pito

1 0 0
                                    

Minsan napapaisip ako
Paano kung 'di tayo ganito?
Malaya sa mga tao
At 'di kailangang magtago

Paano kung tanggap tayo ng lipunan?
At 'di natin kailangang magtago sa buwan
Sapagkat kahit kay haring araw
Ay hindi magiiba ang kanilang pananaw

Paano kung normal tayo?
Sa tingin ng mga tao
Malaya tayong magmahal
At 'di parating sinasakal

Isipin mo giliw
Na tanggap tayo ng madla
Lahat ay nagkakaisa
At naisisigaw ko na mahal kita

BUWAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon