Chapter 14

30 1 0
                                    

Naomi's POV

Pagkalabas ko ng kwarto pumunta agad ako kay ate at niyakap ko siya

"Shh ok lang yan bunso, magiging maayos din ang lahat" sabi niya. Mga ilan minuto na ako nakayakap sa kanya at nakaramdam ako ng antok hanggang sa naka tulog ako

After almost an hour... 

Nagising ako at sakto padating na si kuya

"Kuya..." sabi ko

"Halika dito, magusap ulit tayo" sabi niya, tumango naman ako at lumapit agad sa kanya

Pumunta kami ulit sa akin kwarto at habang papunta kami duon, nakasalubong namin si papa

"Pa, samahan niyo po duon si Angelica, para na din po makilala niyo po siya" sabi ni kuya at dumeretso na kami sa akin kwarto

Pagkaupo namin sa akin kama nagumpisa na siya magsalita. Sinabi niya ang lahat lahat. Yun tungkol kay papa pagkatapos mawala si mama, yun gusto na niyang tapusin ang buhay niya, yun depression niya... at kung paano siya niligtas ni Clara... Naikwento niya din kung bakit sobrang lalim ng galit ni Clara sa amin at ang mga ginawa niya para layuin kami ni kuya kay papa. Naiintindihan ko na ang lahat at I feel a little bit sorry for Clara but hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa amin, lalo na sa akin... muntik na akong mamatay isang beses ng dahil sa kanya at kaming dalawa lang ang nakakaalam ang tungko duon...

Bata pa ako nuon at balak na niya sana ako ipatay isang gabi na wala si papa kasi nasa ibang bansa para magtrabaho, si Mara naman natulog sa isa niyang kaibigan at si kuya naman nasa Barcelona na siya nuon. Kaya kaming dalawa lang ni Clara ang naiwan sa bahay. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi natuloy ang balak niya, ang dahilan ay tumawag si papa sa kanya at kinakamusta niya kami, tapos pinasa niya sa akin. Magsusumbong na sana ako pero sinama ako ng tingin ni Clara kaya hindi ko sinabi. Pagkatapos ng tawag ay kinausap niya ako at sabi na kung may makakaalam sa mga nanyari nung araw na yun ay papatayin niya kami ni kuya.

Hanggang ngayon tinatago ko pa ito... at parang na trauma ako sa nanyari nung araw na yun...

"Naomi... Naomi!" napabalik ako sa mundo nung tinawag ako ni kuya

"Uhm kuya... bakit?" ako

"Ayos ka lang?" kuya

"Ano lang medyo naguguluhan ako pero naiintindihan ko naman ang lahat. Mas klaro na sa akin ang lahat..." ako

"So tara na sa kanila at kausapin mo na si papa" kuya. Tumango na lang ako at pumuta na nga kami sa salon. Pagkarating namin duon nadatnan namin si ate Angelica at papa na naguusap. Mukha naman na naging maayos ang kanilang usapan. Lumapit na kami at sabi ko

"Pa, naikwanto na ni kuya ang lahat at naiintindihan ko na ang lahat nun... mapapatawad ko na po kayo..." ako

"Talaga ba anak? Ibig-" papa

"Pero... hinding ibig sabihin nito na mababalik na sa dati ang lahat... Napatawad ko nga po kayo pero hindi ko po makakalimutan ang lahat ng nanyari ng basta basta... sana maintindihan niyo po ako..." ako

"Naiintidihan ko naman... alam ko na hindi madali ang lahat ng ito para sa'yo..." papa

"Yun tungkol naman kay Clara... sorry po pero hindi ko pa din siya mapapatawad...  May ginawa po siya sa akin na hindi ko mapapatawad..." ako

"H-ha? Ano ginawa ni-" papa. Pinutol ko agad siya

"Sorry po pero gusto ko nang makapagisa sa kwarto. Hindi na din po ako kakain, matutulog na lang po ako"ako at hindi ko na hinintay ang kanilang sagot na pumunta na agad ako sa akin kwarto 

LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon