Kabanata 5 : Light Academy

9 7 0
                                    


         Ang Light Academy ay paaralan ng mga Freaks. Ito ay nakatago sa isang barrier upang di makita ng ibang tao. Ang mga nakakapasok lang sa barrier ay ang mga Freaks. Ito ay nasa kagubatan ng Ibara.

       "Pagkatapos ko ng college ay pumasok ako sa Light Academy. Pero habang nag aaral pa ako sa college, kapag linggo at pag bakasyon  na ay pumupunta ako sa academy para mag training. Pinasok ako ng lola mo Rex sa academy sa pag aakalang kilala na kami at uubusin na kami ng mga Anti Freaks sa panahon namin. Nakasama ko dati si Mathew at ang ina ni Vic. Magkasama kami dati sa mga misyon namin. Hindi ko akalaing makakalaban ko si Mathew sa hinaharap pala. Linggo bukas kaya dadalhin ko kayo para malaman at makita nyo ang academy. Titigil muna tayo sa pag titraining dito. Doon na muna kayo para mahasa pa lalo ang kakayahan nyo. Kakausapin ko rin Vic ang ina mo na isasama kita sa Academy. Kailangan nyo pang lumakas dahil sa pagkakaalam ko ay malakas na ang pwersa ng Dark Empire. Kailangan pa nating mabuo ang limang Royal Knights para matalo si Vlad." Sabi nang ama ko samin ni Vic.

        "Ayos yan tito. Makakakilala pa ako ng iba pang Freaks. Maipapakita ko rin sa kanila kong gaano ako kalakas hahaha." Sabi ni Vic habang tumatawa.

        "Maghanda na kayo para bukas. Maaga tayo aalis."Sabi ni ama.

         Naiwan kami ni Vic. Umalis na ang ama ko. Siguro tatawagan nya ulit ang ina ni Vic. Hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari sa park. Hindi ko akalaing niloko lang ako ni Ruby. Patibong lang ang lahat. Kasinungalingan lang pala ang mga ngiti nya.

        "Dude si Ruby parin ba ang iniisip mo? Hindi ka pa ba nadala sa mga nangyari? Una gusto kang patayin. Ngayon naman gusto kang kunin. Haha at least na meet mo naman ang family niya dude." Pang aasar ni Vic sakin.

          "Tatandaan ko na to dude. Hindi na ulit ako magpapaloko kay Ruby. Pipigilan ko na ang nararamdaman kong paghanga sa kanya. Siguro hindi na talaga kami magkakabati pa. Lalo na ngayong magka away pa ang mga ama namin. Kailangan ko ng itigil to." Malungkot habang sinasabi ko ito.

         "Tatandaan ko yang sinabi mo dude. Haha baka di mo magawa yan." Sagot ni Vic

Kinabukasan..........

          Maaga kaming bumyahe papunta sa Academy. Medyo malayo din ang kagubatan ng Ibara. Limang oras ang byahe namin. Hindi na makakapasok ang sasakyan namin sa kagubatan kaya iniwan na namin ito. Naglakad kami ng tatlumpong minuto papasok sa kagubatan. Hanggang sa nagsalita ang aking ama.

          "Andito na tayo."

           "Wala namang academy dito tito." Sagot ni Vic

            "Oo nga." pag sang-ayon ko kay Vic.

           "Haha nakalimutan nyo na ba agad? Sinabi ko sa inyo na may barrier ang academy. Hindi ito nakikita ng mga taong nasa labas. Nakikita nyo yong malaking puno ng mangga. Yan ang daan natin para makapasok sa loob." Pagpapaliwanag nang aking ama.

           "May puno nga ng mangga ama pero pano tayo dadaan dyan?" Tanong ko sa kanya.

           "Haha puputulin natin yan para makapasok." Pabirong sabi ni ama.

           "Seryoso ka tito? Ako na ang gagawa." Sabi naman ni Vic.

            Nang pupuntahan na ni Vic ang puno ng mangga para suntukin ay lumapit ang aking ama at pinigilan sya.

            "Haha biro lang yon Vic. Ang kailangan lang gawin para makapasok dyan ay maglabas lang ng kaunting kapangyarihan.
Nakikita nyo ba yong bilog sa puno ng mangga. Ilalagay nyo lang ang palad nyo at maglalabas ng konting aura ng kapangyarihan nyo. May bubukas na pinto pag ginawa nyo yon. Subukan mo anak. Kaunti lang ha?" Sabi ni ama.

FreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon