Chapter 37

4.7K 297 46
                                    

Chapter 37

"Patayin mo ako, maawa ka..." His voice broke as he plead.

Hearing his voice made my lips tremble. I'm not sure why but maybe because of the pain that's coming from his voice. Then I saw my old self in him. 'Yong kawalan ng pag-asang mabuhay. Iyon ang nakikita ko ngayon sa mga mata nya. Iyong sakit na parang pinapatay sya. My eyes watered but I suppress those tears from falling.

Sa puntong ito, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung sakaling ako ang nasa sitwasyon nya ngayon, magagawa nya bang ibigay sa akin ang hinihiling ko. Hindi pa nakakasikat ang araw pero para sa lalaking kaharap ko ngayon, he's not wishing to see it anymore.

This is how this apocalypse affects people. Losing your loved ones in front of your eyes is the most painful thing.

"Miguel, pwede nating pag-usapan ito." I'll try to convince him.

He lowered the knife before shaking his head.

"Wala na akong rason para mabuhay pa. Hindi nyo ba nakikita? Hindi na babalik sa dati ang mundo! Hindi na maibabalik ang buhay ng taong mahal ko!"

Napapaigtad ako sa bawat sigaw ni Miguel. He's getting aggressive and desperate. Sana ay may makakita o makarinig ngayon sa amin. Dahil hindi ko maibibigay ang hinihiling nya.

I stepped back slowly. "Miguel, pwede kang magsimula ulit-"

"Para ano?! Para araw-araw na makipaglaban sa mga halimaw na 'yan?! Para mabuhay sa takot at sakit?!"

"That's what we have to do in order to live! You have to live, too! Yes, we lost them and their loss are killing us every single day but we still have reasons to live. Maybe one day, we will be able to change the world and start anew." I found myself crying as I utter those words.

Because I'm still hoping. And I'm living now with those hopes. Kung sa iba'y imposible, pero para sa akin ay may pag-asa pa. Kasama ang bago kong pamilya.

"Kung para sa'yo oo, sa iba ay hindi. Pagod na ako!" Humagulgol na ng iyak si Miguel at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Nasasaktan ako ng sobra dahil tama sya. He lost his wife, his light, and he's losing hope.

"Is this really what you want?" Mabilis na ibinalik ni Miguel ang kanyang tingin sa akin.

"Gagawin mo ba?" He asked with hopeful voice.

"I c-can't but maybe someone can do it."

I will give him time to think it through. Napa-oo ko sya sa gusto ko. I convinced him to fix himself and come with us later. Maybe going out will change his mind and he will be able to finds reasons. Kahit kaunting rason lang para mabuhay. I'm hoping that he will live.

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ay bumalik ako sa aming silid. Sinalubong naman ako ng galit na si Phoenix.

"Where have you been, Aide?!" He was mad and it didn't stop me from hugging him.

I closed my eyes and found myself in the comfort of his arms. Sa una ay hindi sya kumilos pero nang mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya ay sinuklian nya na rin ito. I did not cry because I already did back there.

"Saan ka galing? Nag-alala ako sa'yo." Ngayo'y unti-unti ng kumalma ang boses nya.

They're my reasons now. And I'm lucky to have them as my reason to live and fight for tomorrow.

"Nag-ikot lang ako. Sorry pinag-alala kita."

"Is there something wrong?" Aniya bago ako inilayo sa kanya.

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon