"STEPH..."
Nagulat din sya ng makita si Papa. Agad naman niyang nginitian ito.
"Can we talk? Tito, can we?"
"Oh yes, Anak. Puntahan ko lang mama mo. Steph hija, it's good to see you." Agad namang umalis si Papa kaya naiwan kami ni Steph.
Walang nagsasalita sa amin. Una niyang binasag ang katahimikan.
"Let's go."
Nanginginig ang kamay niya. Nakaupo kami sa isang bench sa gilid ng main cafeteria.
"I'm sorry."
Umalingawngaw sa tenga ko ang paghingi niya ng tawad. Kasabay non ang pagpatak ng mga luha sa mata niya. Isang malungkot na babae ang nakikita ko, malayong malayo sa Stephanie na masayahin, at laging nakangiti. Malayo sa babaeng minamahal ko.
"Saan ka nagsosorry? Sa part ba na niloko mo ako tapos ipinagpalit mo ako sa besprend ko? Sa part ba na pinagmukha niyo kong tanga? Sa part ba na ibinasura mo ako? Alin ba don, Steph?"
Mas lumuha siya. Ayokong nakikita kang ganyan, Steph. Please...
"I'M SORRY KASI NAGING SELFISH AKO. I'M SORRY KASI NAPAKAWALANG-KWENTA KO PARA MAHALIN MOKO NG GANITO. I'M SORRY, I'M SORRY, I'M SOR...RY..."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Alam mo hindi ko pa rin matanggap Steph, ang hirap tanggapin na hindi ikaw yung mahal ng taong sobra mong minamahal, parang pinipiga yung puso ko sa sakit. Bakit hindi na lang ako? Hindi ba ako naging sapat sayo? Yan yung mga tanong na umiikot sa isip ko."
"I'M SORRY..."
"Bakit sa dinami-dami si Kevin pa? Bakit kailangan mo akong ilagay sa napakahirap na sitwasyon? Bakit kailangang saktan mo ako ng biglaan? Bak---ugh..."
Akmang lalapit sya pero pinigilan ko sya.
"No, wag. Kaya ko ' to."
"But you'r--"
"PWEDE BA HINDI KO KAILANGAN NG AWA MO! DI BA KAYA KA LANG NAMAN NANDITO KASI PINUNTAHAN KA NI MAMA. TAPOS ANO? NAGUGUILTY KA? AYAW MO NON? PAG NAMATAY AKO WALA NANG HAHADLANG SA INYO NI KEVI--"
*PAK*
Sinampal niya ko.
"Pumunta ko dito because I care for you. It's not pity, it's care. I still care for you."