Matapos ang nakakahiyang pangyayaring iyon ay humingi ako ng paumanhin at umakyat na sa aking silid. Hindi na ako muling bumaba pa dahil sa kahihiyan, habang si ama naman bilang alcalde ng bayan ay hinatid ang heneral sa tutuluyan nito.Napag-alaman ko kay ina na ang binatang iyon ay isa na ngang ganap na heneral at ang kasama niyang matanda kanina ay si Hukom Alejo, siya namang papalit kay Hukom Valiente na bumitaw na sa puwesto.
Ang sabi'y bente-dos pa lamang daw si Heneral Enriquez, nauna lamang ng apat taon sa akin. Siya ay isa sa mga pinaka-batang Heneral sa hukbong sandataan ng Pilipinas.
Kung gayon ay nabibilang siya sa mga batang bayaning katulad ni Heneral Del Pilar at Heneral Tinio.
Natigil ako sa pag-iisip at tumayo upang pagbuksan ang kumakatok sa pinto.
"Señorita, pinadala po ito ni Señora upang suotin niyo sa selebrasyong gaganapin bukas" Si Lumeng, ang aking personal na alalay.
Iniabot niya sa akin ang isang napakagandang pulang baro't saya. Mukhang bagong tahi lamang ito ni ina.
"Para saan ba ang piging Lumeng?"
Agad kong sinukat ang bagong damit na bigay ni ina, bulaklakin ang magarabong saya nito at wala namang disenyo ang itaas na bahagi, subalit may kasama itong napakagandang malong at pulang abaniko. sinasayaw-sayaw ko ito sa harap ng salamin. Walang duda, napakagaling parin ni ina sa pananahi!
"Selebrasyon po bilang pagsalubong sa bagong Heneral, si Heneral Enriquez"
Isang banggit pa lamang ng pangalan niya ay agad akong napatigil sa pagsasayaw at kumabog ng matindi ang puso ko.
Bumalik sa aking alaala ang natatawang mukha nito kaninang umaga. Nag-humerentado ang puso ko at kakaibang init ang umusbong sa aking pisngi, kaya't napahawak ako rito.
" Hala! Señorita, pulang-pula ho kayo. Ayos lang po ba ang pakiramdam niyo?" Aligagang lumapit si Lumeng sakin at dinama ang aking pisngi at noo.
Kinabig ko naman ng mahina ang kamay niya at tiningnan ang aking itsura sa salamin. Hala! Pulang-pula nga ang pisngi ko!
Pero wala naman akong nararamdamang kakaiba, maliban sa mabilis na pagtibok ng aking puso. Kaya binalewala ko na lamang iyon.
"Ayos lang ako Lumeng. Sige na, maari mo na akong iwan"
"Sigurado ho ba kayo, ipapatawag ko na lang po si Doktor Segundo kung masama ang pakiramdam niyo?"
Nag-aalala padin siya. Ngumiti ako upang ipakitang ayos lang ako at hindi na kailangan pang ipatawag ang nasabing doktor, baka mag-alala pa si ina at ama samantalang wala lang naman itong nararamdaman ko.
"Ayos lang ako Lumeng, sige na at matutulog na din ako"
"Sige po señorita, magtawag lang po kayo kung may masakit sa inyo"
Hindi nawala ang pag-aalala sa mga mata niya ngunit kalaunan ay umalis din naman ito.
Agad akong sumalampak sa kama nang mawala na si Lumeng sa paningin ko. Dinama ko ang aking pisngi at medyo mainit nga ang mukha ko, muli kong sinipat ang salamin at pulang-pula padin ako. Hala! Ano bang nagyayari sakin?
BINABASA MO ANG
Ang mga liham ni Heneral Enriquez
RomanceSa gitna ng digmaan, sumibol ang pag-ibig sa pagitan ng isang sundalong may sinupaang tungkulin sa inang bayan at isang simpleng binibini na nagnanais lamang ng tahimik na pamumuhay. Sa kabila ng mga kaguluhan at magkasalungat na prinsipyong pinanin...