Chapter 5 " Believe me its not my fault "

6.3K 166 3
                                    

" Bakit kayo magkasama?" tanong agad saamin ni sir renan
" ah sir kase nakita niya ako sa grocery at tinulungan niya akong magbuhat madami po kase pero dont worry po kase saktong sakto po yan. walang labis , walang kulang" sabi ko ng nakangiti , sinamaan lang ako ng tingin. ano bang problema nito .
" Bakit parang galit ka bro" mapang asar na tanong ni sir lance .
"tss" sabi ni sir renan
Ginala ko yung mata sa ko sa buong bahay ni sir renan . ang ganda naman dito . paborito niya ba talaga ang yellow green? kase halos lahat yellow green eh. pati casing ng cp niya yellow green. nagulat ako kase biglang bumukas yung screen sa dingding malapit sa sofa ni sir isang magandang babae ang nakita ko
"babe please pindutin mo yung 8. di pala pwede ang fingerprint ko dito"sabi nung mala anghel na mukha nung babae .
babe? so sila . bagay naman sila kaso di ko naman lubos maisip na natitiis nung babae ang ugali ni sir renan. biglang nawala ang screen . at biglang bumukas ang elevator at lumabas ang magandang babae . tumakbo siya papunta kay sir renan at nasagi niya ako kaya muntik na akong matumba buti nalang nahawakan ako ni sir lance
"sorry"sabi nung babae at tinarayan ako . hala maldita ata to
"okay lang"sabi ko na lang
"jasmin ilagay mo yan sa kusina ang mga pinamili mo"sabi ni sir renan
nag nod nalang ako .bubuhatin ko na sana kaso tinulungan ako ni sir lance
"tulungan na kita baka mabali pa ang buto mo"sabi niya sabay tawa .ang cute ng tawa niya at pumogi siya lalo .

nilagay ko na lahat sa may lamesa niya dito sa kitchen.

"anong papel mo sa buhay ni renan my loves?" nagulat ako sa pagsalita nung babae
" ah maam ano yun?"tanong ko ulit
"ang pangit mo na nga ang bingi mo pa" sabi niya sabay inom ng tubig ,hinanap ng mata ko si sir lance pero wala na siya
parehas naman pala sila ng ugali ni sir renan bagay lang sila.
nagulat ako sa sunod na ginawa niya ,bigla niyang binuhos sa mukha niya ang tubig at nilagay niya yung baso sa kamay ko . ano nanaman kayang balak nito ? pwede naman sa cr niya gawin yan baka ipalinis nanaman ito saakin ni sir renan.
"AHHHHHHHH BABE !!!!!!!!!!!!!!"sigaw niya kaya napatakip ako ng tenga.
nagulat nalang ako kase nasa harapan ko na din si sir renan at nasa tabi ko si sir lance .

sir renan , babaeng demonyita
sir lance , ako

" what happened to you?" tanong ni sir renan . tapos biglang umiyak yung babae .
" binuhusan niya ako*sniff*tinanong niya kase ako *sniff* kung ano kita*sniff* tapos sinabi ko nagalit siya saakin"umiiyak na pahayag nung babae na ikinagulat ko
" Hindi totoo yan sir "sabi ko hindi naman talaga eh siya naman ang gumawa nun sa sarili niya
" How dare you! sinungaling ka!" sabi nung babae saakin may payakap yakap pa kay sir renan
"Hindi naman talaga eh . ikaw ang gumawa sa sarili mo nyan"sabi ko sabay turo sa mukha niya
"KATULONG KALANG DITO KAYA WALA KANG KARAPATAN NA DURUIN ANG GIRLFRIEND KO AT BUHUSAN SIYA NG TUBIG!"sigaw saakin ni sir renan
"s-sandali sir w-wala a-akong k-kasalanan at hindi pagiging katulong ang inapplyan ko sayo"sabi ko naiiyak na ako
"pero dun ka nababagay"simpleng sabi niya pero sobrang sakit ng nararamdaman ko . kaya tuluyan na akong naiyak at tumakbo na ako palabas automatic na bumukas ang elevator nakita kong hahabol pa sana si sir lance pero di na siya umabot .

Lance POV

hahabulin ko pa sana si jasmin kaso sumara na ang elevator . pinuntahan ko si renan sa kitchen .

"BAKIT MO GINAWA YUN KAY JASMIN?!"sigaw ko sakanya
" eh ano bang pakialam mo?"tanong niya saakin
"nagtatrabaho siya sa kompanya natin kaya may pakialam ako"sabi ko sakanya
"tss" pagsabi niya nun umalis na siya at naiwan si Jaerin na umiiyak
lumapit ako sakanya
"wag kang umarte kase alam kong hindi yun magagawa ni jasmin"pagkasabi ko nun iniwan ko na siya

kahit tatanga tanga naman yun si jasmin hindi naman yun ganung tao

-------
Please Comment,Like,share and Vote MahBabies☺️

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon