BG VII

94 7 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Nanumbalik ang blangko niyang mukha. Para siyang biglang may naalala na kasalanan kaya ito tumino agad. Bakit kailangan niyang pahirapan ang sarili?

"Okay. Benevelle Quentin, nice to meet you. Welcome to our Academy." Napalunok akong muli, pwede pa bang magback-out?

Nakakabinging katahimikan ang pumuno sa kwarto kaya naman nag-thank you na lang ako. Nang tumingin ako kay Silver ay may kinang sa abo niyang mga mata, parang aliw na aliw sa mga pangyayari. Inis ko siyang tinapunan ng tingin. Nanatili pa ring blangko ang mukha nito. Mukha siyang natatae.

Tumikhim ang headmaster saka inayos ang salamin.

"I suppose you are not against my decisions," Saglit na tumingin sa akin ang headmaster saka kay Silver. "Honestly, you are too late to start schooling this year. We have a month and a half left so, you are excused, Benevelle."

"Silver," bumaling ang headmaster sa kaniya bago muling nagsalita. "I'll let your group take care of her until she starts next school year. Anyway, I want you to do the usual. As of now, please continue your classes and since you finished your missions, your rewards will be directed to your ID Cards any moment."

"Thank you, headmaster."

"And please, tell my daughter to visit me after class."

"Yes, sir."

Nagpaalam kami sa headmaster at gumayak palabas ng office. Sa wakas, nakahinga na ako ulit nang maluwag.

"Hindi ka naman nautot?"

"Pfft-" Saglit niya lang akong tinignan saka tumalikod kaya hinila ko ang laylayan ng damit niya. Napalingon ito sa akin.

"Ilabas mo na iyan, mukhang hirap na hirap ka na." Seryoso kong sabi sa kaniya out of concern.

"Pfft. AHAHAHA," Oh my god. Ang lakas ng tawa niya, hawak-hawak niya ang tiyan sa isang kamay habang nakahawak ang isa pa sa dingding para suportahan ang sarili.

Halla! Tumatawa pala si Mr. Stone?
Shocks, ang gwapo ng tawa niya girl. Crush ko na siya.
Who's that girl beside her, si Snow ba iyon. Kyaaa... A new ship is sailing!

Dumami pa ang bulungan sa paligid at naiirita ako kasi hindi pa din siya tapos tumawa. Aalis na sana ako nang higitin niya ang kamay ko.

"Anong sabi mo kanina? 'I'm fine. Thank you.' Ano ka, bata?" Taas-baba pa din ang balikat niya at nagpupunas ng luha sa pag-iyak.

"Oh, tapos, anong nakakatawa doon?"

"Stop, please." Mag-uumpisa nanaman siyang tumawa kaya hinigit ko ang kamay ko saka naglakad palayo. Iniwan ko na siya doon.

Hindi pa ako nakakalayo nang nagmamadali akong bumalik sa kaniya. Nakyu-curious kasi ako. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya tungkol sa akademiya. Nadatnan ko siyang humihinga nang malalim para ipirmi ang sarili. Nagtatanong ang mga tingin nito nang makita ako sa harap niya.

"Silver," seryoso ko siyang tinignan para malaman niyang seryoso iyong itatanong ko. "Anong course mo?"

"Pfft. AHAHAHA..." Hawak-hawak niya ang tiyan hanggang sa mapaluhod na ito katatawa. "Oh, shit. Ahahaha..." Nakakahiya siya, pinapalu-palo niya pa ang sahig.

Ano babe, inlababo na ba?
Manahimik ka nga, Asul. Nagfo-focus ako eh.

Nag-iinit ang pisngi ko at napatakip sa mukha. Iyong mind-reading ata ang fino-focus ni Fiona.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now