Chapter 6

34 3 0
                                    

#Cheeringthevarsityplayer

“Go Vince!”
“Go Lenar!”
“Go Allen!”

Sigaw ng mga cheer dancer na nasa harap niya. Ikalawang quarter na sa laro at ang team nila Vince ang mataas na puntos. Humihiyaw ang lahat ng naka tatlong puntos si Vince. Hindi niya makakaila na magaling talaga ito sa basketball.

“Eya! Inspired si Papa Vince ah, kayo na ba?” panunudyo ng kaibigan niyang si Aicha. Tumitili naman ang iba pa kaya nakukuha iyon ng atensiyon sa lahat ng nanuod. Dahil nasa itaas ito ng bahagi umupo. Nakita niyang nakatuon sakanya amg lahat ng tingin may iba pang nagbulong-bulongan. Inirapan niya ang kaibigan.

“Huwag kayong maniwala diyan nababaliw na kasi 'yan!” aniya na malakas tumawa. Pero sa loob niya parang dinaganan siya ng hiya.

“Oo naman Eya hindi kami tanga! I swear! Hindi ka naman magugustuhan ni Vince tignan mo nga ang sarili mo!” ani Nikka ang kaibigan ni Marphe,

“True! Huwag kang assumera ang layo kaya ni Vince varsity si Vince, ikaw?” segunda naman ni Alliah may sasabihin pa sana ito kung hindi lang siniko ito ni Marphe.

Nakatuon lang ang mata ni Eya sa naglalaro na si Vince, tama ang mga ito ang layo nga ng binata para magustuhan siya. Bigla nalang nanubig ang kanyang mga mata, namumula ang kanyang ilong alam niyang ilang sandali ay iiyak na naman siya.

“Bakit? Maganda ba kayo? Tignan niyo din kaya ang mukha ninyo sa salamin.” ani JM

“Tama! Ang tanong may salamin kaya sila JM? Ay.... Mukhang wala..” ani Angge.

“Huwag kang magpapa-apekto ng mga impaktan na 'yan. Eya!” sigaw ni Aicha.

Hindi niya ito pinansin, nanatiling nakatutok lang ang mga mata sa laro. Pumapalakpak pa siya dahil naka three points shot na naman si Vince.

Nang nagbreak ito ay pumunta ito sa tabi niya at umupo dala ang isang bote ng tubig. “Okay ka lang?” tanong nito, nalanghap pa rin ni Eya ang pabango nito kahit pawis na pawis na. Tumatagaktak ang pawis nito. Kinuha ni Eya ang kanyang panyo at binigay dito. Lagi siyang may panyo sa bulsa hindi naman niya nagagamit.

“Can you do me a favor?” anito na nakangiting binigay ulit sakanya ang panyo. Nakakunot ang noo niya na nakatingin dito.

“Punasan mo daw siya Eya!” sigaw ulit ni Aicha. Ayan na naman ang kaibigan niya kaya lagi siyang napapahiya dahil sa mga ito. Binibigyan ng meaning ang pagkakaibigan nila ni Vince. Malinaw naman sakanya na magkaibigan lang silang dalawa.

Nakangiti ang lalaki na nakatingin sakanya mukhang aliw na aliw ito sa reaksiyon niya.“Narinig mo? Punasan daw.”

Nahihiyang pinunasan ni Eya ang pawis ni Vince, nangangatog pa nga ang kamay niya nakita na naman niya ang tumitili niyang kaibigan mukhang mga bulati kung makatili. “Salamat, ang sarap pala kapag may nag aalaga sayo no” anito at tumayo na. Magsisimula na kasi ang Third game.

“Ang swerte mo girl” ani nga babaeng naka uniporme ng maikling palda, na kabilang  sa Cheering quad nila. Nahihiyang ngumiti si Eya. Walang salita ang lumabas sakanyang bibig wala kasi siyang makuha ng tamang sagot para dito. “Alam mo huwag mong isipin ang sinasabi ng iba. Just be yourself iyon naman ang dapat, suportado ako kapag maging kayo.” dagdag nito bago tumayo at naglalakad papunta sa grupo. Mukhang nanginit ang pisngi niya sa sinabi ng babae. Hindi niya alam pero nabigyan siya ng pag asa dahil sa sinabi nito.

