B2 53

1.2K 67 0
                                    

Past

Hindi nagsasalita si Dale.

Palipat-lipat ang tingin nya sa singsing at kay Edward.

Kinakapa nya ang nararamdaman kung talagang handa na nga ba syang isuot muli ang wedding ring nya.

Handa na ba syang maging Mrs. Dale Barber muli?

Sa bawat segundo na lumilipas ay tumitindi ang kaba ni Edward at unti-unting nawawala ang ngiti sa mga labi nya.

Baka dapat lumuhod sya!

Tama!

Dapat lumuhod sya.

Lumuhod nga sya.

Nagulat pa si Dale sa ginawa nya.

"Please say yes?"

Present

"Good evening everyone! We are all gathered here today to celebrate...."

Hindi na natuloy ni Dale ang sasabihin nang makaramdam sya ng pagkahilo.

Napahigpit ang hawak nya sa kamay ng asawa.

Dali-daling ibinaba nito ang anak para maalalayan sya.

Sumenyas naman ito kay Trish para kunin ang mikropono.

"Ikaw na magtuloy Trish!"

Agad naman hinawakan ng mga magulang ni Dale ang kambal.

"Kami na bahala sa kambal! Take care of Dale!"

Binuhat na nya si Dale na maputla na.

Good thing he decided to book a suite for them.

Habang nasa elevator ay kinakabahan na sya.

Tuluyan na kasing hinimatay si Dale at kitang-kita nya ang pamumutla ng asawa.

"What happened love?" bulong nya rito.

Okay naman sya kanina.


One More Night Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon