apat

4 1 0
                                    

Tuwing umaga,
Puro pagbubunganga
Mga naririnig sa tainga
Nagpapaikot sa mata

Hihintay ang pagsapit ng gabi
Nang masilayan ang matatamis mong ngiti
Mapupula't malalambot na labi
Dahilan para ang mga pisngi ko'y parang mahahati

Sa pagpatak ng ala una,
Kung sa'n lahat ay tulog na
Malaya na tayong magsama
Sa ilalim ng buwan at kapwa masaya

Sa ilalim ng mga puno
Kung sa'n puno ng sikreto
Ngunit purong pagpapakatotoo
Kung sa'n 'di natin kailangang manloko

BUWAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon