J's
"Delivery for miss Jema Galanza." Isang boquet ng sunflowers ang dumating sa opisina kaninang umaga. Masungit kong tinanggap ang mga iyon pero parang may parte ng pagkatao ko na kinikilig. Ano ba naman tong nararamdaman ko.
I want to confront Deanna about this but I do not have time. I already told her to stop but here she is again, showing so much effort.
"Smile, it looks good on you." - Sabi ng note pero walang nakalagay kung knino galing. Napangiti ako. Ok, fine, talo nko sa part na yun dahil ngumiti ako.
"Wow mare, magtatayo ba tayo ng flowershop soon? Napapadalas ata ang bulaklak dito sa office ah." Sakto naman dumating si Kyla at mang aasar.
"Ewan ko mars bakit ang kulit, sobra. Sinabihan ko na syang wag nang magpursige. Pero mukhang wala syang balak huminto."
After nung wild dream ko last week hindi na ulit kami nagkausap or nagkalapit ni Deanna. Madalas ay nasa field sila katulad ngayon. Gusto ko sana silang puntahan para kausapin pero parang nahihiya ako. Bakit? Dahil ba nagback fire yung pang aasar ko sakanya? Well, siguro. Pero hindi nya naman yun alam. Haist.
Lumabas ako ng opisina dahil gusto kong makita ang docu team. (Weh, baka si Deanna!) Epal ka self!
Naglakad ako papunta sa dulo ng covered plant. Natanaw ko na halos lahat ng miyembro ng docu team pero may hinahanap ang mata ko. Isa isa ko silang inusisa, pero malapit na ako sa kanila ay wala padin si Deanna.
Bigla akong nawalan ng gana, pero itinuloy ko parin ang surprise visit ko sakanila. Si Bea ang unang nakapansin sakin at agad na lumapit ito. Inannounce nya sa grupo na palapit ako at lahat naman ito ay tumigil sa ginagawa nila. Nagkalat ang mga wires at cables kya hindi ako msyado nakalapit sa set up nila. Parang automatiko namang umikot ang mga mata ko, shet talagang hinahanap nito si Deanna, at the same time ay pinapahiya ako sa sarili ko.
"Hi Boss J, napabisita ka dito sa set, may problema po ba?"Magalang na tanong ni Bea, at nakumpirma kong wala nga si Deanna dito. Nasaan sya habang naghihirap ang team nya?
"Wala naman Bea, gusto ko lang kayo icheck, msyado kasi akong busy last few weeks. Is everyhing ok here? Tanong ko, na tila naghahanap kung nasaan ang director nila.
"Yes ok naman po, so far we are on track, aside lang dun sa issue ng moving subjects na hinahabol namin this week, kaya twice kmi nag OT." sagot naman ni Maddie.
"Well ok.." Medyo naghang yung tono ko na parang may gusto pa akong itanong pero putangina pinigilan ko na.
"Deanna is out pala for some material procurement. Well it should be me sana, kaso nagrequest yung owner ng store na si Deanna daw po ang kausapin nya. So we have no choice kasi yun lang ang store na malapit sa area natin." Dani said but I can feel a tension rising, so I proved more.
"Anong store? What material is needed baka makatulong ako." I asked inquisitively.
"Ahm, styroplastic village material. Si Ced Domingo po yung may ari." Dani said nervously.
Shit, tangina hindi ako magkakamali. Alam kong yun ang ex ni Deanna nung college bago kami magkakilala. The one who broke her into pieces. Hanggang ngayun pala may contact pa sila. Napaka gago mo talaga Wong. Left and right ka mambabae! Naramdaman kong namumula na ako sa inis kaya nagpasya akong umalis na.
"I'll go ahead guys. I'm sure you got these things here covered. Say hi for me to your director."
Naglakad ako pabalik ng office na may maitim na aura. Sobrang nawalan ako ng gana kya pinacancel ko muna lahat ng meeting ko. Deep inside ayoko umalis ng opisina. Bakit parang hinihintay ko sya dumating. Gusto ko syang sampalin sa mukha ng sunflowers nya.