Hindi ko alam kong ano na ang nangyari kay Ruby. Bigla nalang itong nawala. Nag-aalala ako kong ano na ang nangyari sa kanya. Sya ay duguan nong huli kong makita. Hindi pa ako nakaka hingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya. Sana ay hindi pa yon ang huli naming pagkikita.Kinabukasan.......
Paalis nako ng bahay para pumasok sa school. Nagmamadali akong lumabas ng bahay pero nakita ako ng aking ina. Tinawag ako at sinabing....
"Anong nangyari dyan sa mukha mo anak? Bakit nagkasugat yan?"
"Wala lang to inay. May pakong nakausli lang sa may banyo. Bigla po akong nadulas at nagasgasan yong mukha ko. Pinukpok ko narin yong pako para hindi na makadisgrasya pa" Hindi ko na sinabing nakuha ko ito sa labanan kagabi. Sa mga nangyari sa school ayaw kong mag-alala pa ang aking mga magulang. "Alis na ako inay".
"Sige anak. Ika'y mag-iingat palage. Alalahanin mo lage ang mga sinabi nang yong ama."
"Pakakatandaan ko palage inay" sabay alis.
Sa school.......
Habang naglalakad ako papasok ng gate sa school ay may namumukhaan akong pamilyar na mukha at nakangiti sa akin. Ito ay si Vic.
"Kumusta ka na? Kelan ka pa nakalabas sa hospital?" Sabi ko.
"Hehe okay na ako dude. Kakalabas ko lang kahapon pero nagpahinga muna ako ng isang araw bago pumasok. Salamat nga pala sa pagligtas sa akin dude. Nakita ko ang mga nangyari. Nagkamalay ako nong nakaramdam ako ng sobrang init sa paligid". Sabi ni Vic.
"Walang ano man yon. Sana sa atin lang yong mga nangyari. Ayokong may iba pang makaalam sa mga nangyari nong araw na yon." Sabi ko naman.
"Haha edi pag sinabi ko yon edi damay din ako?" Pabiro na sabi ni Vic "Nakalimutan mo yatang may kapangyarihan din ako dude" bulong nya sa akin. "Walang makakaalam ng sekreto natin dude."
"Haha oo nga pala nakalimutan kong pareho pala tayong may kapangyarihan." Sabi ko sa kanya.
"Alam mo na din naman siguro na Freaks ang tawag sa atin dude. Nalaman kong isa akong Freaks nong nakaraang taon. Tinanong ko ang aking mga magulang kong bakit pagkatapos ng kaarawan ko ay bigla akong lumakas. Na kaya ko palang buhatin ang isang kotse. Astig di ba?" Nasasabik na sabi ni Vic.
"Ang astig nga. Nalaman ko lang din naman na may kapangyarihan pala ako nong nangyari ang insidente. Hindi ko akalain na may ganito pala akong kapangyarihan."
"Ang cool nga ng kapangyarihan mo dude kahit nagbabaga sa init." natatawang sabi ni Vic.
"Mas cool ang sayo dahil sobrang lakas mo Vic."
"Para walang samaan ng loob. Pareho tayong cool dude. Pareho tayong may kapangyarihan eh. Dahil dyan napagpasyahan kong best friend na kita ngayon. Haha huwag kang tatanggi. Sige ka baka magsisi ka madami pa namang gusto akong maging kaibigan." Sabi ni Vic.
"Haha bat naman ako tatanggi? Wala pa naman akong kaibigan rito kaya simula ngayon ikaw na ang best friend ko." Nakangiti habang sinasabi ko.
"At dahil dyan kailangan natin ng call sign dude? Like wifey at hubby o di kaya dhie at mhie? Lokong sabi ni Vic.
"Haha loko ka Vic. Tara na nga sa silid aralan natin."
Naglakad na kami ni Vic papunta sa silid aralan namin. Habang naglalakad ay nagkukwentuhan kami tungkol sa mga Freaks at sa nangyari sakin kagabi. Sa kanya ko lang nasabi dahil gusto kong may makarinig ng pagkalungkot ko na di ko naman masabi sa aking mga magulang.
Simula non ay lagi na kaming magkasama ni Vic. Pumupunta ito sa bahay para magtraining din ng martial arts. Sabay naming pinapalakas ang aming kapangyarihan. Ayaw naming maulit ang pangyayari sa school. Gusto naming lumaban. Maging malakas para maipagtanggol ang aming pamilya at mga sarili.
Habang kami ay nagpapahinga saglit sa training......
"Dude malungkot ka yata? Parang alam ko na yata dahilan nyan. Siguro yong chicks na kaklase natin yan no? Yong kwinento mo sa akin. May isa pa palang kagaya natin at kapatid pa nong gustong kumuha sa akin. Haha what a coincidence!Ilang linggo naring hindi pumapasok yon. Base sa pagkaka kwento mo sakin dude. Sa tingin mo buhay pa yon? Sabi ni Vic.
"Hindi ko alam dude. Oo malungkot ako ngayon kasi gusto ko ulit na makita sya. Pero naniniwala parin akong buhay si Ruby." Sagot ko naman.
"Kong yan ang pinaniniwalaan mo dude. Yan na rin ang sakin. Haha huwag nya lang akong kidnapin din kagaya ng ginawa nang kapatid nya. Magkakasubukan kami." Pabirong sabi na naman ni Vic.
"Haha hindi yon magkakainteres na kunin ka dude. Tara na ulit magsanay" aya ko sa kanya.
Muli kaming nagtraining ni Vic.
Tatlong linggo na ang lumipas pero hindi ko parin nakikita ulit si Ruby. Pero sa araw nato malakas ang pakiramdam ko na makikita ko ulit sya.
Sa school.......
Pumasok na ako sa silid aralan ko. Wala pa si Vic. "Himala hindi nauna sakin yon ngayon" Nakatingin ako sa may bintana nang may isang estudyanteng sumigaw.
"Bes andito ka na ulit. Anong nangyari sayo? Sabi nong estudyante.
Mayroong isang babaeng sumagot. Naririnig ko ang boses. Kahit di ko pa ito nakikita alam ko kong kanino ang boses na yon. Kay Ruby.
"Nagkasakit ako Bes kaya di nakapasok. Nakapagbigay na ako ng excuse letter sa ating mga professor." Sabi nong dumating na babae sa kausap nya.
Pagtingin ko ay si Ruby nga. Puno ng kagalakan at kasiyahan ang aking puso ngayon dahil sa nakita ko na ulit sya. Kong pwede lang akong maiyak sa tuwa dahil buhay sya ay gagawin ko sana. Kaso naalala kong nasa school ako. Natulala na naman ako sa kanya. Tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Anong nangyari ba't sya ngumiti sa akin?" Pabulong kong sabi sa sarili. Inalis ko ang tingin sa kanya dahil ang lakas nang pintig ng puso ko nong ginawa nya yon.
Dumating narin si Vic.
"Dude! Late na ba ako?" Sabay kaway sakin.
Lumapit si Vic at kinausap ako.
"Anyare sayo dude? Bat ka namumula?
Tinuro ko si Ruby sabay sabing "Ngumiti sya sa akin dude" kinikilig habang sinasabi.
"Tumigil ka nga dude. Nakalimutan mo na ba ang ginawa nya sayo? Binalak ka nyang patayin. Malay mo estratihiya nya yan para makaganti sayo. Huwag kang magtitiwala agad sa ngiti nya." Seryosong pagkakasabi ni Vic.
Ngumiti ako at sinabing... "Hehe okay na saking patayin nya ako dude. Mga ngiti palang nya solve na ako. Pwede na akong pumunta sa langit."
"Lakas na ng tama mo dude. Pero wala talaga akong tiwala sa babaeng yan. Ano kayang motibo nya? Parang may mali yata"
Tumingin ulit sa amin si Ruby at nginitian kami. Dumating na ang professor namin kaya nagsi-upo na lahat. Masayang masaya akong makita ulit si Ruby. Makakahingi narin ako ng tawad sa kanya. Tiningnan ko si Vic pero seryosong seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay Ruby at para bang ang lalim ng iniisip nya.
Natapos narin ang klase namin. Pauwi na ang lahat pero hinabol ko si Ruby upang kausapin..............
BINABASA MO ANG
Freaks
Fantasy"With great power comes great responsibility" A story of a boy named Rex together with his friends. Fighting to survive their existence in this world that brings them to a new chapter of their lives.... Started : July 15, 2019