Lumakas ang hiyawan ng mga estudyanteng nanunuod sa laro. Panay ang cheer ng mga ito sa mga team nila. Pero si Eya ay nakatutok lang ang mata kay Vince. Sa tuwing magtama ang kanilang mga mata ay napangiti nalang siya maging ang binata.

“Eya! E cheer mo si Vince, mukhang matatalo sila!” sigaw ni Aicha, nahimasmasan naman siya sa sinabi ng kaibigan at tiningnan ang scoring board. Ang layo na ng score nila. Mas mataas na ang score ng kalaban.

“Go Eya!”
“Go Eya!”
“Sige na Eya! Baka ikaw lang ang hinihintay ni Vince na mag cheer dali!”
“Gawin mo ang ginawa ni Kathryn sa I am dating the gangster!” sigaw ni JM, napangiwi siya sa sinabi ng kaibigan. Hinding hindi niya gagawim 'yon. Nakakahiya

Mas naging uminit ang labanan. Ilang segundo nalang at matatapos na ang Third game. “Eya! Kung matatalo sila sa ngayon ikaw ang sisihin ko!” paninisi ng kaibigan niyang si Angge.

Umirap ang mga alipores ni Marphe sakanya. Ang laki talaga ng problema nito sakanya. Binaliwala nalang niya 'yon at bumaling ulit sa laro. Pero nakita niya ang bagsak na balikat ni Vince at ang mga kasama niya. Malungkot ang mukha ng mga ito. Natalo sila sa ikatlong quarter.

“Cheer me up Eya!” sigaw ni Vince nang nasa homecourt ito.

Hiyawan ng mga naroroon ang kaniyang narinig matapos sabihin ni Vince 'yon pinigilan ang sarili na kiligin kahi sa kalolooban niya ay labi na kasiyahan ang nadarama. Nakita niya ang nagtatagis na bagang ni Enzo na nasa kabilang upuan kasama ang mga players ng sipak takraw. Anong problem ng isang 'yon. Nahagip naman ng mata niya ang babaeng kinausap siya kanina lang. Nakangiti ito ng matamis sakanya at nag okay sign pa. Ngumiti siya naman siya dito.

Nagsimula na ang pang apat na quarter at lamang na naman ang kabilang team. Com'on Vince!

Go Vince Guzman! Alam kung kaya mo 'yan!” sigaw niya, lahat nakatingin sakanya at naghiyawan ang lahat ng naroroon dahil mabilis na na agaw ni Vince ang bola mula sa kalaban at biglang i-shoot. Nagpalakpakan ang mga naroroon.

“Si Eya lang pala ang energy mo Vince!” sigaw ni Lenar

“Grabe ka pare! Iba ang energy mo!” sigaw ng isa pang varsity na si Gino

“Vince sabi ni Eya may premyo ka mamaya!” sigaw ng adik niyang mga kaibigan.

Nakita ni Eya na nag walk-out ang mga grupo nina Marphe. Galit itong nakatingin sakanya, lalo na si Nikka. Iniwas niya ang tingin dito at bumaling sa harap. Natawa si Eya nang binuhat ng mga kasama nito si Vince. Kita sa mukha nito ang saya. Sila Vince kasi ang nanalo sa larong 'yon. Tumingin si Vince sakanya at ngumiti.

Nang pagkababa ay umalis ito sa mga kasama at pinuntahan siya. Agad siyang niyakap ng mahigpit. “Nanalo kami Eya! Nanalo tayo!” anito sa galak na boses. “Thank you!”

“Para saan?”

“Sa pag cheer”

“Simpleng bagay lang 'yon Vince”

“Malaking bagay 'yon Eya!” anito at mataman siyang tinignan.

Matamis na ngumiti si Eya dito. Masaya din siya, para sa lalaki. Kita sa mata ni Vince ang kasiyahan sa mukha. Kita niya dito na mahal nito ang paglalaro.

The Prince And The Beast COMPLETED (under Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon