Traces of the Past

1.8K 104 6
                                    

Mabilis ang naging takbo ng mga sumunod na araw. Humanga si Jema sa dedikasyon sa trabaho ng buong team ni Deanna. Hindi nya akalain na super hands on at field work pala talaga ang pag gawa ng documentary. 


Malungkot sya madalas dahil wala naman sa mobile office ang mga ito. Nandoon sila sa planta at nagmmaneobra ng mga camera. Kumukuha ng still shots at clips. Nung ikalimang araw ay naisipan nyang bumisita sa mga ito. 


Why not?

 She's the head of logistics division at karapatan nyang isupervise ang docu team. Napangiti naman sya sa naisip nya. Tama, bibisita sya sa planta para tingnan ang progreso nila at para narin makita si Deanna. Erase erase. Wala akong pakialam kay Deanna. 


(Sus kunwari pa.) Wag kang epal self. Let me handle this ok?


Nagsuot sya ng simpleng white dress na above the knee ang haba. Simple lang at kitang kita ang hubog ng katawan nya. Nag apply ng simpleng make up. 


(pero medyo strong ata tong red lipstick natin? ) Wag kang epal brain. Yan ang bet ko. Fierce look to.


Bumaba na sya ng condo at nagdrive papunta sa opisina nila. Hindi gaanong traffic dahil maaga pa. Saka hindi talaga matraffic sa ruta nya kaya naman laging good vibes lang sya pag umaga. Nagbukas sya ng radyo at sumabay sabay pa sa music.


She can feel that this will be a good day. (excited syang makita si Deanna) Wow epal ka brain. Maganda ako ngayon kaya masaya ako no.


Pumarada na sya sa kanyang parking spot. Agad naman nakita ng guard ang kanyang yellow mini cooper kya sinalubong sya nito ng payong. Medyo maambon kasi pero hindi naman kalakasan.


"Salamat ho kuya Bert. pwede hong pakidala nitong laptop sa office ko? Dadaan pa kasi ako jan sa planta at may iccheck lng." Jema.


"Sige po maam. Yung docu team ho ba? Kanina pa sila nanjan. Alas kwatro palang ng madaling araw. Nanghiram nga sila sakin ng mga payong. Naaawa na nga ako maam, para kasing may problema sila sa mga kuha nila."    


Mahabang paliwanang ni Kuya Bert habang naglalakad sila papasok ng building.



"Ah talaga. Sige titignan ko kung anong problema. Thank you Kuya Bert." 


Pasalamat ni Jema sa sekyu na kaibigan nya na din. Kinakabahan sya ng konti kung anong problema. 


Baka mastress si Deanna. (Deanna na naman po). Grr kainis ishutdown ko kaya tong brain ko.


Pumasok agad si Jema at dumeretso sa bandang dulo ng planta. Tanaw nya na ang mga camerang nka set up ang ang iba naman ay nakalatag sa sahig. 


Nakatalikod mula sa direksyon nya sing isang babae pero alam nyang si Deanna iyon. Nkasuot ito ng black Tshirt na may naka print sa likod. "Production Head" at maong na pantalon na tinernohan ng white converse shoes. Sobrang simple. pero sobrang hot. 

Back For GoodWhere stories live. Discover now