XII | 4th Rank: Fiona

83 6 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Fiona ~

Lagot. Nagmamadali kong hinubad ang duel outfit ko at nagpalit ng kaswal na kasuotan. Inilugay ko ang buhok. Pinunasan ko ang sarili at gumayak na paalis. Muling tumunog ang watch ko at lumabas ang pangalan ni Asul. Kanina pa ito tawag nang tawag.

"Papunta na nga kasi," iritang banggit ko sa kaniya.

"Ang sungit naman ng babes ko, kiss na lang kita pagdating mo."

"Tigilan mo ako, Asul. Ibaba mo na, papunta na-" At ibinaba na nga niya agad, punyeta.

I'm your fourth rank, Fiona. I am an Ignis. Power: Fire

Argh! Wala na siyang ibang ginawa kundi lalong painitin ang ulo ko. Dumaan ako sa secret passage ng West Kingdom (Aqua) na dating itinuro sa akin ni Asul. Paano ba naman? Ako lagi ang sumusundo o tumutulong sa kaniya na tumakas sa tuwing parurusahan siya ng ama dahil sa mga kalokohang pinaggaga-gawa niya.

Ginapang ko ang maliit na butas at saka pinaikot pakaliwa ang picture frame. Tumambad ako sa kwarto niya.

"Baaabes," impit na hiyaw nito saka ako sinalubong ng yakap.

"Bitiw," lalo naman nitong hinigpitan ang yakap kaya handa na akong paliyabin ang sarili.

"Pfft. Hahaha Itsura mo Fiona," pagtawa nito sa basa kong itsura. Kabisado niya na kasi ang gagawin ko eh, sa susunod mauuna akong tustahin siya bago niya ako paliguan. Nagbato ako ng maliit na fire ball sa kaniya pero nakailag siya agad at naglaho na ang fire ball ko.

Hinila ako nito at sabay kaming nahulog sa kama niya. Nakapuwesto ako sa kaliwa, siya naman sa kanan.

"May ikukwento ako," banggit nito habang nakatitig sa ceiling. Ilang beses ko na ding nasilayan ang myural ng mga ulap sa kisame niya. Nakakabighani dahil mukhang totoo itong kalangitan.

"Huwag mo na ako pagbasahin ng isip, masakit sa ulo."

"Pero confidential," ingit nito sabay nguso. Hinila ko iyon kaya napahawak ito sa bibig.

May mga piling elementians ang may isa o dalawang hidden special abilities, hiwalay pa sa kanilang natural na kapangyarihan. Isa na ako doon. Karaniwan ay may kaugnayan sa bilis ang special abilities ng mga Aero, may kinalaman naman sa mental capabilities o pandinig ang sa mga Aero-Aqua, sa pandama o paningin naman ang uri ng special abilities ng mga Aqua, may kinalaman sa panggagamot ang abilities ng mga Aqua-Terra, at sa sound or vibrations naman kapag Terra.

Sa mga Ignis? Alam niyo na iyong akin kaya bakit ko pa ikukwento.

"Ikuwento mo na," baling ko kay Asul.

Agad nitong inalala ang mga pangyayari sa paglalakbay niya patungo sa kaharian nila habang binabasa ko ang isip niya.

"Aray, ang sakit," ingit nito habang nakahawak sa tagiliran. Malakas ko siyang siniko dahil sa deskripsiyon niya sa nang-ambush sa kanila.

Noong una daw ay hindi niya malaman kung lalaki o babae ito dahil ang una niyang napansin ay ang ITIM na balot nito sa katawan mula ulo hanggang talampakan. Tanging mga mata lamang nito ang walang takip. Subalit, nang maaninagan ito ng kaunting liwanag ay kapansin-pansin ang balingkinitang hubog ng kaniyang katawan at pinagpalang dibdib. Nasilawan ang kaniyang mga mata na kulay ice blue, pinaghalong asul at puti o sa pagkakabanggit niya ay lubhang mapusyaw na asul.

Chix daw. Kairita.

"Selos ka nanaman? Ano naman kung sexy iyon eh ikaw ang mahal ko?"

"Pambobola mo, lubayan mo ako," bumangon ako sa kama niya at napahawak sa ulo. "Tara na, kukuhanin natin ang sanggol at aalis na tayo."

"Te-teka lang. Ito na, nakay ina ang baby." Inirapan ko siya dahil sa mga delikadong desisyon niya sa buhay. Ano nanaman ba itong pinasok mo, Prince Blue?

