di sapat pero tapat

828 11 0
                                    

"Stephanie..."


Hindi ako makapaniwala. Hindi. HINDI TOTOO 'TO.


"Kevin..."


Nagpabalik - balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan ako. TANG INA.


"Andrei..." bungad nya sakin pagkakita ko sa paglalandian nila ng lalaking itinuring kong kapatid.


"Let me explain..." dagdag pa niya.


"HINDI. HINDI! STEPH, ANO 'TO?! ANONG KAGAGUHAN TO?" pilit nyang inaabot ang kamay ko at pinipilit magpaliwanag pero wala akong nararamdaman kundi galit sa kanilang dalawa.


"Anong ipapaliwanag mo? Na nasarapan ka sa halik nya? Or should I say laplapan nyong dalawa?"


"Dud---"


"Andrei!" pinipilit nya kong hilahin palayo sa lalaking traydor na yon.


"PUTANGINA MO WAG MOKONG MADUDE DUDE! ITINURING KITANG KAPATID TAPOS GAGANTUHIN MO LANG AKO. TRAYDOR KA TANG INA MO!"


Wala nakong pake kung may makarinig samin sa parking lot nato. Anghel lang ang hindi magrereact kapag nakita mo kung paano inahas ng besprend mo yung babaeng pinakamamahal mo.


"Ano ipagtatanggol mo pa 'tong gag--"


"OO!"


"At bakit? Siya na ba yung mah--?"


"OO! SIYA NA YUNG MAHAL KO! Kaya please lang tama na! Hindi na kita mahal Andrei, okay? Kaya tumigil ka na"


Natigilan ako. Hindi ako makagalaw. Tang ina. Ang sakit. DI na pala ko mahal eh.


"Nagbibiro ka lang di ba? Hindi naman totoo yon di ba?"


Sana sabihin mong oo. Hindi, aksidente lang lahat. Ikaw pa rin yung mahal ko.


Masyadong nakakabingi yung katahimikan. Tanging paghinga lang naming tatlo ang pumupuno sa malaking espasyong ito. Hindi ko alam na sana pala hindi ko na lang hiniling na sana sagutin nya yung tanong ko.


"I'M SORRY."


That was the time I knew I lost. I lost her, but more than that, I LOST MYSELF.


"Putang ina naman Steph, minahal kita."


"I'm sorry, I am very sorry, Andrei..." umiiyak sya sa harapan ko.


Parang pinipiga yung puso ko. Masakit makitang nasasaktan sya. Alam kong ang tanga ko para isipin pa yon pero wala eh, mahal ko sya.

NANG - IWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon