Deanna
Maaga kami ngayon nila Bea sa planta. Madaling araw ng alas kwatro ay nandito na kmi. Habol kasi namin na hindi masikatan ng araw ang shooting. Bukod sa mainit sa balat, ay mahirap i-edit kapag over exposed ang videos.
Napansin din namin kahapon na parang malalabo ang kuha nung camera 1 and 2. Bakit kaya? Pinagpasyahan naming pumunta ng maaga para icheck yung problema. At nung madiskubre namin ay agad naming tinext sila Ponggay, Maddie at Dani.
In an hour ay nakarating agad sila. Nagtext na rin si Luigi na parating na sya. Oo nga pala, si Luigi yung sinasabi ko sa meeting na electrical and technical guy namin. Magaling sya sobra at hanga ako sa skills nya. Alam kong fit sya para sa project nato.
"Deans, mukhang pumapayat ka agad. Di pa nga tayo halos nagsisimula." Bati ni Bea sakin. Ilang araw na kasi ako walang tulog. (kakaisip kay Jema) ay wag epal brain. Mabubuking tayo.
"Hindi na siguro ako sanay sa processed food ng Manila. Hahaha" Pagdadahilan ko.
Partly totoo ito. Sa cebu ay maraming fresh fruits and veggies, fish at poultry farms. Hindi masyadong dumaan sa preservatives ang pagkain.
"If I know, gusto mo lang may magluto ng pagkain mo dito eh. Sinasadya mong magpapayat para may mag-alala."
Si Ponggay naman ang nang asar ngayon. Mukhang di ko gusto ang patutunguhan ng usapan nato kaya pinag patuloy ko na lang ginagawa ko.
"Seriously Deans, we all know you are still head over heals inlove with her, why dont you make the first move?" Biglang bigla naman to si Maddie, sabay kindat pa kay Bea. Pag untugin ko kaya sila? Lol.
"I dont know mga ate. All I know is, hindi ko ineexpect na makikita ko sya ulit pag balik ko dito. I was thinking all along na nasa ibang bansa na nga sya. Isa pa, she looks like happy na. I dont wanna ruin that." Paliwanag ko.
Bihira lang mapag usapan to, kaya sinagad ko na. Sinagad ko na ang sakit. Tang ina. Bigla ko kasi naalala yung nakita ko sa Mcdo kaya kinwento ko nadin sa kanila. Wala naman sakanilang umimik. Tignan mo tong mga to. kung maka push akala mo madali, tapos ngayon tameme sila.
Hays life.
Mula sa malayo napansin kong may pumaradang yellow mini cooper. Alam kong kay Jema ito. Sya lang ang kakilala ko na gustong gusto ang sasakyan na yan.
Nabili nya na pala yung pangarap nyang car. I'm happy for you Jema. Napangiti ako. Tinitigan ko syam hinatid sya ng guard hanggang sa building.
She really has built a reputation here. She's well respected and being looked up to by everyone in this empire. I am so proud of you Jema.