Chapter 13 " Change "

6.1K 117 0
                                    

unti onti akong dumilat, nasan ako, anong nangyare saakin pag tingin ko sa gilid ko hawak ni sir renan ng kamay ko at nakapatong ang ulo niya sa gilid ng kama ko...
umangat ang ulo niya at tumingin saakin
"gising kana pala" sabi niya hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
"ah sir sorry po ha pero ano po bang nangyare?" tanong ko pero di niya ako sinagot at ngumiti lang siya at lumabas, anong nangyare dun? maya maya bumalik siya at may dalang  breakfast tray at soup.
"kumain ka, ubusin mo to, baka kulang kalang sa pagkain" sabi niya at nilapag na ang breakfast tray
"sir salamat po" sabi niya
"bhem nalang" sabi niya
"huh?" tanong ko ulit malay mo mali lang ako ng rinig nilapit niya ang mukha niya as in sobrang lapit at tiningnan niya ako eye to eye..

*DUG*DUG*DUG

napahawak. ako sa dibdib ko, ito nanaman ang pakiramdam ko.
"sabi ko bhem. nalang ang itatawag mo saakin" sabi niya at umalis na siya, iniwan niya akong nakatulala, bhem nalang? bakit? anong ibig niyang sabihin? wala na ba akong trabaho kaya yun nalang ang tawag ko sakanya.......

nandito kame ngayon sa cottage at siya nakatingin lang sa. dagat hapon na kase ang ganda na tingnan di man lang ako nakaligo, uuwi na din siguro kame mayamaya, pero pansin ko lang bakit wala ng mga tao, kame nalang kase ang andito ang tahimik na
"sir" tawag ko sakanya pero di niya ako pinapansin
"sir renan" tawag ko ulit pero nakatingin pa din siya sa dagat
"sir*i poke him*" pero balewala lang sakanya, bumabalik nanaman ba ito sa pagiging masungit, or ayaw niya na talaga matawag ko siya na sir kase wala na akong trabaho
"bhem" tawag ko. sakanya pero nakayuko ako.
"bakit" nagulat ako sa boses niya ngayon ko lang narinig i mean ngayon niya lang ako sinagot sa ganung tono... di ako makapagsalita di ko namalayan na nakatitig na ako sakanya
"bakit ka nakatitig?"tanong niya kaya tumingin ako sa ibang direksyon.
"bakit po ayaw niyo ng tawagin ko kayong sir?" tanong ko sakanya pero di ako nakatingin sakanya....
"kase ayaw ko lang" sabi niya pero naramdaman ko na nakatitig siya saakin kaya tumayo ako
"saan ka pupunta jasmin?" tanong niya saakin kaya tumingin ako sakanya
"maghahanda na po ng gamit kase uuwi din naman po tayo mamaya" sabi ko pero tumayo siya at hinawakan ang kamay ko
"bukas na tayo uuwi di pa tayo nakakaswimming nirentahan ko naman na ang buong resort kaya tayo lang dito matuturuan na kitang magswimming" sabi niya at ngumiti siya, ang gwapo niya, pero bakit ganito siya kung umasta? anong nangyare sa earth??????

hinila niya ako papunta sa dagat,ako naman nagpahila lang nakatitig kase ako sa kamay namin, diko na nga naiintindihan yung sinasabi niya ehh
"nakikinig kaba jasmin?" tanong niya nandito na pala. kame sa hanggang tuhod na tubig magdidilim na din.
"ah, sorry po ano po yun?" tanong ko ulit ngumiti lang siya at hinawakan ang isa ko pang kamay,
"sabi ko dadalhin kita sa malalim at hahawakan ko lang ang baba mo" sabi niya kaya tumango nalang ako kahit natatakot ako,
onti onti niya akong dinala sa malalim hanggang sa hindi ko na maabot ang ilalim hinawakan niya ang baba ko at binitawan niya ang dalawang kamay ko kaya lumaki ang mata ko
"sir, sir natatakot ako" sabi ko pero nakatingin lang siya sa mga mata ko at onti onti niya akong nilayo sakanya
"sir sir wag mo gawin saakin to plsss" sabi ko. sakanya pero nakatingin lang siya saakin... naiiyak na ako....
"bhem pls wag ganito natatakot ako" pagkasabi ko nun niyakap na niya ako at bumulong
"pag tinawag mo akong sir, lulunudin kita" pagkasabi niya nun nanlaki ang mata ko grabe kahit kailan brutal to.

nakayakap lang ako sakanya, madilim na nga eh,
"jasmin" tawag niya saakin
"bakit po" tanong ko sakanya
"di mo ba ako naaalala?" tanong niya na may halong takot,nahahalata ko sa boses niya,
"ha?" tanong ko sakanya hindi ko kase maintindihan ang gusto niyang sabihin saakin
"wala" sabi niya at lumangoy na siya papunta sa mababaw na parte ng dagat na ito.  ako naman nakasampa lang sa likod niya, tinitigan ko lang ang likod niya, ano ba ang ibigsabihin niya saakin? bakit ganun ang tono niya, bumaba na ako sa likod niya kase abot ko na eh kaya naglakad nalang ako, nauuna pa din siya saakin, gusto ko siyang tawagin kaso natatakot ako baka sigawan nanaman niya ako... ano ba ang totoo renan? ano ba talaga?

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon