B2 54

1.1K 69 1
                                    

Past

Bago pa sumagot si Dale ay tumunog ang doorbell sa unit ni Edward.

Sunod-sunod.

"F*&k!" napamura na lang si Edward bago tumayo sa pagkakaluhod.

"Don't go anywhere, I'll be right back!"

Tumango lang si Dale.

Inis na tinungo ni Edward ang pinto.

Hindi na nag-abala si Edward na silipin kung sino ang nagdodoorbell basta binuksan na lang nya ang pinto.

Si Marco at Trish.

"Where's Dale?!? Dale!!! Dale!!!" sigaw ni Trish.

Nataranta naman si Dale ng marinig ang boses nito.

Lumapit sya sa pinto.

Agad na sinuri ni Trish si Dale.

"Are you ok? Buti na lang nakita sa cctv kung saan ka dinala! We were so worried!"

"Okay lang ako Trish! Hindi ako sasaktan ni Edward."

Tumingin si Trish kay Dale na para bang sinasabi na hindi sya naniniwala sa sinabi nito.

"Let's go!" yaya ni Trish at Marco sa kanya.

Nakaramdam naman ng lungkot si Edward.

Napabuntong-hininga na lang sya.

Pero hindi nagpatinag si Dale.

Tumabi sya kay Edward at hinawakan ang kamay nito.

Napatingin si Edward kay Dale.

Tumingin si Dale sa kanya.

Nagtatanong ang mga mata ni Edward.

"I'm staying here." mahinahon na sabi ni Dale kay Trish at Marco habang nakatitig sa kanya.

Ibig sabihin....

Bumaling si Dale sa dalawang kaibigan.

"Gagamutin ko muna yung mga sugat nya. Iwan nyo na ako rito."

Present

Dahan-dahan nyang inilapag si Dale sa kama.

Akmang aalis sya ng maramdaman nyang humigpit ang hawak ni Dale sa kamay nya.

"Don't go! Dito ka lang, tabihan mo ako!" malambing na sabi nito habang nakapikit pa rin.

Agad naman umupo sa tabi nya ang asawa.

One More Night Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon