MORTAL WORLD
Tumatakbo ang isang babae sa kagubatan habang siya ay hinahabol ng hindi maipaliwanag na nilalang.
"AGH!"
napaigtad siya ng matalisod sa isang sanga.
"HAHAHAHAHAHAHA WALA KA NG MATATAKBOHAN!"
nagimbal siya ng makita ang nilalang na iyon.
"patayin mo na ako!"
matapang na sigaw niya rito
ngumisi ang nilalang na nasa kanyang harapan at muling nagtransform bilang tao.
"hindi pa.. Hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung nasaan ang prinsessa"
AL's POV
We are lookin at Stone parang lahat sila clueless din sa sinabi niya.
"kidding.. Hindi ako manghuhula"
sabi niya at tsaka umalis.
Come to think of it pagkatapos ng laban nila ni Frost nakikipag-usap na siya sa amin.
"bilisan niyo!"
napalingon naman ako sa mga guards na nagtatakbohan papasok ng palasyo.
"i think there's something wrong"
nakakunot-noo na sabi ni Storm tsaka sumunod sa guard.
"stay here" sabi ni Forest na tinignan pa ako.
"sumama ka muna kila Snow" - Sea
naiwan ako dun habang tinitignan ang papalayong sila.
"Ate AL!"
sila Snow,Sky at Windy. Hinila nila ako papunta sa isang kwarto.
Namangha ako sa napakalaking samin na nasa pinakagitna ng kwarto.
SEA's POV
"mommy"
lumingon si mommy seryoso silang lahat pati sila tito meron nga hindi magandang nangyayari dito.
"what's wrong tita?" tanong ni Thunder kay Tita Mailey
Nagkatinginan silang lahat minsan lang nila kami pakitaan ng ganitong emosyon kaya nakakapanibago din.
"sa ngayon ay wala pa naman hindi pa natin kailangan gumawa ng hakbang"
sabi ni Tita Ceriz na katabi si Tito L.A
Lahat kami ay napatingin sa kakapasok lamang ng kwarto
"MOMMMYYYYY!!!"
si Sky na tumakbo sa harapan ni Tita Ceriz she looks like frustrated.
"si Ate AL.."
napansin ko ang pagkakunot-noo ni Frost.
"Si Ate.. Nilamon ng salamin sa pinagbabawal na silid!!"
AL's POv
"AGH.."
i touch my head.. Ang sakit..
Nagimbal ako ng makita kung nasaan ba ako.
"Snow..?"
Gubat. Nasa gubat ako at hindi gabi sa lugar na eto.
"Sky?"
Nakarinig ako ng mga kaluskos sa mga mapuno na lugar.
Oh my god nasaan ako? Ang huli kung natatandaan ay nasa kwarto kami lumapit ako sa salamin and next thing i know may mga kamay na humila sa akin papasok ng salamin.
Nagpalinga-linga ako dahil may mga kaluskos akong naririnig.
"S-sinong nandiyan?"
Nanlak ang mga mata ko sa aking natika oh my god!!
FROST'S POV
"ate!!"
"Ate AL!!"
sila Windy at Snow ang naabotan namin na hinahampas ang salamin.
"stop it!"
tumigil sila at lumapit si Mommy.
"anong nangyari? Paano siya napasok sa salamin na iyan?" - Tita Ceriz
"may m-mga kamay po na humila sa kanya" - Windy
Nagulat sila Mommy.At muling lumabas ng kwarto tinitigan ko ang salamin since birth hindi ako nakalapit sa salamin na iyan dahil mahigpit na ipinagbabawal sa palasyo ang kwarto na eto.
Sumunod ako kila Mommy. Nadatnan ko silang nagtatalo
"paano natin siya mailalabas sa kulungan na iyon?" - Tita Ceriz
"Delekado siya doon Mailey" - Tita Airey
"Alam ko" inis na sabi ni Mommy
"madaming iba't- ibang nilalang ang nasa loob na iyon at lalong lalo na si-" natigil si Tita Karen at napatingin sa gawi ko.
Sino kaya yon? Madami silang hindi sinasabi.
"anong ginagawa mo dito Frost?" - Tito June
Tinignan ko sila ano nga bang ginagawa ko dito?
"gusto kung pumasok sa salamin.. Ililigtas ko siya"
****************************
Frost on the Side ------o--o>