Chapter 35 " Wedding "

5.4K 93 2
                                    

Chapter 35

Jasmin POV

Pupunta ako ngayong mall , Hinahanap hanap ng panlasa ko ang pagkaing O'noodle eh . hehe its like Hongkong noodle but mas gusto ni baby ang O'noodle eh . Hindi ko naiwasan na mapangiti at himasin ang tyan ko . habang nagdadrive ako ay di ko maiwasan tumingin sa side mirror dahil parang may sumusunod saakin . . .

Pero pinasawalang bahala ko nalang dahil baka napapraning lang ako  .

Nagpark agad ako at bumaba sa kotse dahil nakita ko na nagpark din ang nakita kong sumusunod saakin .

Nagmadali akong maglakad biglang may nagtakip ng panyo sa bunganga at ilong ko .
Nahihilo ako . No ! No ! No ! Hindi pwede . parang inaantok ako sa naamoy ko na nasa panyo pero nilalabanan ko . Nagpupumiglas ako hanggang sa di ko na kayang pigilan at nandilim na ang paningin ko . ..

Renan POV .

Sinakay ko na siya sa kotse ko . Im so sorry mhie kailangan kong gawin ito ..

Pumunta kami sa isang bahay ko na nandito sa manila . .

Binuhat ko siya papunta sa kwarto ko at binihisan siya ng napakagandang gown at nababagay sa kanya . Hehe ako na nagbihis kasi ayoko ng may ibang nakakakita ng katawan niya gusto ko ako lang . ng matapos ko siyang bihisan ay pinapasok ko na ang hair stylist at make up artist .

" Kayo na ang bahala at gawin niyo siyang pinakamaganda sa lahat " sabi ko at umalis na . 

ako naman kailangan ko ng mag ayos ... Pumunta ako sa kabilang kwarto at doon nagbihis , di ko na kailangan ng make up artist dahil masyado na akong gwapo hahaha .

Pinuntahan ko sila anniee sa simbahan

" Ok na ba ang lahat lahat ? " tanong ko . ngumiti naman to .
" Oo renan , si jasmin nalang ang kulang " sabi nito at ngumiti .

Hindi ko napigilan na hindi siya yakapin .

" Maasahan ka talaga sa lahat ng bagay , ikaw ang the best pinsan ko " sabi ko sakanya habang yakap siya . niyakap niya din ako .

" May bayad to coz " sabi niya tumawa lang ako .

" Maya - maya darating na yun may hinanda na akong upuan sa tapat ng pinto para doon siya ilagay and dont worry di siya matutumba dahil pinasadya ko ang upuan na yun " mahabang paliwanag niya

Nag nod lang ako at  pumwesto na malapit sa altar .

Maya maya bumukas na ang pinto at nakita ko na ang babaeng mahal ko na wala pang malay . Ang Ganda ganda niya talaga at mas lalo siyang gumanda dahil sa ayos ng buhok niya at may bulaklak pa na puti na design . maya maya pa ay gumalaw na siya . at mas lalo akong kinabahan dahil idinilat na niya ang mga mata niya .

Jasmin POV

Unti - Unti kong dinilat ang mga mata ko at laking gulat ko dahil nasa tapat ako ng simbahan . Nilibot ko ang mata ko at nakita ko sila mommy na nakangiti pati na din si mama . . Bakit ako andito anong meron pag tingin ko sa suot ko ay nakagown ako . . Tiningnan ko kung sino ang nasa altar at nakita ko ang lalaking isang buwan kong hindi na nakikita . bumalik nanaman ang ala ala ko at nakita ko pa ang babae niya dito sa simbahan kaya tatayo na sana ako para umalis pero bigla may nagsalita at nakaspeaker pa ito .

" Jasmin Choi Will you marry me ? Puntahan mo ko kung Oo ang sagot mo , Iwan mo ko kung No ang sagot mo . " Sabi ni Renan Kaya nanigas ang mga katawan ko .

Ang kapal niyang sabihin ang mga yun pagkatapos niyang hindi magparamdam saakin ng isang buwan ! Di ko na naiwasan na hindi umiyak at tumakbo ako papunta sakanya wala na akong pake kung magtaka sila sa kinilos ko  ng makalapit ako sakanya ay  hahahampasin ko na sana siya ng bulaklak na hawak ko pero niyakap niya ako bigla at namamasa na ang balikat ko kaya nilayo ko siya , Umiiyak siya ?
" Thankyou " sabi niya kaya nagtaka ako . naalala ko ang mga sinabi niya shockssss . aalis na dapat ako pero hinatak niya ako . at napaharap ako sa  altar at nakita ko na doon ang pastor namin , nahiya naman ako dahil matagal na akong hindi nakapagsimba .

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon