#YesIwillmarryyou
Masayang nagkuwentuhan silang lima sa shop, matapos niyang sinabi dito ang lahat ng nangyari noong isang araw ay panay hampas ang mga kaibigan ni Eya sakanya. Hindi ito makapaniwala sa mga nangyayari. Kahit siya man ay hindi makapaniwala na nagkamabutihan silang dalawa ni Vince, they started again but this time, sisiguraduhin niya ng pagkakatiwalaan ang lalaki. Iyon ang hiniling ni Vince sakanya.
Medyo, kunti lang ang mga kustomer nila ngayon kaya nakapagkwentuhan sila. “I'm happy for you, sa wakas wala ng single dito,” tawang-tawa turan ni Angge.
“Tama, basta supportado lang kami sayo Eya, akalain mo nga naman, sadyang maniwala na talaga ako mahika ng pag ibig.” ani JM
Dahil sa sinabi ni JM naisip niya si Vince at ang pangakong ginawa nila noon sa lovebridge, tandang-tanda pa niya ang ginawang pagkulit nito sa kanilang pangalan doon, napangiti siya totoo nga talaga ang mahika ng lovebridge na 'yun.
“Iba talaga ang inlove? Nakatunganga at ngumingiti mag isa. Naku, sinabi ko nga ba, pa mental na natin 'to.” Ani Aicha, tinampal pa siya nito.
“Aray ha! Ang harsh niyo, pagbigyan niyo na ako.” aniya at nangingiti.
“Tawagan ko nga si Vince, ipadala kita sa mental,” kinuha pa ni JM ang cellphone niya, at dinial ang numero ni Vince, kasabay naman pagpasok ng lalaki sa loob.
“Hi, ladies,” nakangiting bati nito, nakasimpleng plain shirt lang ito at nakashort hanggang tuhod, pero ang gwapo pa rin nitong tignan, may dala na naman itong bulaklak na santa rosas.
“Hi, papa Vince! Bulaklak na naman? Baka gusto mong gawing flower shop ang Gorgoeus Fashion,” saad naman ni JC,
“Kung pwede bakit hindi? Dagdag income din naman 'yon.” sumabay na biro ng binata, “Hi, gorgoeus,” anito, nilahad ang bulaklak sakanya at hinagkan siya nito sa noo.
“Ang kati ng katawan ko, mukhang kinain yata ako ng mga langgam. Makalayo na nga!” ani JM, nagtawanan naman sila sa tinuran ng dalaga. Kahit kailan talaga.
“Libre ka ba ngayon? May ipapakita ako sayo.”
“Ipagpaalam mo muna ako sakanila, sila ang boss dito hindi ako.” nakangiting sambit. Nilakasan niya ang boses niya para marinig ng mga kaibigan niya.
“Whatever! Lumayas na kayo! Tsupee!” ani ulit ni JM.
“Pagpasensyahan muna, may dalawa 'yan.” singit ni Aicha, “Go, ahead.”
Hindi na nga nagatubiling sumama si Eya, kay Vince. Wala naman siyang nakatambak na trabaho, kunti lang din naman ang kustomers kayang kaya na nila 'yun.
Napamulagat si Eya ng nakita niya ang lovebridge, sa tagal ng panahon nandito pa rin. Matatag pa rin. “Nandito pa rin pala talaga 'to.” bulalas niya, inalalayan naman siyang nga lalaki. Nakangiting tinuro niya ang inukit ng lalaki noon pero mukhang bagong ukit ito.
“Syempre, natandaan mo pa ang sinabi ko sayo noon.” anito at niyakap siya mula sa likod, tumango naman siya bilang sagot. “Inukit ko 'yan ulit,”
“Alam kung marami na tayong sinayang na panahon, mga pagkakataon na pinalampas, may pagkakataon na hinihintay kita dito nagbabakasakaling mapadpad ka dito, paminsan-minsan umuwi ako para makita ka sa mga achievements mo kahit man lang sa malayo.” humarap siya dito, nakangiti itong nakatingin sakaniya. Totoo ba ang narinig niya? Nakikita siya nito sa malayo? Paano? Hindi man lang niya nakita ito.
“I am happy seeing you at your achievements back then, nasabi ko sa sarili ko na, lumabas ang totoong ikaw ng naghiwalay tayo. And I am proud of you sweetie,” madamdamin nitong saad, Eya is speechless, may lumandas na naman na luha sa pisngi niya, nagkandarapa siya sa kasiyahan ngayon. Hindi niya inakala na ginawa ng lalaki 'yun. Para sakanya, wala na din siyang halaga dito.
Pigil ang boses niya, dumudugo na nga ang labi niya dahil nanginginig ang labi at pigil ang sarili niya sa paghikbi. “Shhh.. Don't cry,” anito at niyakap na naman siya.
“It is just a tears of joy Vince, akala ko nagkakabalikan kayo ni Mae noon.”
“What a wrong accusation, love. I am busy getting you back, pero iwas ka ng iwas. Hanggang sa tumigil na ako, hindi ako sumuko pero nagpapahinga ako. I give you time, at alam kung 'yon ang kailangan nating dalawa. Space.”
“O, I love you, Vince.” aniya at hinalikan ang binata.
“Nakakatawa, pareho tayong mali na pinaniniwalaan, akala ko kasi, puppy love ang lahat noon. Na akala ko makakalimutan ko ang damdamin ko sayo. Pero hindi, iwan ko parang inuukit na din ang pangalan mo sa puso ko, kaya siguro walang pumapasa sa panlasa ko. Hindi ako nakakita ng isang tulad mo Vince.” napangiti siya, “Even Enzo is not qualified.”
“Hmmm, talaga? Akala ko nga nobyo mo 'yun, ang sweet niyo. Lagi siyang nakabuntot sayo noon, kaya hindi ako makalapit. At sa party, ang sweet niyo, sabi pa nila crush mo siya. Alam mo bang selos na selos ako.”
Napahalakhak na si Eya, sa narinig niya mula rito, alam niyang si Kurt ang nagsabi dito,“Lagi siyang proxy sayo alam mo ba 'yon? Kung tutuusin marami kang utang doon. Lagi ka niyang sinalo, you did a favor for him, mula pa noong Prom? Remember.”
Napakamot ito sa batok, “Oo nga, pala. God, nagseselos po talaga ako sakanya,” anito at piningot ang ilong niya.
“I am happy now, wala na akong hihilingin pa sa diyos, pero sayo meron.” napakunot ang noo niya sa sinabi ng binata, sumeryoso ang mukha nito at may dinukot sa bulsa.
Isang kulay abo na kahita ang nakita ni Eya, at lumuhod ito sakanyang harapan, natutop ng palad niya ang kanyang bibig. She didn't expect that it would be happened. Tumambad ang isang diamond ring na may kulay na red ang diamond. It's her birthstone, “Miss Beatriz Villaflor, will you be my wife?”
Naguunahan na naman ang mga luha niya, at nabwebwesit siya dun, kahit kailan ang iyak niya talaga.
“Yes, Vince! I will,”
Napatayo naman ng bigla ang lalaki at binuhat siya, “Thank you, Love. Napakasaya ko ngayon. Mahal na mahal kita,”
BINABASA MO ANG
The Prince And The Beast COMPLETED (under Edition)
Dla nastolatkówCover made by: Kbluescript Hindi man kagandahan ang mukha niya pero may maganda naman siyang puso at 'yun ang alam ni Eya ang totoong kagandahan. Pero sadyang pinaglaruan ng tadhana si Eya, pinaglaruan ang damdamin niya, pinagtatawanan, kinakahiya...