B2 27

1.4K 87 5
                                    

Dear Mrs. Dale Barber,

I've decided not to wait anymore.

Yours,
Edward

PS Day 13 of missing you

Naguluhan naman si Dale sa nabasa nya.

Anong ibig sabihin ni Edward sa sulat nya?

Akala ko ba hihintayin nya ako?

Sumusuko na ba sya agad?

Hindi na napigilan ni Dale ang mapaluha.

Ano ganun ganun na lang yun?

Suko na sya agad?

Nang makita sya ni Trish na bagong dating ay agad itong lumapit sa kanya.

"Hey, why are you crying again?" tanong nito habang hinahagod ang likod nya.

"Kasi..."

"Kasi?"

"Si Edward..."

Paputol-putol ang pagsasalita nya habang umiiyak.

"Yung ex-husband mo?"

"Hindi ko sya ex-husband! Hindi pa kami hiwalay!" medyo mataas ang boses na sabi nya kay Trish habang nakasimangot.

Trish put her hands up in surrender.

"O-kay...your husband then...what about him?"

Inabot ni Dale ang sulat kay Trish.

Nag-alangan naman si Trish na basahin ang sulat.

"Are you sure it's fine if I read this?"

Tumango lang si Dale.

Binasa ni Trish ang sulat.

"Eh g@g* pala talaga 'tong asawa mo Dale!"

Hindi nya napigil ang sarili na sabihin sa kaibigan iyon.

Lalo pang umiyak si Dale sa sinabi ni Trish.

Agad naman syang inalo ni Trish.

"Tama na! Stop crying for him already!"

"How can I stop? Tell me Trish? Kasi kung ang mahalin nga sya hindi ko mapigilan, yung iyakan pa kaya sya?!?"

One More Night Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon