This is a work of fiction. Names,
characters, places, and events are fictitious. Any resemblance to a real person (living/dead) or actual event is purely coincidental.PLAGIARISM IS A CRIME!!!!
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
10 000 years ago sa isang kaharian na tinatawag na "Diamond Kingdom" naninirahan nang masagana ang mga tao. Nagmamahalan at nagtutulungan sa isa't isa. Isang araw ay may nahulog na malaking bato na galing sa kalawakan. Tinamaan nito ang isang bayan ng Diamond Kingdom. Ang bayan na ito ay ang Helium.
Pagkaraan ng ilang araw sa bayan ng Helium ay parang may nagbago rito. Ang mga tao rito ay biglang nag-iba. Biglang nagkaroon ng kapangyarihan. Lahat ng nasa paligid na nakaamoy ng hangin na galing sa bumagsak na bato galing sa kalawakan ay nag evolve o nag mutate.
Nalaman ito ng hari ng Diamond Kingdom. Pinatawag nya ang mga taga Helium at ginawang tagapagbantay at tagapangalaga ng kaharian. Naging maayos naman ang tugon ng mga taga Helium at sinang ayonan ang hari. Ginawang Royal Knights ng hari ang mga malalakas at tinawag na "Freaks" ang mga taga helium. Hanggang sa isang pangyayari.........
Naging sakim ang ibang taga Helium at gustong maging hari ng kaharian. Nag alsa ang ibang taga Helium sa pamumuno nang isang makapangyarihang taga Helium na si Vlad. Ang pinakamalakas sa lahat ng Royal Knights. Si Vlad ay may kakayahang humigop ng kaluluwa kapag nahawakan ka nya at kaya nya ring panatilihin ang kabataan nya sa pamamagitan nito. Pero napigilan ito ng kapangyarihan ng limang magigiting na Royal Knights. Umalis si Vlad at di na nagpakita pero bago umalis sinabi nya na sasakupin nya ang mundo balang araw.
Dahil sa pangyayari natakot ang kaharian sa mga freaks kung ano pa ang kaya nitong gawin. Bumuo ang Hari nang Anti Freaks na naglalayong ubusin ang mga Freaks. Nakagawa ang Hari ng anti freaks na inumin gamit ang bato na bumagsak sa kalawakan. Tinipon nya ang mga freaks sa isang pagsasalo at pinagtaksilan niya ang mga ito. Pinainom nya ang lahat ng inumin na nagtatanggal ng kapangyarihan ng mga Freaks ng limang minuto. Dahil sa walang kapangyarihan ang mga Freaks ay pinatay ang mga ito. Halos maubos ito pero ang iba ay nakatakas kasama na don ang mga bata na wala sa pagtitipon. Ang limang Royal Knights ay kasama sa mga nasawi tanging mga anak nila ang nakaligtas.
Gumawa pa ang Hari ng mga kagamitan na nag aalis ng kapangyarihan ng mga freaks. Kaya ang mga Freaks ay nagtago na hanggang sa kasalukuyan sa takot na mapatay ng mga Anti Freaks. Ang mga Freaks na natira ay nasa paligid lang at tinigil ang pag gamit ng kapangyarihan upang mabuhay ng matiwasay.....................
BINABASA MO ANG
Freaks
Fantasy"With great power comes great responsibility" A story of a boy named Rex together with his friends. Fighting to survive their existence in this world that brings them to a new chapter of their lives.... Started : July 15, 2019