Chapter 5.1 - Lovenat

80 2 0
                                        

Fated To Love You

by: ylrebmik

Chapter 5.1

"UUUUWAAAAAAAAAA! KAE! pwede na akong mamamatay ngayon!" pagsasakal ko kay  Kae pero syempre mahina lang. Hindi ko kayang pumatay ng tao no lalo na kapatid ko.

"ANO BA! BITAWAN MO AKO! ayoko ko pang mamamatay! BITAWAN MO SABI AKO EH!" pagkakalas niya sa kamay ko doon sa leeg niya. Dito kami ngayon sa kwarto namin nagbibihis at kinukilit ko si Kae na pakinggan ako sa nangyari kanina.

(PS kung lalaki man ang nagbabasa please close your eyes kasi nagpapalit kami ng damit. Kung babae naman go! basahin niyo!)

"Ba't ba! Kanina ka pa ganyan ah! Sasabunutan kita eh! Landi mo." naiirita niyang sabi.

"...kasi si ano eh....eh..." nilagay ko ung kamay ko sa mukha ko para matakpan, "si Alien nagconfess sa akin kanina, kinikilig ako!" opo, kinikilig po ako. Sinuba naman hindi kikiligin doon aber? halos hindi ko na maintidihan ang nangyari kanina parang ung author na hindi naintindihan ung pangyayari kanina hahaha. Siya nga ung author pero hindi na intindihan hahaha. Opo tama po kayo ulit. Hindi niya po naintindihan. Basta type lang siya ng type kung anu man ang maisip niya. Yan ang author namin. Walang kwenta.

"Bakit parang ngayon ka lang nakatikim ng ganyan? Parang hindi nakaranas dati. OA mo!"

"Alam mo kasi iba ito, iba 'to sa lahat. Oh isipin mo, Saan ka nakabasa or nakakita na nagconfess sa'yo first day of school? aber?" pagmamayabang ko sa kanya. Sa totoo lang dito lang sa story ko nangyari yun. Ung iba sa next month pa magtatapat tapos minsan year pa. Kaya correct ako di ba? Kakakilig Graveh!

"Oo na, oo na...sus kung hindi mo lang story ito sinabunutan nakita jan. Tell me later kung paano niya ginawa... Kinilig din ako eh hahaha!"

"Oh! tingnan mo kinilig ka rin. Okay Okay, tell ko sa'yo mamamaya. Papakainin ko muna si Pluto." ganito kami ni Kae pagdating sa chismisan hahaha. Chismisan talaga?Hahaha kakatuwa isipin tuloy.

Asan na kaya si Pluto? asan ba nagsusuot yun? Matawag nga.

"Pluto! Where art thou? UIE! Asan kana ito na food mo! ...Pluto!" sigaw kong tawag sa kanya. Kanina ko pa siya hinahanap ... Hindi ko pa rin makita.

"Mommy! Nakita niyo po ba si Pluto?" char! hahaha mommy talaga tawag? Well kahit ganito lang buhay namin Mommy ang tawag ko sa Mom ko! Best Mom in the world kaya itong Mom ko. Lumapit ako sa kanya para marinig ung sagot niya habang hinahanap ko si Pluto.

"Ung asong puti?" sagot ni Mommy habang nagluluto ng ulam.

"Opo, nakita niyo po ba? Hindi ko makita eh!" tanong ko ulit sa kanya.

"Ai, oo nakita ko kanina naglalaro sa likod! takbo kasi ng takbo dito sa loob kaya pinalabas ko siya." kampanteng sagot ni Mommy.

"Mommy naman eh! Bakit nandoon sa likod? eh kung mahulog yan doon? patay ako nito!" pinuntahan ko kaagad kung nasaan si Pluto. Sa likod kasi ng bahay namin ay dagat na kaya takot ako baka mahulog siya doon baka malunod siya, mahirap na!

"Pluto! bakit ka nanjan sa gilid ng halaman? come here! come here!" nagwhistle ako para lumapit sa akin si Pluto. *WHISTLE* *WHISTLE* "come here Pluto! come, come!" *WHISTLE* *WHISTLE*

"Ano ba naman nyan Pluto! Lumapit ka na lang." kakainis naman itong puppy ko. Ayaw lumapit. Pwes ayaw mo ha! ....AKO ANG LALAPIT!

"Pluto! kakainis ka naman eh, buti na lang magy kubo dito. Halika kain ka na para ako naman mamamaya." andito kami ngayon sa kubo namin. Infairness may kubo kami dito. Bagong gawa pa ito, kakatapos ng maayos. Nilapag ko si Pluto sa la mesa para doon siya kumain habang ako nagmumukmok sa nangyari kanina.

Fated To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon