anim

2 0 0
                                    

Muntikan na
Na malaman nila
Ang tungkol sa pagmamahalan
Nating dalawa

Walang ibang tumakbo sa isip ko
Kung hindi ang maisalba tayo
Nagulo nang todo ang puso
At ako'y natuliro

Nahirapan akong huminga
Sapagkat akala ko'y katapusan na
Ng ating pag-iibigan
Na nakatago sa buwan

At tila di ko napansin
Ang mga luhang tumulo
Sapagkat napakasakit isipin
Na mawawala ka sa'king mundo

Tumindi na ang takot ko
Nang pumasok sa isipan ko
Na posible nga pala
Na sa isang iglap ay bigla kang mawala

BUWAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon