walo

1 0 0
                                    

Mahal ko,
Asaan ka na?
Bakit hindi ka dumalo
Hinihintay pa naman kita

Mayroon bang nangyari
At hindi ka nakapunta?
Wag mo akong hayaang mag alala
Sabihin mo sa aking ayos ka

Giliw ko,
Ako'y nababahala
Sapagkat unang beses na mangyari to
Na ako'y pinagintay mo

Hihintayin naman kita
At 'di naman ako magsasawa
Ngunit di mo ako masisisi
Na ako'y mapaisip

Sana'y ayos ka lamang mahal
Sapagkat kailangan ko nang bumalik
Dahil ang sikat ng araw
Ay akin nang natatanaw

BUWAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon