Chapter 3 "First Day of work second day na nasungitan"

7.7K 206 6
                                    

*KINABUKASAN*

pag gising ko wala na si mama 4:30am palang wala na agad ang aga naman niyang umalis.pumunta ako ng cr para maligo at ginawa ang daily routine ko nung natapos na ako nagbihis na ako ng isang fitted na palda at puting shirt na sinapawan ng coat na itim. ilove black.. ^-^
-
lumabas na ako at pumunta sa kusina para kumain, pagkuha ko sa ref ng koko crunch nakita ko yung note ni mama
" anak wag kang magpapalipas ng gutom hinanda ko na ang baon mo sa trabaho mo. nasa lamesa na nak, ingat ka palagi iloveyou"

iloveyou too mama, sabi ko sa isip ko. umupo na ako sa lamesa at nakita ko ang box na may lamang adobong atay at may nakadikit na "Goodluck" sa takip. napangiti naman ako dun mahal na mahal ko talaga si mama . kumain na ako ng koko crunch na may gatas.  wala na akong oras para magluto kaya ito nalang.  baka masungitan pa ako ng koreanong hilaw na yun.

*JEEP*

umupo ako sa unahan yung tabi ng driver baka kase di nanaman ako marinig eh.  malate pa ako. bumabyahe na.
ano kayang gagawin ko? susungitan nanaman ba niya ako? kinakabahan ako. firstime ko to juice colored.  sana naman hindi ako pumalpak. 

"Lee Company"sabi ni manong. tumingin ako sa labas hala andito na pala ako ang bilis lang ng byahe pag umaga. medyo antok pa ako pero carry lang 5:30 na din naman pumasok na ako sa building. grabe ang gaganda at gagwapo ng tao dito may magiging kaibigan kaya ako dito? sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 8 pero bago pa magsara pumasok na si Sir Lee. nanginginig nanaman ako.

"Goodmorning Sir"pag greet ko sakanya pero deadma lang ako.  tss sungit.  nung bumukas na yung pinto ng elevator pinauna ko na siyang lumabas at sumunod naman ako..

pagpasok niya sa office niya, susunod na ako kaso bigla niya akong pinigilan

"stay. wag kang papasok hanggat di kita tinatawag okay, inuulit ko ayoko ng tatanga tanga dito" sabi niyang nakatalikod saakin.

"S-sorry po sir" sabi ko

grabe naman. bakit ganun siya daig niya pa ang may reglang babae.  nakakainis, nanatili lang ako sa labas ng office niya.  ang sakit ng paa ko kase nakaheels ako. sa susunod mag faflat na ako.  kainis ganito lang ba ang trabaho ko? nakatayo? tss. walang challenge
"JASMIN"sigaw ni sir renan mula sa loob ng office niya

bigla akong pumasok

"ano po sir?"sabi ko habang nakangiti
"wag kang ngumiti. ang pangit mo"sabi niya kaya napasimangot ako nun grabe talaga siya.
"sorry po" sabi ko.
"hilutin mo ang likod ko" sabi niya
"sorry sir, ano po yun?" tanong ko ulit baka kase mali ang narinig ko eh
"tanga na nga bingi pa.  SABI KO HILUTIN MO LIKOD KO!"sigaw niya saakin
"sorry po sir" sabi ko at lumapit na sakanya at hinilot siya.  dito na lang ako makakaganti. piniga ko ng sobrang diin yung balikat niya kaya napa AW siya lihim naman akong napangiti, buti nga sayo. hahaha. ang tagal ko din naghihilot sakanya pero siya panay laro lang ng cellphone.  bat ba naging boss to.

"Jasmin timplahan mo ko ng kape" sabi niya
" ah sir sige po saan po ako kukuha ng kape"tanong ko hindi ko kase alam firstime kaya to..
" meron dyan sa cr." sabi niya takenote sa cellphone lang siya nakatingin. bwiset talaga siya! kakainis. lumabas nalang ako at nagtanong sa lalaking nakaupo dun sa sofa.
"ah sir pwede po magtanong?"tanong ko sa lalaki
"oo naman, ano yun?" tanong niya din, mabait naman siguro to.
"ah saan po ba yung kuhaan ng kape dito?nagpapatimpla kase si sir renan eh" sabi ko
"ah ganun ba sige sundan moko" sabi niya
" alam mo napaka malas mo ikaw pala yung pumalit kay elna nag resign kase yun kase nga masama ang ugali ni renan buti nga di ako naging katulad niya" sabi nung guy. parang naguluhan ako sa sinabi niya siguro nahalata niya din naman.
" kapatid ko siya"dagdag niya pa din kaya agad akong napahinto saglit pero nakasunod naman ako agad sakanya.
"sorry sir kung naistorbo ko kayo ha"sabi ko sakanya, juice colored nakakahiya talaga.
"okay lang ayan na pumasok ka dyan nandyan na lahat ng kakailanganin mo sa gusto ng sir mo" sabi niya sabay ngiti at alis
papunta na ako sa office ni sir renan, muntik pa akong mapaso sa kape na to sobrang init at medyo mapupuno na kase. diko kase natansya kaya ganito nangyare. habang naglalakad ako nakita ko yung kapatid ni sir renan ewan ko ba kung nagaasumme lang ako pero nakatingin kase siya sa direction ko
tingin sa gilid <_ < tingin sa kabila> _>. wala naman so ako nga enebeyen kenekeleg ako (A. U: wag kang assuming) eto naman si ms. J masyadong highblood nahahawa kana sa boss ko hahaha.. nandito na ako sa tapat ng office ni sir renan kaya naman kumatok muna ako mahirap na baka masabihan pa ako ng kakaiba.

*tok*tok*tok

"come in" simpleng sabi niya kaya pumasok ako. dahan dahan lang ako lumapit sakanya baka kase matapon pa. makabayad pa ako ng wala sa oras..
" ito na po sir" sabi ko at nilapag ko na sa lamesa niya.
"BAKIT NAPAKATAGAL MO?!" sigaw niya bigla kaya muntik ko na masagi yung kape niya nagulat kase ako
" S-sir pasensya na po k-kase nagtanong pa ako kung saan makakakuha ng k-kape" pagpapaliwanag ko. di na siya sumagot nun kinuha na niya ang kape at parang nag aktong iinumin na niya alam niyo yun basta ganun kaso nagsalita siya
"Baka may lason to ha" sabi niya seryoso siya nun nakatingin pa sa mga mata ko. feeling ko maiihi ako kase ang sama niya tumingin akala mo. may galit sa mundo
"w-wala sir.  grabe naman kayo" sabi ko at nagfakesmile
"sabi ko sayo wag kang ngingiti kase ang pangit mo" sabi niya kaya sumimangot ulit ako.

barako na kape yung tinimpla ko kase diko naman alam kung ano gusto niya. tyaka bagay naman sakanya yun kase napakasungit niya. nung ininom na niya parang nagslow motion yung mundo ko kitang kita ko yung kape na papunta sa damit ko. binuga ba naman niya

"ANONG KAPE BA ANG TINIMPLA MO?! BAKIT GANYAN ANG LASA?! NAPAKAPAIT! F*CK!" sigaw niya kasabay nun yung pag bato niya ng baso sa dingding sa harapan niya kaya nabasag muntik na akong matamaan buti nalang nakaiwas ako.  ako na nga ang nadumihan siya pa ang nagagalit.  grabeng sama talaga ng ugali niya!
"s-sorry sir di ko kase alam-------" di na niya ako pinatapos
" Di mo alam. na tanga ka? so ngayon alam mo na ha?!" sabi niya saakin. medyo malakas pa din ang boses niya pero di naman na pasigaw.
"LINISIN MO YAN*sabay turo sa basag na baso*" sigaw niya saakin kaya agad akong kumilos naiiyak na ako. natatakot. parang gusto ko na umalis dito pero hindi pa pwede. kailangan ko pa tong trabaho ko. habang nililinis ko ang mga basag na parte ng baso diko namalayan na nasugatan ako. nakita ni sir renan yun kaya binato niya sa mukha ko yung first aid kita.  buti hindi masakit
"gamutin mo yan. tanga mo talaga" sabi niya saakin.  ANG SAMA NG UGALI MO RENAN. sarap isigaw pero di ko magawa.  umupo na ako sa sofa at binuksan ko na ang first aid kit kasabay naman nun yung pagpasok ng kapatid ni sir renan
"Hey Bro. anong nangyare dito?" tanong niya
"None of your Business" sabi niya ngumiti lang si sir mabait at napatingin saakin
"anong nangyare sayo? bakit basa yang suot mo at, bakit may sugat ka?" sabi niya halatang alalang alala siya at hinawakan niya pa ang kamay ko.  nakita ko si sir renan na nakatingin ng masama saamin. kung nakakamatay ang tingin siguro patay na kame ngayon ni sir mabait anong nangyare sakanya? bat ganyan siya?
"Get out Lance" sabi niya halata sa boses niya na nanggigigil siya
"Bakit? ganyan kana ba gumalang sa kuya mo?tingnan mo nga nangyare sa trabahador mo. nasugatan na dahil sa kagaguhan mo"sabi niya nagtitigan sila ng masama.  ano bang nangyayare sakanila. lumapit si sir renan at inagaw ang kamay ko na hawak ni sir lance, ang sakit na nga ng kamay ko bigla pang hinila ni sir renan.ano bang problema nito
"kaya ko siyang gamutin kaya umalis kana" sabi ni. sir renan bigla akong natulala sa mukha niya nung sinabi niya yun bakit? bakit sinabi niya yun? anong ibig nyang sabihin? babait naba siya saakin.? kung ganun nga sobrang saya ko nun..
"okay bro, chill ka lang *sabay tingin saakin*pag sinungitan ka ulit nyan magsumbong ka saakin at kukunin kita sakanya ok. baka ako na maging bagong boss mo" pag sabi niya nun umalis na siya
pagkalabas ni sir lance sa office ni halimaw (A,N:Sinong halimaw?) ssshhhh. yan na muna tawag ko kay sir renan di niya naman malalaman eh hehehe.
biglang binitawan ni halimaw ang kamay ko.
"Gamutin mo na yan at linisin mo na to" sabi niya habang nakatingin saakin ng masama. akala ko ba gagamutin niya? sinungaling dapat kay sir lance nalang ako eh.  kainis

ginamot ko na ang sugat ko at nilinis ko na din ang mga bubog. at sa wakas natapos na din ako.

"tapos kana ba? tagal mo" sabi niya tss kung siya kaya gumawa dito tutal siya naman yung nagkalat nun
"ah opo sir sorry po" sabi ko, naku kung di ko lang to boss nasapak ko na to
"magrocery ka at ihatid mo dito*hinagis niya ang maliit na papel*" sa tingin ko address to.  pero eto ba talaga trabaho ko?
"sir di naman po kase ako katulong mo" sabi ko ng deretsyo sakanya
"nagrereklamo ka?" tanong niya
"ahh hehehe hindi po. yung pera po nasaan? tyaka yung listahan po" sabi ko sa kanya
"ikaw na bahala and ito 20,000 ikaw na bahala pagkasyahin yan wag kang kumupit! akin na ang resibo at dapat sakto ha" sabi niya.  ano ba tong ginagawa niya saakin? papatayin niya ba ako? grabe naman siya saakin. pano yung pamasahe ko?
"sir paano yung pamasahe ko?" tanong ko
"maglakad ka" pagkasabi niya nun lumabas na siya ng office niya at iniwan niya akong magisa dito sa loob. wh*t th* h*ck. bakit napunta ako sa impyernong ito

---------

Please comment,like,share and votes Lovelots
Maguupdate ako ng mag uupdate ngayon kasi meron pa akong load and time hehehe ..

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon