Hindi na bago ang balita ng sagapuaan sa pagitan ng dalawang pangkat ngunit hindi kumukupas ang pag-aalala sa mga mamamayan. Nang nakarating sa kanila ang balita ay napagpasyahan nilang dumalaw sa kampo.
"Sana maayos lang sila," sambit ng isang matandang lalaki. Kunot-noo siyang nakatingin sa daang papasok sa kampo. "Sana maayos lang ang kalagayan ng dalawang pangkat." Napalapit na sa kanya ang mga Hapon na naging maganda ang trato sa kanya. Minsan na siyang pinagsuspetsiyahang espiya ng gerilya ngunit hindi katulad ng ibang pangkat, maayos ang ipinakitang pakikitungo sa kanya. Hindi rin lihim na dalawa sa kanyang apo ay miyembro ng pangkat na pinamumunuhan ng Amerikanong sundalo. Sa kanyang mga salita, hinihiling niya na hindi nasaktan ang pangkat ni Seiji at ang kanyang mga apo.
"Nagkataong kasama si kapitan nang nangyari ang pag-atake," wika naman ng aleng nasa tabi ko. Siya ang may-ari ng tindahan ng kakanin kung saan laging bumibili si Seiji. Mas humigpit ang hawak niya sa dalang rosaryo at nag-antanda.
Ayon sa kwento niya, nahuli ng mga Hapon ang kanyang dalagang anak at ikinulong sa bahay parausan sa kabilang bayan. Nilunok niya ang takot at lumapit kay Seiji na noon ay bago lang sa kanyang posisyon. Humingi ito ng tulong at sa dalawang araw ay naibalik ang kanyang anak. Niruyakan man ang dangal nito ay malaki pa rin ang pasasalamat nila sa kapitan dahil buhay pa rin siyang nakabalik.
Nakatayo naman sa gilid niya ang dalawang babae. Ang isa sa kanila na kaedaran ko ay may dalang sanggol. Kita ang pag-aalala sa mukha niya habang bumubulong sa anak, "Uuwi rin ang otou-san, anak."
Pigil ang paghinga ng lahat habang nakatingin sa daan, naghihintay ng sensyales na makakabalik pa ang pangkat na hinihintay. Habang patagal ng patagal ay parang puputok ang puso ko sa pag-aalala. Tinapik ako ni Yusuke sa balikat at ngumiti.
"Daijoubo," sambit niya.
Napasinghap ang lahat ng makarinig ng malalakas na yabag na sanhi ng pagkalat ng mga alikabok sa hangin. Tila nakalimutan na ng dugo kong sumirkula sa paa at kamay ko dahil pinagpapawisan at malamig ang mga ito.
"Seiji," bulong ko sa hangin. Dalawa lang ang ibig sabihin ng mga yabag. Una ay nakaligtas sila. Pangalawa ay dadating ang mga gerilya para pamahalaan ang bayan. Nanatiling tahimik ang lahat hanggang sa tumigil ang mga yabag.
Umalingawngaw ang pagkasa ng mga baril ng mga natitirang sundalo at itinutok sa direksyon ng tumigil na yabag.
"Tasukete!" sigaw ng isang sundalo mula sa kabilang panig. Gagalaw sana si Yusuke ngunit ihinarang ng isang sundalo ang baril niya kay Yusuke.
"Demo…" Umiling ito, kita ang pag-aalanganin sa mga mata niya.
"Chotto matte," sambit niya. Inipon niya ang mga sundalo at may pagtalakay na nangyari. Napansin ko na may sundalong naghatid sa mga mamayan sa medyo malayong lugar.
Lumapit naman 'yong sundalo sa daan papasok sa kampo habang nakaposisyon ang mga riple ng mga sundalo na alistong nakatayo sa likuran. Sumenyas ang sundalo at lumapit ang pangkat.
"Karera wa fushō shimasu." Nagsitakbuhan ang pangkat sa kanila. Maingat nilang inakay ang mga sugatang sundalo. Masayang makitang buhay sa kabila ng kanilang mga sugat pero…tila may hinahanap ako.
"Taicho!" sigaw ni Yusuke. Akay ni Seiji ang isang matandang sundalo. Naging maagap naman si Yusuke at tumulong sa pag-akay sa matanda.
Mabilis nilang ipinasok sa loob ng bahay ang mga sugatan. Hinatak naman ako ni Yusuke para tumulong sa kanya. "Onegai shimasu." Tumango ako sa kanya bilang pag-sagot.
BINABASA MO ANG
Watashi no Ai (My Love)
Historical FictionFamine, war, and death. These were the things Rita saw during the Japanese occupation in the Philippines. The country was under the shade of Imperial Japan. Loyalty, patriotism, honor and duty above all. These were the values that Imperial Japan...