Galing sa kuwento niya, ang paraan ng pagpatay sa ginang ang pinaka-nakakahiya o pinakamabigat na parusa na pwedeng ipataw sa sinumang elementian. Hindi nila ito hinayang bumalik sa kalikasan. Nararapat lamang sa sinumang elementian ang magbalik sa kalikasan sa oras ng kanilang pagpanaw dahil iyon ang natural law sa Kromelia. Iyon ang pinakauna naming karapatan. Sinumang pagkakaitan nito ay may nilabag na pangunahin or primaryang batas ng kanilang kaharian o ng Kromelia.

Isa siyang kriminal na may napakabigat na pagkakasala. Sa aming mga Ignis, isang pagkakasala lamang ang may ganitong kaparusahan - ang pagkakaroon ng anak sa ibang lahi. Bukod doon ay hahabulin nila ang anak ng Ignis na ito. Kasalanan niya ang kasalanan ng mga magulang. Paparusahan din ito ng kamatayan.

Binagtas naming muli ang maliit na butas sa likod ng picture frame. Dinala kami nito sa hardin ng kanilang kaharian. Pagkalabas ko ng butas ay tumambad ang isang napakagandang nilalang sa harapan ko at may hawak ito na sanggol. Napatakip ako ng mukha sa hiya.

"Ina," banggit ni Asul na kasunod sa likod ko.

Dinig kong napabuntong-hininga na lamang ang ginang. Nahihiya pa din ako, hindi ko maibaba ang mga kamay.

Natanggal ang pagkatakip ko sa mukha nang higitin ni Asul ang kaliwang kamay ko.

"Ina-" pagsusubok na magpaliwanag ni Asul.

"Anak, Prince Blue," saglit ako nitong tinapunan ng tingin saka bumaling sa anak. "May dahilan sa likod ng bawat batas na ipinatupad sa kaharian natin at sa Kromelia. Matuto kang sumunod."

Pero ikaw din ang nagsabi sa akin ina na hindi makatuwiran ang ilan sa mga batas na iyon. Sa isip-isipan iyan ni Asul.

Mauulit nanaman ba ang nakaraan? Sa isip-isip ng ina ni Asul. Tila malalim na parte na ng memorya niya ang iba at hindi ko na ito nabasa pa. Pumipintig na sa sakit ang ulo ko.

"Hala siya, kunin niyo na itong sanggol at mag-iingat kayo sa daan. Fiona," bumaling ito sa akin. "Pakiusap, mag-iingat ka anak."

May kumikiliti sa damdamin ko sa pagkakasabing iyon ng ina ni Asul, gayundin ay isang malalim na kaba ang pumapatay sa kasiyahan kong iyon. May alam siya na hindi niya mabanggit sa amin.

Nang makalayo kami kaunti ay iniabot ko kay Asul ang ilang mga potion at kagamitan na gagamitin namin sa biyahe.

"Ayos ba?" Pfft. Natawa ako sa itsura niya dahil lila ang kanyang buhok na may pulang highlights. Mukha siyang sisiw.

Hinila ko ang kwelyo niya saka ipinasa sa bibig ang isang bola na may enerhiya ko.

Tsansing. Pwede mo naman akong halikan kahit walang bola. Nag-init ang mukha ko sa pagbasa ng isip niya. Sa ganoong paraan lang kasi namin pwedeng itago ang kapangyarihan niya lalo na't sasakay kami ng underground train pabalik ng akademiya. Halos Ignis lahat ng nakasakay doon.

"Bawal mong lunukin." Sakaling malunok niya iyon mag-aagaw buhay siya dahil magiging unstable ang kapangyarihan niya.

Sinalo ko ang mapanghusgang tingin ng mga Ignis sa tren. Mabuti na lamang at mabilis ang takbo nito kaya halos trenta minutos lamang ang biyahe namin mula sa Aqua patungong akademiya. Mag-uumaga na nang makarating kami.

Agad akong dumiretso sa kwarto ko at walang naabutang tao roon. Nagpaalam si Asul at hinayaan ko na lamang na mawala sa paningin ang sanggol na dapat kong kitilin habang dinala niya ito sa kung saan. Inilabas ko sa bag ang kasuotang suot ko kanina - sando, pantalon, balot sa mga braso, gloves, takip sa mukha. Lahat ay itim.

Nag-unahang pumatak ang mga luha ko habang sinusunog ang mga damit at naalala ang mga nangyari. Batas bago buhay. Labag sa kalooban ko ang ginawa sa nag-iisa kong kakampi sa East Kingdom - itinuring ko siyang kapatid, halos sabay kaming lumaki. Paano ko ililigtas ang anak mo Maysha?

Itutulog ko ang sakit kahit saglit lang. Gigising na lang ako na parang walang nangyari.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now