Unang liham

8 0 0
                                    

          ♥️

Binibining Crisanta,

Minsan na akong tinanong kung naniniwala ba ako na ang tao ay maaring mapa-ibig sa unang pagkikita. Kailanman ay hindi ako nahirapang sagutin yan. Hindi.

Para sa akin ang pag-ibig ay hindi basta-bastang umuusbong.

Sabi nga ng lola ko noon, maymga sinyales ang pag-ibig.

Una, malalaman mong iniirog mo na ang isang tao, kapag bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso mo kapag nariyan siya.

Pangalawa, may mga panahong aakalain mong kayong dalawa lang ang tao sa mundo, na kahit napakadaming tao sa paligid mo, siya lamang ang nakikita mo.

Pangatlo, nakakaramdam ka ng kakaibang kiliti kapag magkasama kayo, kiliti na kailan man ay hindi mo naramdaman sa ibang tao.

Pang-apat, may kakaiba kang nararamdaman pag nagdidikit ang balat niyo, parang dalawang kable ng kuryente na pinagdugtong, bulta-bultaheng kureyente ang hatid sayo.

May ilang babae nang nakapagpatibok ng puso ko, ilang babaeng napasaya ako, pero wala pa ni isang babaeng nagparamdam sakin sa apat na sinyales na iyan nang sabay-sabay. Iisang tao, Iisang pagkakataon.

Akala ko hindi na darating ang panahon na iyon, ngunit nang makita kitang pababa sa hagdan ng inyong tahanan, tumibok ng mabilis ang puso ko. Naghumerentado, nang masilayan ang iyong mga mapupungay na mata, matangos na ilong, manipis na labi at ang buhok mong kasing itim ng gabi.

Binibini, nabihag ako ng iyong ganda, daig ko pa ang isang taong tumakbo ng isang milya, ang tibok ng puso'y pinaghalong galak at kaba.

Naglakad ka papalapit sakin, at tila nabingi ako at hindi na naintindihan pa ang sinasabi ng iyong ama, unti-unting nawala ang mga tao sa paligid at ikaw lang ang nakikita.

Marahil ay nasilaw lamang ako sa iyong ganda, at ang nararamdaman koy maliit na paghanga

Subalit, kakaibang kiliti ang naramdaman ko ng ika'y magkamali sa pakikipag-kilala, sinumang nasa posisyon ko ay maiinsulto sa iyong nagawa, kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa halip na mainis, ako'y iyong napasaya.

Hindi ko binigyang kahulugan ang naramdaman kong iyon, maaring natawa lang ako dahil ito ang unang pagkakataon na may taong hindi ako kilala.

Ngunit hindi ko inakala na ang tuwang iyon ay lalalim pa nang sa wakas ay maabot ko ang iyong mga kamay, bulta-bultaheng kuryente ang mistulang nadarama ng magdikit ang ating mga palad, kailanman hindi ako naniwala sa pang-apat na senyales.

Subalit, binibini pinaramdam mo iyon sakin sa unang pagdikit ng ating mga daliri

Hindi ako makapaniwala na ang apat na senyales na sinabi ng aking lola, ay mararamdaman ko ng sabay-sabay sa unang pagkikita. Iisang tao, Iisang pagkakataon.

Siguro nga, sa wakas ay nahanap na ako ni kupido at pinana ang aking puso.

Naguguluhan,

Heneral Enriquez

Ang mga liham ni Heneral EnriquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon