Chapter 6

252 24 0
                                    

HIS SUICIDAL GIRL
❝I met the guy with his smile when my pen started to phlebotomize, and my fate has begun writing a new story.❞

06 - District Level Press Conference

[•][•][•][•][•][•][•][•][•][•]

•ZACHREY•

Ang sobrang saya ko ngayon. Akalain mo? Na-convinced ko ang mama ni Bea kagabi kahit na hindi pa kami masyadong magkakilala. Who would have thought, exactly? I just said what I had to. Kakaiba talaga ang powers ko when it comes sa pagsasalita sa mga matatanda.

Ngayon, hindi na kami nag-aalala kasi sinusuportahan na si Bea ng kanyang ina sa career niya ngayon.

And today is the day.

After so many days, District Level Press Conference na rin sa wakas. Sana nga ay manalo kaming tatlo para sama-sama pa rin kami sa Division.

Nasa classroom pa ako, at on the way na sana ako sa faculty ni Ma'am Jehr nang biglang may tumawag sa akin.

"Zachrey, may naghahanap sa'yo!" Napakunot naman ang noo ko.

"Sino?"

Dami talagang naghahanap sa akin. I have myself some fan club.

"Xiamin daw ang pangalan." Mabilis akong napatayo sa aking upuan nang marinig ko iyon. Kinuha ko kaagad ang bag ko at tinungo ang pinto.

When I went out, she was already there waiting for me, looking at me with a bored expression on her face. She was wearing her cute, pink earphones. For sure she was listening to her favorite anime songs again. Pero himala! Ang aga niya. She usually comes late.

"You look miserable." Tinanggal niya ang kanyang earphones sa kanyang taenga and placed it inside her bag. "Halika na, pupuntahan pa natin si Bea."

Is it me o parang bad mood siya ngayon? Ang cold niya kasi magsalita, e! And besides, ba't pinuntahan pa n'ya ako sa classroom ko? Kaya ko naman pumunta sa rendezvous point mag-isa.

Nauna siyang maglakad sa akin. Gusto ko sana siyang tanungin regarding sa mood niya, pero baka ako pa ang paglabasan niya ng galit. Although, there is nothing wrong in asking, right? Who knows, maybe there is something I could do to help. Besides, she is my friend. I have every right to help her.

Tumikhim muna ako bago nagsalita, "Xia—"

"What?"

Yikes! As I thought, bad mood siya. Bigla tuloy akong na-speechless.

"Is there a prob—"

"Don't bother. Wala ka rin namang magagawa."

"Don't say that. Baka—"

"I said, Don't. Bother. Okay?"

"Will you let me finish?"

Huminto siya sa paglalakad, kaya huminto rin ako. She turned to face me.

"Ano bang problema mo?"

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa'yo n'yan? Tinatanong lang naman kita ng maayos kung ano ang problema mo, at baka may maitulong ako." Siguro may period ito ngayon kasi namumula yung mukha niya sa inis.

Napaka-moody talaga nitong babaeng ito. Baka resulta na ito sa kakanood niya ng anime, but that is impossible. I also watch anime, pero hindi naman ako masyadong moody.

Or maybe just a typical girl mood.

"Do you really wanna know?" she asked me, and I nodded. "Follow me."

His Suicidal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon