Natapos ang buong tagpo na iyon ng hindi nagawang lumapit ni Deanna kay Jema. Sa halip ay nagtago sya sa sulok upang hindi sya mapansin nito. Hindi pa yata sya handa na makita at makausap muli ang minamahal. Marami syang gustong sabihin, at marami din syang gustong ipaliwanag ngunit hindi nya alam kung paano magsisimula. Pumatak ng tuluyan ang mga luha nya ng makita nyang umalis at lumabas na ng Ramen House si Jema at ang kaibigan nito. Namukhaan nyang si Kring ang kasama nito, ang best friend ni Jema simula ng college pa lamang sila.
Jema
Ilang araw na ang lumipas at tutok na tutok parin si Jema sa pag ayos ng temporary office ng documentary team na mamamalagi ng ilang buwan sa site nila. Dumating na ang mga office chairs, table at computers na inorder nya. Sya nadin ang personal na nagdesign at nag arrange ng mga ito. Ayon sa report na natanggap nya mula kay Vice Almadro, lima ang magiging member ng crew na darating at pang anim naman ang production head na magiging counterpart nya. Dahil adjacent lamang sa opisina nya ang mobile office na pinagawa nila, may isang access door ito na dadaan malapit sa table nya kya madali lng syang malalapitan ng mga ito in case kailangan ang pirma o desisyon nya.
Pagkatapos mag bigay ng specific instructions sya mga subordinates nya ang nagpahinga na si Jema sa lamesa nya. Dumating naman si Chona, ang kanyang secretary na dala ang report ng site visit ng docu team. Hindi na kasi sya sumama sa site visit ng production head dahil sa sobrang dami nyang inaayos.
"Maam Jema, andito na yung proposal ng docu team about sa position ng cameras nila." Nakangiting bungad ni Chona.
"Salamat Chona. Pagod na ako, siguro bukas ko nalang to iccheck, saka may meeting at presentation naman sila bukas with the dept heads, most likely ay sasabihin din nila yun sa meeting." Sagot ni Jema.
"Ok po maam. Let me know kung may kailangan pa kayo. Or kung kailangan ko ulit samahan ung bisita. AKA Papi in blue." Nagniningning ang mga mata ni Chona na ipinagtaka naman ni Jema.
"Papi in blue pala ha. Mukhang crush mo agad ung bisita naten. Umayos ka Chona! Ayoko ng sakit sa ulo ha. Hahaha!" Pang aasar naman ni Jema. Tumawa sya ngunit may kaunting kirot syang naramdaman ng marinig ulit ang salitang Papi. Isang tao lang ang naaalala nya sa ganitong description.
Bigla naman syang napahawak sa leeg nya na tila may kinakapang kwintas doon. Ngumiti sya ng mapait, oo nga pala, tinapon nya na ang kwintas na iyon ng magpasya syang mag move on na mula sa pagkakulong sa taong iyon.
Deanna
Unang araw ngayon ng pagpasok nila sa planta. Doon nila gagawin ang mahabang documentary para sa companyang hawak ng ninong nya. Kasama sa team nya ay ang mga college teamates nya at mga maituturing nyang best friends nya.
Pagkatapos nilang magtapos ng media arts ay bumuo sila ng isang production team at nagsimulang magproduce ng mga shortfilms na pinapasikat nila sa social media. Hanggang sa makilala ang production team nila at sunod sunod na ang mga naging clients nila for commercials at recently nga ay mga documentaries na umaani ng kaliwat kanang awards sa ibat ibang bansa.
Si Maddie, Ponggay at Dani ang set directors at stylist. Si Bea naman sa editing at casting. Habang lahat sila ang nagppalit palitan sa camera handling. Lahat din sila ang nagbibigay ng content ideas. Maganda ang chemistry ng grupo nila at nagkakasundo ang mga styles at ideas nila sa production.
Kampante si Deanna na mabilis nilang matatapos ang project na ito.
Simple lang ang suot ni Deanna. Gusto nyang maayos ang maging impression sa kanya dahil magsasalita sya ngayon sa harap ng isang meeting. Naka brown leather shoes sya at nakblack pants na tinernohan ng maroon plaid long sleeve polo. Nka tuck in sya at kitang kita ang shape ng abs nya. Nakasalamin din sya dahil madalas lumabo ang paningin nya sa projector screen. Suot nya din sa kanang kamay ang lucky watch na bigay ng ninong nya. Dahil ayaw nayang mahassle ay dinala nya ang pick up truck nya. Isang Nissan Frontier na kulay blue.
Pagdating ni Deanna sa tapat ng building ay agad nyang ipinarada ang sasakyan nya. Pumasok sya sa loob dahil nagtext na sila Ponggay na nasa loob na sila naghihintay. Dumeretso sya sa conference room. Malawak at malaki ang building. Ang kaliwang bahagi nito ay isang malawak na planta, sa dulo ay may covered courts at canteen. Sa kanan naman ay isang sopistikadong building na may hightech na entrance at exit features. Ayon sa guard sa lobby ay nasa second floor ang conference room. Mabilis naman nyang natunton ito at nakita nyang nagsset up na nag projector at laptop si Dani. Sya bilang production head ang magppaliwanag ng buong proyekto sa mga department heads.
Kailangan lang nilang ipaliwanag kung ano ano sa mga lugar, processo at mga tao sa planta ang magagamit sa documentary nila. Hingiin ang permiso ng mga ito at tutulak agad ang proyekto. Pumasok na isa isa ang mga heads na kasali sa meeting. Pag angat ni Deanna ng mukha nya ay nagtama ang paningin nila ng isang babaeng papasok pa lamang sa pinto. Biglang may sumabog na kung anong ulap sa dibdib nya. Hindi sya makahinga at tila nawawala na ang paningin nya. Hindi naman malaman ang expression ng mukha ng babae. Derederetso itong naupo sa dulong bahagi ng long table at nagsimulang buksan ang folders na hawak nito.
"Jema" Bulong ni Deanna sa sarili. Nakatitig sakanya si Jema. Walang emosyon sa mukha nito ngunit hinihigop sya ng mga tingin nito. Hindi nya alam kung pano magsisimula. Hawak nya na ang mic at ang lahat ng tao sa conference room na iyon ay naghihintay sa unang salitang sasabihin nya.
"Good morning Ms. Deanna Wong, you may now start presenting your proposal." Ma-autoridad na panimula ang logistics division head na si Jema.