Chapter 8

42 3 0
                                    

#BorkenheartedbecauseofVince

MUGTO ang mata ni Eya pumasok ng escuelahan, magdamag siyang umiiyak. Hindi niya malilimutan ang nangyayari kahapon, tagos 'yon sa puso niya. “Ang bruhang 'yon kala kagandahan!” bulong ni Eya sa sarili.

Maraming estudyante ang tumitingin sakanya nagbulong bulongan ang mga ito at mayamaya ay magtatawanan na tignan siya. Huminga ng mabigat si Eya, siguro dahil 'yon sa nangyari kahapon. Lakas pa sa kidlat ang chismiss kapag kumalat.

Nagkibit balikat lang siya at dumiretso ang lakad sa kanilang silid aralan at pagod na sumalampak siya sa kanyang upuan. Ngumiti siya sakanyang mga kaibigan ng lingunin siya ng mga 'to pero agad din siyang nagbawi.

“Anong? What the!” agad na lumipat si JM sakanyang harapan.

Ang kinunot ng kanyang noo ang reaksiyon nito. “Hala! Anong nangyari sa mata mo bakit ang mugto niyan?” nag aalalang tanong ni Aicha.

Bigla na naman nanubig ang mata niya ng maalala ang nangyari kahapon. Yes, she is the ugly girl in the campus, she admit it! Bakit kailangan pa talagang isumbat 'yon? Buong buhay niya, ay 'yon ang laging maririnig niya. Puset pala na buhay 'to.

“Tapos iiyak ka nalang diyan ha? Ano ba kasi ang nangyari? Tungkol ba 'to kahapon?” pinahid ni Aicha ang luha niyang walang pasabi at bigla nalang tutulo.

“Masama bang maging pangit? Masama ba maging mataba? Hindi ko naman kasalanan kung ipinanganak akong ganito!” garalgal ang boses niyang sabihin 'yon. She is a mess,

Yumuko siya, taas baba ang balikat niya na umiiyak. “Sinong nagsabi nun ha? Kakalbuhin ko!” galit na turan ni JM.

“Anong nangyari Eya?” malungkot na tanong ni JC.

Pinahid muna niya ang kanyang luha at inayos niya ang sarili bago nagkwento.

“Ano? Ang kapal ng mukha ng Mae na 'yon ah! Maganda ba siya? Ang landi kaya nun!” ani JM, nag tiim bagang ito.

“Sinabi niya 'yon? So, mag ex pala sila?” hindi makapaniwalang sambit ni Angge.

“Iyan ang sabi ko sayo! Sa una palang duda na ako diyan sa Varsity na 'yan. Ano ba ang aasahan mo diyan? Magaling 'yan maglaro pati puso mo laruin niyan. Magaling mag drible tapos pag ma shoot? Wala na! Tapos na!” lintanya ni JC, tama 'to kung sana nakinig siya sakanyang kaibigan wala sanang umiiyak at nasasaktan ngayon.

“Ang tanga ko! Pinagpustaan lang pala ako!” humahugulhol na siya, ang pinakamasakit na parte sa narinig niya.

Ilang sandali walang kibo ang mga kaibigan niya, nakita niya ang galit sa mga mukha nito. “Makakatikim sila sa akin!” ani JM na nagmamadaling lumabas.

Sinundan nila 'to, huminto ito sa tapat ng Fourth year Faith. “JM, tara na huwag na tayong mag eskandalo dito!” awat niya sa kaibigan.

“No! Kailangan makakatim talaga ang lalaking 'yan sakin Eya!  Huwag mo akong pigilan!” nagpupumiglas ito.

“Anong kailangan mo Ms.” Ani Lenar, dumako ang mata nito sa kaibigan niyang si JC.

“Nasaan si Vince! Iharap ninyo siya!”

“Absent siya.” ani Lenar

“JM, tara na bumalik na tayo sa room.” yaya niya, dumami na ang estudyanteng nagkukumpulan sakanila. Nakikichismiss lang naman.

Babalik na sana kami ng room namin ng harangan kami ni Mae at ang mga alipores nito kasama sila Marphe at Nikka. Pumapalakpak ang mga ito.

“Hi babies? Si Vince ba ang hanap niyo? Bakit?” bumaling ito sakanya “Sa pagkakaalam ko Eya, narinig mo ang pag uusap namin kahapon, how is it? Masakit ba? na malaman mo ang katotohanan? Bagay lang 'yan sayo! Masyado ka kasing feelingera!” humahalakhak ito at ang mga alipores niya.

“Wow? Sino ang feeling ngayon? Matagal na kayong wala diba? Sa pagkakaalam ko rin Mae, at teka? May nagsabi sa amin na lumuhod ka daw sa harap ni Vince at nagmamakaawa? How is it? Anong nararamdaman mo? Na 'yong taong pinaglaruan at ipinagpalit mo ay hinahangad mo na ngayon? Lahat ba ng lalaki dito sa campus natin, sayo! Dream on!” galit na singhal dito ni JC.

Nakita niyang namutla ito, at galit na bumaling sakanya. “Ikaw! Ikaw lang naman nakakita sa amin! Walanghiya ka!” hahablutin sana siya ni Mae pero humarang si Aicha sakanya.

“Subukan mo Mae! Baka mabasag 'yang pagmumukha mo!”

“Wow! Magaling! Magkaibigan nga kayo! Same feather flocks together!” ani Mae na pumapakpak pa.

“E kayo? Anong tawag sa inyo? Teka, mag iisip kami.” tumingin si Aicha sa kanila at ngumisi. “Mga Linta! Bagay diba? Sa susunod humarap muna kayo sa salamin bago kayo manlait? Hindi bagay sa inyo e'. Maganda lang naman kayo dahil sa kapal ng make up ninyo sa mukha! Sa pagkakaalam ko? Hindi requirements dito sa school! Puro kayo papaganda! Hindi naman maganda!” banat ni JM

Nakita niyang galit na galit itong tumingin sakanya. Hindi niya mapigilan matawa sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya may tinatago din palang ka demonyohan sa loob.

Natameme ito,“Mga bwesit! May araw din kayo sa'kin!”

“Kailan Mae? Handa kami, tandaan mo ito mula sa araw na 'to, Don't missed out with Eya, dahil kung hindi mo gustong ilibing mg buhay!” humahalakhak na banta ni Aicha, “Let's go girls, baka sipsipin ang dugo natin sa mga babaeng 'yan! Mga linta pa naman, ang mukha parang binugbog sa kapal ng foundation.” pang aasar ni Aicha.

Hindi paman sila nakakalayo ay naririnig na naman nila ang nakakarinding boses ni Mae, sabay silang lima na lumingon dito.“Anong tingin tingin niyo diyan? Alis! Tsupee!”

“Nag-uumpisa pa lang tayo girls, aasahan niyong may susunod pa” makahulugang saad ni Aicha,

“Hayaan nalang natin sila, Ai. Ayaw kung makakita kayo ng gulo dahil sa akin.” nagaalala niyang sabi sa kaibigan.

Umiiling ito,“No! Akala mo ba matatapos nalang dun, alam kung hindi 'yon papayag na gaganunin siya babalikan ka nun! But don't worry nasa likod mo lang kami palagi!” kapagkuwan ay kumikindat la ito sa kanya.

“Thank you.” pasasalamat niya, she is still bless having them.

The Prince And The Beast COMPLETED (under Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon