Dahil sa pagsabog na nangyari ay nagkaroon ng kaguluhan sa bayan. May isang lalaki ang lumapit kay Master Xin at sinabing nilulusob kami ng Black Empire. Maraming pagsabog pa ang sumunod. Mabilis kaming umalis para tumulong. Habang paalis kami ay nag usap kami nila ama at Master Xin na sila na ang bahala sa mga sumasalakay. May iba din naman silang mga kasamang Freaks. Kami naman ni Vic ang bahala sa mga sugatan at mga mamamayan. May mga kasama din kaming Freaks na kasing edad lang din namin. Kailangan naming iligtas ang mga mga mamamayan sa Light Academy. Naghiwalay na kami nila ama pagkalabas namin ng gate sa paaralan. Sila ay nagtungo kong saan may maraming pagsabog ang nangyayari. Tinulungan naman agad namin ni Vic ang mga mamamayan. Pinapapunta namin sila sa loob ng paaralan.
Naghiwa-hiwalay din kami ng mga kasama naming Freaks para mapadali ang pagtulong sa mga mamamayan."Okay lang po kayo? Dumiretso po kayo sa loob ng paaralan. Ligtas po doon may mga Freaks na nakabantay." Sabi ko sa mga mamamayang nakakasalubong namin ni Vic.
Marami na ring namatay sa mga mamamayang Freaks na andito sa Light Academy. Rinig namin ni Vic ang pag iyak ng mga bata. Kinuha namin ang mga bata para mailigtas ang mga ito. May isang taga Dark Empire ang nakakita sa amin ni Vic. Mapapansin mo agad ang Black Empire dahil sa mga hood na suot nila. Kagaya ito sa suot nang mga Scarlet. Bigla nitong tinutok samin ang palad nya at sinabing "Canoonball". May biglang parang bala ng kanyon ang papalapit samin. Sumabog ito samin pero nakailag kami. Sinabihan ko ang mga batang hawak namin ni Vic na tumakbo papunta sa loob ng paaralan. Sumunod naman ang mga bata. Tumakbo ang mga ito habang umiiyak. Biglang pinatamaan ng taga Dark Empire ang mga bata pero pinatamaan ko ang cannonball nya bago pa ito umabot sa mga bata.
"Kami ang kalaban mo ngayon. Huwag mong idamay ang mga bata." Sabi ko sa kalaban.
Sunod-sunod ang mga pagpapasabog sa amin ng kalaban. Iniiwasan naman namin ni Vic ang bawat pagsabog. Hindi kami masyadong makalaban dahil sa kapangyarihan nyang naglalabas ng bomba. Sinusubukan kong patamaan sya ng kapangyarihan ko habang umiiwas sa mga bomba pero napatamaan nya ako sa kaliwang braso ko. Hindi ko napansin na may nahuhulog palang bomba sa taas.
"Dude okay ka lang? Tanong sakin ni Vic.
"Okay lang ako dude. Huwag mo akong intindihin. Gasgas lang to. Kailangan nating mag isip ng strategy para matalo ang isang yan."
Lumapit sakin si Vic at may binulong.
"Okay ba sayo yon dude?" Tanong ni Vic.
"Subukan natin dude"
Nag fist bump kami ni Vic at sumugod. Sinuntok ni Vic ang lupa at nasira ito papunta sa kalaban. Nawalan ng balanse ang kalaban kaya pagkakataon ko nang gumanti. Nagpaulan ako nang maraming apoy papunta sa kalaban. Pero pinapatamaan lang din ito ng grenades nang kalaban. Nakokontra nya ang kapangyarihan ko. Sumugod naman agad si Vic para suntukin ang kalaban pero di palang nakakalapit ay may sumabog na. May landmine palang nakabaon sa lupa. May kapangyarihan din palang landmine ang isang to. Sumabog ito kay Vic. Nakita kong duguan si Vic. Tumakbo agad ako papunta sa kanya. Mabuti nalang pala at nakailag agad si Vic nong sumabog ang landmine kaya hindi masyadong malala ang natamo nyang pinsala at saka matibay ang katawan ni Vic dahil sa kapangyarihan nya. Nawalan lang ito nang malay.
"Haha ansayang tingnan talaga pag may nakikita akong nasasabogan ng kapangyarihan ko. Maliban sa pagwasak sa bayan at paaralan ng Light Academy ay nag eenjoy na ako sa mga nangyayari. Gustong gusto ko ang kaguluhan". Sabi nang kalaban.
"Hindi ka ba naawa sa mga batang Freaks? Sa mga pamilyang napatay mo? Kagaya mo rin sila." Sabi ko
"Wala akong pakialam sa kong sino man. Gusto ko lang nakikitang naghihirap ang mga mahihina. Tanging malalakas lang ang maghahari dito sa mundo. Kasama si Master Vlad paghaharian namin ang mundong ito na tanging malalakas ang titingalain. Walang sino man ang makakapigil samin kahit ang Light Academy. Masyado pa kayong mahina" Sabi nang kalaban.
BINABASA MO ANG
Freaks
Fantasi"With great power comes great responsibility" A story of a boy named Rex together with his friends. Fighting to survive their existence in this world that brings them to a new chapter of their lives.... Started : July 15, 2019