N A N G - I W A N

384 12 6
                                    

Play Nang-Iwan by This Band...

September 12, 2020

March 25, 1992 - September 12, 2019

Nagtataka

Natatakot, nalulungkot, nag-iisa

Alaala nu'ng panahon ng nand'yan ka

Tila bangungot nang magising at wala ka na

Wala ka na

Umupo ako sa tabi ng lapida niya. Inisip ang mga nangyari. Binabalik-balikan ang gabing iyon.

"Isang taon na rin pala hano? Ang bilis ng panahon parang kelan lang nag-usap pa tayo. Tapos ngayon, eto...wala ka na."

Para kong tanga. Kinakausap ko na naman yung hangin. 

"Naalala mo pa non. Nung una tayong magkita. Naka-salamin ka pa non, tapos may brace. Tingin ko nga sayo non ay nerd. Kasi naman bakit ganoon yung get-up mo."



Nangangamba kung ako pa kaya'y iibigin pa

Dahil sa 'yong dinulot, parang wala na

Ang puso ko ngayo'y pagod nang umibig pa

Umibig pa



"Una kong nagkacrush sayo nung acquiantance party natin nung grade 8 pa tayo. Stand-out ka non. Wala akong ibang makita kundi yung mukha mo. Sobrang sarap tingnan kase nakakahawa yung ngiti mo."

Siguro kung may makakakita sakin dito, iisipin nila baliw ako. Kase nga wala naman akong kausap pero salita ako ng salita habang nakangiti sa hangin. 

Ilang taon ang tiniis

Para hindi ka umalis

Ngunit ako'y iyong nilisan

Ako ba ang may kulang?



"Ang saya-saya ko araw-araw. Laging masaya yung gising ko simula nung maging tayo. Akala ko nga ala ng katapusan eh. AKALA KO LANG PALA."

"It all started ng maging mga propesyonal na tayo. We lost time for each other. We took the love we have for granted. Ngayon, narealize ko na dapat hindi ganon. Na dapat lagi mong iparamdam sa taong mahal mo yung pagmamahal mo. Kasi you will never know what's gonna happen next."

Iyong ngiti ko kanina, napalitan ng lungkot. At di nagtagal, tumulo na lang bigla yung luha sa mga mata ko.

Bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo?

Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko

Ngayo'y ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan

Ang sakit-sakit isipin na

Ako'y iyong iniwan



"I STILL LOVE YOU."

Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko.

"I miss you. And I'm sorry."

"I'm sorry kasi napakaselfish ko. Kase sarili ko lang yung inuna ko that time. If I hadn't left, ganito pa rin kaya yung mangyayari? Sana hindi ko inuna yung sarili ko. Sana di ako nagtanim ng galit."

"Araw-araw akong bumabalik sa kung paano tayo nagsimula at araw-araw ko ring pilit kinakalimutan kung paano tayo nagtapos. Masyado tayong pinagkaitan ng kasiyahan ng mundo. Parang nasa isang cycle tayo kung saan walang liligaya at makakausad kung walang magpaparaya. At ikaw yung nagparaya. I'm sorry....."



"ANG DAMOT DAMOT NG MUNDO!" mas lalo akong napaiyak. Hindi ko makalma yung sarili ko.



"ANO MASAYA KA NA BA? KASI NAIWAN AKONG MAG-ISA? ANG LUPIT LUPIT MO. BAKIT? HINDI NAMAN AKO MASAMANG TAO AH? ANONG KASALANA KO PARA GANTUHIN MO KAMI? ANO??!!!"



Napaluhod na lang ako. Patuloy sa pag-agos ang luha ko. Kasabay ng pagdilim ng kalangitan at pagbuhos ng ulan,  ay ang PAGBUHOS NG DAMDAMIN KO.



"Paano na ngayon? Sa'yo at sa'yo lang din bumabalik ang puso ko."



Patuloy sa pagluha ang langit, tila nakikiramay sa dalamhating dala ng araw na ito. Putikan na ako, pero wala na akong pakialam. Nilalamig na rin ako, pero kumpara sa lamig ng pagkawala niya, wala pa ito. 



Paggising ko non galing sa operasyon, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. It was the most painful news I've heard all my life. 



Pumunta ko sa burol para makita siya, nakahiga at tila mahimbing na natutulog lang. Araw-araw ko siyang pinagmamasdan. Tila kinakabisa ang kanyang hitsura. 



"Sa huling araw ng pamamaalam ko sa'yo, pinilit kong hindi umiyak ng sobra sobra pero bigo ako. Dahil sa oras na ihagis ko ang bulaklak sa kamay ko, alam kong hindi ko na mapipigilan ang mga nagbabadyang luha na mag-unahang umagos sa aking mukha."



"It's been a painful year without your presence." 

Dumating sa point na hindi ko na alam kung anong gagawin ko. I became suicidal. I was just thankful my parents never left me. 

"At ngayong isang taon na ng pagkamatay mo, may itatanong lang sana ko?"

It's hard for me to do this, but....

"Bibitaw nako, okay lang ba?... kahit masakit... gusto ko ng matahimik ka. You don't have to worry about the past anymore, I promise you I will be okay."

Ang sakit sakit. This is the hardest and most painful goodbye.

"Gusto kong maging masaya ka kung nasaan ka man at alam kong hindi mangyayari yon hangga't hindi kita pinapalaya. KAYA MALAYA KA NA. Live on with happiness wherever you are..."

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko. Lumitaw na muli ang araw, sa pagitan ng maiitim na ulap. Kita mo rin ang makulay na bahaghari na mas lalong nagpaganda sa muling paglitaw ng araw.



Totoo nga yung sinasabi nila. Pagkatapos ng bagyo, sisilay ulit ang bagong umaga dala ang liwanag na hinahanap mo sa kadiliman.



Masakit man, pero binigyan pa ako ng pagkakataon ng Diyos na mabuhay, at dapat ko itong bigyang importansya. Mabubuhay ako dala ang mga ala-ala natin. At sana sa tamang panahon, maging maligaya na ulit ako.



"Ako yung NANG-IWAN, pero bakit ikaw yung UMALIS...Steph?"



Naglakad na ako pabalik sa sasakyan ko.



Pero biglang umihip ang malamig na hangin...



Napangiti na lang ako.



"Salamat, Steph..."




THE END.




NANG - IWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon