Masakit maiwan. Mahapdi sa kalooban. Hindi mo alam kung saan ka nagkamali para iwanan ka.
Naging boring ka ba?
Naging mapaghanap ka ba?
Nasakal ba siya sa pagmamahal mo?
Nagkulang ka ba sa pagpapakita at pagpaparamdam ng pagmamahal mo?
Hindi ka maliwanagan kase hindi ka naman pinaliwanagan.
Sabi nga ni Vice Ganda,
"Kung iiwanan ka, iiwanan ka."