Kabanata 1: Simula

42 11 0
                                    


      10 000 years later ......................

      (Kasalukuyan)

      Ako si Rex Vermilion isang freshmen college student. Nag iisang anak nina Jane at Dexter Vermilion. Ako ay 18 years old. Ako ay isang simpleng binata lamang na ang gusto ay ang makapagtapos ng pag aaral at makapag asawa. Pero isang pangyayari ang nagpabago ng buhay ko.

       Unang araw sa paaralan, masaya ako dahil may makikilala na naman akong mga bagong  kaibigan. Pagpasok ko sa silid aralan namin ako'y biglang natulala. Nakaupo ang isang babae na ubod ng ganda. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang kagandahan. Mala dyosa ang kanyang mukha. Bigla akong tinulak nang isang lalaki kaya nahimasmasan ako sa aking pagkatulala.

       Sabi sakin nung lalaki, "Dude huwag kang humarang dyan sa pinto marami kaming papasok oh" sabay turo sa ibang estudyante sa likod.

       Sabi ko naman, "Sorry" at pumasok nako sa loob.

       Dumating narin ang guro namin at magsisimula na kami nang bigla akong naihi. Nag excuse ako at lumabas papunta sa cr. Hindi ko namalayan sumunod din pala yung lalaki kanina na tumulak sakin. Tinanong nya ako kung ano ang pangalan ko.

       Ang sabi ko "Rex Vermilion" at tinanong ko rin ang pangalan nya.

       Sagot nang lalaki.... "Vic Amarillo dude. 19 years old hehe bumagsak ako nung nakaraang taon kaya balik first year ngayong taon" sabay abot nang kamay para makipagkamay. "Sorry pala sa pagtulak ko sayo kanina"

        "Okay Lang yon" sagot ko.

        Pagkarating namin sa may pinto ng cr. May isang lalaki na naka hood na nakaharang sa pinto. Biglang nagsalita ang lalaki at sinabing.....

        "Nakita rin kita Vic Amarillo. Sumama ka sakin at ipapakilala kita sa master ko at paghaharian natin ang mundo."

        Biglang natawa si Vic at sinabing....

        "Haha lakas nang tama mo dude. Anong tinira mo kanina?"

         Medyo malaki din naman kasi ang katawan ni Vic kaya naisip ko, kaya siguro sumasagot si Vic kasi may ibubuga din.

          Nagsalita ulit ang misteryosong lalaki.

         "Sumama ka na sakin Vic. Huwag mong hayaang gumamit pako ng pwersa para maisama ka".

         Tumawa ulit si Vic at nagsalita.

        "Hahaha may sira na to sa ulo. Ayaw kong sumama sayo. Tapos!!"

          Biglang lumakas ang emosyon ng nasa paligid. Nagsalita ulit ang lalaki.

          " Kung ganun dadalhin kita sa master ko ng sapilitan......... Tanggapin mo to"

         Biglang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Biglang may lumabas na tubig sa kamay nang lalaki. Pinatamaan nya kami pero laking gulat ko rin nang biglang humarang si Vic at sinuntok ang tubig.

         Tumakbo si Vic doon sa lalaki at sinuntok kaso nakailag ito. Dahil sa umilag ito. Sa pinto ng cr tumama ang suntok ni Vic at ito ay nawasak. Pinatamaan naman sya ng tubig nung lalaki at tumilapon si Vic.

         Di ko na alam ang gagawin ko. Di ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Pinatamaan ng sunod-sunod na kapangyarihan na tubig si Vic nung lalaki. Halos mawalan na nang malay si Vic. Gusto kong tumulong pero natatakot ako. Ano ba naman magagawa ko sa isang taong may kapangyarihan. Eh Napapanuod ko lang ito sa tv.

         Tiningnan ko ulit si Vic na wala nang malay at papunta na ang lalaki para kunin sya. Naguguluhan na ako. Gustong tumulong ng puso ko pero natatakot yung isip ko. Pero biglang naalala ko ang sabi ng aking ama na tumulong sa mga nangangailangan.

         Nakalimutan kong sabihin na nag aaral din ako ng martial arts tuwing linggo. Ang aking ama ang aking guro.

         Naglakas loob akong tumakbo papunta don sa lalaki pero di pa ako nakalapit ay bigla nyang tinapat ang kamay nya sa akin at may lumabas na yelo. Biglang nagyelo ang aking katawan. Di ako makagalaw sa ginawa nya.

         "Huwag kang maki alam rito, yung kaibigan mo lang ang kailangan ko". Sabi nung lalaki habang binubuhat si Vic.

        "Bitawan mo sya! Hindi ko kaibigan yan pero gusto ko pang maging kaibigan yan." Sabi ko habang nagpupumiglas sa yelo.

        Nang binuhat na nung lalaki si Vic ay may dalawang estudyante na dumating. Tinawag ko ito at humingi ng tulong. Lumapit ang dalawa at may kinuha sa kanilang mga bag. Laking gulat ko na naman nung bumunot ang isa ng foldable na pana at ang isa naman ay bumunot nang baril.

        Pinana nung isang estudyante ang lalaking may kapangyarihan, hinarangan nya ito nang kapangyarihan nyang tubig pero tumagos ito papunta sa kanya. Napaluhod ng matamaan ang lalaki sa may bandang kaliwang parte ng tyan at nabitawan si Vic. Tumayo ang lalaki at tinutok ang kamay sa pumana sa kanya kaso walang lumalabas na kapangyarihan sa kamay nya. Pinana sya ulit nang estudyante sa ulo. Nakita kong bumagsak ang lalaki at alam kong wala natong buhay.

         Lumapit ang dalawang estudyante sa lalaki at may sinabi.

         "Hahaha wala palang kwenta ang isang to. Di ko akalain na may dugong Royal Knights pa ang isang to." Sabi nung pumana.

        "Ako na ang papatay sa isang Freaks nato" sabay turo kay Vic, Sabi naman nong isang estudyante.

       Nang tinutukan na ng baril si Vic. Di na ako makaisip ng maayos, natataranta na ako. Kung anu-ano na ang pumapasok sa iisipan ko. May namatay nang isang tao. Wala na akong pakialam kung ang lalaking yun ay may balak akong saktan kanina pero di nya ako pinatay. Hindi katulad ng mga lalaki na nasa harap ko ngayon. Di ko alam kong ano sila. Pero isa lang ang alam ko ngayon hindi sila estudyante. Pinapatay nila ang mga may kapangyarihan.

        "Bilisan mo na dyan, patayin mo na yan. Baka dumating na ang mga estudyante rito" sabi nung isang estudyante.

         Babarilin na nung lalaki si Vic. Gusto kong may gawin. Gusto kong ilagtas si Vic. Bigla nalang may naramdaman akong kakaiba. Biglang uminit ang buong katawan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon parang sasabog ako. Biglang nagliyab ang buong katawan ko at natunaw ang yelo sa aking katawan.

         Nabigla ang dalawang lalaki kaya umatras ito at nang akmang babarilin at papanain ako nang dalawa inunahan ko ito ng nagbabagang apoy papunta sa kanila. Anlakas ng apoy na pinakawalan ko. Tustado ang dalawa at nasusunog ang isang palapag ng building. Pinindot ko ang fire alarm para makalabas ang ibang estudyante. Nakita kong lumabas rin ang magandang babae na kaklase ko. Nakatingin sya don sa lalaking may kapangyarihan na napatay habang tumutulo ang luha. Pinunasan nya ang kanyang luha at tumingin sya sakin nang may galit. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganon nalang ang tingin nya sakin. Lumabas narin ako at inakay palabas si Vic.

FreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon