ay pinagbigyan ko sya.
I laid beside him and felt his warmth. Sa una ay hindi ako gumagalaw dahil naiilang ako pero sa huli ay naging komportable na ako sa mga yakap nya kaya pinagsisihan kong pumayag ako sa gusto nya dahil alas syete na nang magising ako. Inis na inis ako sa kanya nang magising ako at ngiti nya ang una kong nakita.
Hindi nya ako ginising ng maaga. Ano nalang ang iisipin ng iba sa baba!
"We've also encountered some of them here and they're a waste of bullets. Keep yourselves out of the woods for now. We never know, they may be lurking in there."
BINABASA MO ANG
Adelaide: Today For Tomorrow
HorrorWATTYS2020 WINNER Highest ranks reached: #1 in Zombies #1 in Horror-Thriller #1 in Zombieapocalypse #2 in Survival #1 in Virus #1 in Apocalypse "Kailan ka magiging handa?" The world has changed in one day. The place that was once full of life is no...