Chapter 15

25 1 0
                                    

Naomi's POV

Grabe... halos nilibot ko na ang buong Roma pero ni isang beses akong napadpad dito... at sa lahat ng mga pinuntahan ko, heto ang pinaka magandang lugar kung saan mo makikita ang buong Roma...

Habang minamasdan ko ang view naramdaman ko sa akin likod si Jack at alam ko na malapit ang mukha niya sa akin

"Ilabas mo na ang saloobin mo... sigaw!" sabi niya sa akin tenga at tinulak niya ako ng konti

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!"at ayun nga, sumigaw ako... Pangalawang beses na ito na may dumadating sa akin ng mga tao na tumutulong sa akin para irelease ang akin saloobin... nung una sina Jass at Miki, ngayon si Jack...

"Salamat talaga ha..." sabi ko pagkalingon kay Jack

"Anytime" sabi niya habang nakangiti "if you don't mind, pwede ko bang malaman kung ano nanyari?" napahinga naman ako ng malalim

"Let's just say na may dumating na tao para ayusin lahat ng mga problema namin..." maikli kong paliwanag

"Oh? Diba dapat masaya ka kung ganun?" siya

"Ayun nga eh... dapat masaya ako pero hindi ko magawa... isa sa mga tao na pinoproblema ko ay hindi ko basta basta mapapatawad ng dahil sa mga ginawa niya sa amin... sa akin..." ako

"Alam mo, hindi mo dapat ipunin ang galit sa isang tao. Malay mo, nadala lang yun tao nuon" siya

"Hay kung pwede sana huwag na muna natin pagusapan ang bagay na ito... sorry"

"Ok lang, naiintindihan kita. I just want you to remember na kung may kailangan kang sandalan, nandito lang ako para sa'yo" siya

"Salamat" sabi ko at niyakap ko siya

Jack's POV

Sa pagkayakap niya sa akin agad tumibok ng mabilis ang akin puso... Ikaw lang talaga ang nagpapatibok ng puso ko ng ganito Naomi...

Habang kayakap ko siya ay napaisip ako sa mga sinabi niya kanina... ang dami niyang problema pero sinasarili niya lamang. Mga ilan minuto ko na siya nakayakap hanggang sa bumitaw na siya

"Paano mo nalaman ang park na ito?" pagtatanong niya

"Dito kami dinadala ng lolo namin ng kuya ko nuon eh at malapit lang din naman ito sa bahay namin kaya ayun" ako

"Ah get's ko na. May kuya ka pala ha" siya

"Ha? Oo haahahah pero wala siya dito sa Roma. Nasa Barcelona na siya ngayon, nagtratrabaho siya dun" ako

"Ah yun kuya ko din actually duon siya nagtratrabaho..." sabi niya na may konting pagkalungkot ang kanyang mata

"T-talag-" tinigilan niya ako at iniba ang usapan

"Bakit kaya wala masyadong pumupunta dito" siya. Siguro may nanyari sa kanilang dalawa kaya ayaw niyang pagusapan...

"Ang mga tao kasi hinahanap lagi yun mga kilalang lugar but sometimes the popular ones are the worst and the unpopular ones are the best. Ang mga tao din kasi hindi marunong magexplore ng mga lugar. Madami kayang secretong lugar ang Roma. Kailangan mo lang maglibot. Kapag kasi hinahanap mo gagawa ka ng expectation. Kung hindi mo hahanapin, well everything is a surprise. Alam mo na, we can't expect much from this world hahahaha" ako. Ngumiti lang siya sa akin bilang sagot at sinandal niya ang kanyang ulo sa akin balikat

Hindi na kami nagsalita pagkatapos kong sabihin ito. Mga isang oras na kami nandito nakaupo habang minamasdan ang view at dinadamdam ang hangin na bumabalot sa amin. Ineenjoy lang namin ang view at yun pagsasama namin. Maya maya ay nagsalita na ako

LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon