Kabanata 2 : Freaks at Anti Freaks

30 10 0
                                    

       Pagkatapos nang insidente sa school ay nagpapagaling si Vic sa hospital. Iniimbistigahan ng mga pulis ang nangyari sa school. Mabuti nalang walang nakitang videos ang CCTV sa school dahil nasira ang mga to. Hindi ko alam kung bakit nasira pero hinala ko ay bago dumating ang dalawang lalaking estudyante ay sinira na nila ang mga ito.

      Hindi parin mawala sa isipan ko ang mga nangyari. Nagtataka ako kung bakit may ganun akong kapangyarihan. Mga ilang araw ang lumipas matapos ang insidente ay kinausap ako ng aking mga magulang. Sinabi ko sa kanila ang buong nangyari. Pinakita ko sa kanila ang aking kapangyarihan. Laking gulat ko nang may ginawa rin ang aking ama. Nagpalabas siya ng apoy sa kanyang kamay.

       "Panong nagkaroon tayo ng kapangyarihan ama?" Tanong ko.

       "Ako, ikaw at ang mga ninuno natin ay isang Freaks anak. Di ba naikwento ko na sayo ang tungkol sa mga Freaks nong bata ka pa. Ito'y hindi isang kwentong bayan lamang. Ito ay totoong nangyari. Tayo ang mga patunay non. Ang mga pinakaunang Freaks ay nakuha ang kapangyarihan nila noong makalanghap sila ng hangin na  galing sa nahulog na bato na nanggaling naman sa kalawakan pero ang mga anak nila na ipapanganak palang hanggang sa kasalukuyan ay dapat muna maging labing walong taong gulang bago lumabas ang kapangyarihan nito. Kakatapos lang nang kaarawan mo nong isang buwan kaya di na ako magtataka kung bakit lumabas na ang kapangyarihan mo. Batay sa sinabi mo kanina. Yung Vic at ang lalaking may kapangyarihan ng yelo at tubig ay kagaya natin. Pero mag iingat ka sa mga kagaya nung dalawang estudyanteng sinasabi mo. Sila ay mga Anti Freaks. Yun ang kinakatakot ko na makita nila tayo. Wala silang ibang ginagawa kundi ang pumatay lang nang mga kagaya natin. Sa mga nangyari sa school alam kong magpapadala pa sila ng maraming tauhan para hanapin kong sino ang may kagagawan ng pagkasunog. Ikaw ay mag ingat palage anak sa school. Iwasan mong gamitin ang yong kapangyarihan ng hindi nila malaman ang yong tunay na pagkatao." Sagot ng aking ama.

        "Tatandaan ko yan ama."

Pagkalipas ng dalawang linggo..

        Muling nagbukas ang school na pinapasukan ko. Nakumpuni na lahat ng mga nasira. Hindi parin alam nang pulisya ang dahilan ng pagkasunog.

        Pumasok na ulit ako sa silid aralan ko.(Slow motion effect) Lumingon ang mala dyosang babae na kaklase ko sa akin. Wow! Isang tingin lang nya nawala na agad ang ibang iniisip ko. Siguro nasa langit na ako. Para talaga syang anghel sa kalangitan na bumaba sa mundo. Simula ngayon crush ko na ang babaeng to. Natutulala  na naman ako. Di ko namalayan na napapangiti na ako sa kanya. Pero sumimangot sya sa akin at sa iba ibinaling ang atensyon. Dahil sa nangyari ako'y dumiretso na sa aking upuan. Nasa may likuran nya ako kaya lage ko syang napagmamasdan.

        Bigla kong naalala ang pangyayari nong inaakay ko si Vic palabas. Naalala kong nakita ko na umiyak itong si ganda habang tinitingnan ang isang Freaks na napatay. Napaisip na naman tuloy ako. Bakit Kaya umiyak si ganda?

      Nagpakilala ulit ang mga kaklase namin. Naudlot daw nung unang pagkakataon dahil sa sunog na nangyari. Isa lang naman ang pangalan ang gusto kong malaman. Tumayo na si ganda at nagpakilala. "Ako si Ruby Scarlet.............." (Wow Ang gandang pangalan, Ruby) Sabi ko sa kalob looban ko. Natapos din ang leksyon namin. Uwian na! Mabilis akong umalis sa school at umuwi sa amin.

      Habang nag aaral sa bahay ay bigla akong nakaramdam ng pagkagutom. Walang laman ang ref namin kaya lumabas ako para bumili sa may tindahan. Habang naglalakad papunta sa may tindahan ay napapansin kong may sumusunod sa akin.

      "Sino ang nandyan?Magpakita ka...."

      Walang sumagot kaya nagpatuloy ako. Mga ilang hakbang ko ay biglang.........

      "Itong bagay sayo!!!"

       Isang boses ng babae ang narinig ko. Pagtingin ko ay isang malaking bloke ng yelo ang pahulog sa akin. Hindi na ako nag dalawang isip pa. Ginamit ko ang aking kapangyarihan at tinunaw ang yelo.

       Pagtingin ko sa babae ay nakahood ito kagaya nong lalaking Freaks na gustong kunin si Vic.

       "Sino ka? Magpakilala ka?
Anong kasalanan ko sayo at inaatake mo ako."

        Sumagot ang babae....

        "Hindi mo ba naaalala ang pinatay mo na ganito ang kasuotan? Pinatay mo ang kapatid ko. Kaya tanggapin mo to."

        Sunod-sunod na pinakawalan nya ang kanyang kapangyarihan papunta sa akin. Pero nakokontra ko ito ng kapangyarihan kong apoy.

        "Hindi ko pinatay ang sinasabi mo. May dalawang estudyante na dumating at pinana sya ng isa sa mga ito. Yun ang nangyari." Sabi ko.

        "Hindi totoo yan! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko. Huwag mo nang litohin ang isipan ko. Ikaw ang nakita kong nagsunog ng school." Sabi nang babae.

         Sumagot ulit ako. "Mali ang akala mo miss. Itigil mo na ito. Ako nga ang nagsunog pero hindi ako ang pumatay sa kapatid mo."

        "Tumahimik ka! Sinungaling ka!" Sagot nya.

         Nagpakawala ulit sya ng mga yelo. Nagsagupaan ulit ang aming kapangyarihan. Hindi na puro pagsangga ang aking ginawa. Pinapatamaan ko na rin sya ng kapangyarihan ko. Tumama ang aking kapangyarihan sa kanyang balikat. Hinawakan nya ito at napaluhod. Nang akmang lalapit na ako para tulungan sya.....

         "Huwag kang lumapit. Di ko kailangan ang tulong ng taong pumatay sa kapatid ko." Pagalit nyang sabi.

          Pero di parin ako natinag at lumapit parin sa kanya. Palihis syang nakatingin para di ko makita ang kayang mukha. Hinawakan ko ang kanyang balikat. Tinanggal ko ang tela sa kanyang bandang balikat at iniligay ko sa sugat. Sinabihan ko syang gamitin ang kanyang kapangyarihan para maibsan ang sakit ng pagkapaso. Pero nagmamatigas sya at ayaw makinig sakin.

        Ilang saglit lang ay biglang may bumaril sa babaeng nakahood. Tinamaan ang kanyang likuran. Biglang natumba papunta sa aking balikat ang babae at natanggal ang kanyang hood. Nabigla ako sa nakita ko ng makita kong si Ruby iyon.

       Ako'y nagulat. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Ang crush ko ay gusto akong patayin at hindi lang yon. Nasa harapan ko sya at hawak-hawak habang duguan. Ako'y napasigaw "aghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh bakit?"
Nakaramdam ako ng puot sa aking puso. Gusto kong magwala at pagbayarin ang gumawa nito sa kanya. Hinanap ko ang bumaril kay Ruby at binuhos lahat ng kapangyarihan ko dito. Nakailag ito sa kapangyarihan ko. Naramdaman kong buhay parin si Ruby kaya binaba ko muna sya at pinuntahan ang bumaril.

      "Dyan ka na muna Ruby. Patawad sa nagawa ko kanina. Hindi ko alam na ikaw yon. Huwag ka sanang mawawala agad." Sabi ko kay Ruby.

       "Haha pag sinuswerte nga naman. Dalawang Freaks ang mapapatay ko ngayon. Maswerte ako kakasunod sa babaeng yan. Hayaan mo akong magpakilala bago ka mamatay. Ako nga pala si Bruno isang Anti Freaks. Magpaalam ka na sa syota mo"-

      "Ikaw ang magpapa-alam dito sa mundo. Sisiguraduhin ko yan" Sabi ko.

       Nagsisimula na ulit akong mag init. Bumuo ako ng apoy na parang bola at tinapon kay Bruno pero wala etong epekto. Napakabilis nyang kumilos. Naiilagan nya lahat ng ibato ko sa kanya. Gumawa narin sya ng hakbang at binaril ako. Nadaplisan ako nang bala sa may mukha kaya di ako makagamit ng kapangyarihan. Naalala kong limang minuto ang tinatagal nito. Kaya tumakbo muna ako papalayo para maubos ang limang minuto. Hinabol ako ni Bruno at pinaputukan.

      Matapos ang ilang minutong habulan. Nakakagamit narin ulit ako ng kapangyarihan. Hinarap ko ulit si Bruno at binato ulit ng mga bolang apoy. Di ko parin sya matamaan. Kaya naisip kong baka kaya kong gawing parang baril ang kapangyarihan ko. Aalisin ko ang lakas at papalitan ko ng bilis. Paliliitin ko ang bolang apoy para maging isang balang apoy. Tinutok ko ang kamay na parang baril at tinuon ko ang kapangyarihan ko sa dulo ng mga daliri ko. Itinira ko ang namumuong kapangyarihan sa dulo ng daliri ko kay Bruno. Hindi ko lubos makita ang kapangyarihan ko sa sobrang bilis nito. Natamaan ko si bruno. Sunod-sunod ko itong pinatamaan pero nakatakbo parin ito at nakatakas. Hindi ko na sinundan pa. Pinuntahan ko agad si Ruby sa sobrang pag aalala ko. Pagkarating ko sa lugar na kung saan iniwanan ko si Ruby ay wala na ito........

FreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon