Chapter 5

42 4 0
                                    

#KiligmomentwithVince

“Good morning Eya!” gulat na napatingin si Eya sa nagsalita. Nakangisi itong sumalubong sakanya. 

Nakasuot na ito ng uniporme. Isa kasing varsity player sa basketball si Vince. Lalong tumingkad ang kaputian ng binata dahil yellow ang kulay ng uniporme nito. “Good morning bakit ka nandito?”

“Sinusundo ka” anito at iginiya siya sa motorsiklo nito.

“Hindi naman kailangan Vince kaya ko naman pumunta ng school.” aniya

“Dapat kanang masanay Eya dahil araw-araw na kitang dadaanan dito.” anito medyo kinilig siya naman sa sinabi ni Vince minsan ay duda siya kung totoo nga lahat ng ginawa nito para sakanya. Parang imposible kasi walang rason para magkaganito ang binata. Kung tungkol ito sa hindi pagsulpot sa prom bilang ka date niya ay hindi sapat ito para gawing dahilan.

“Kaya mo bang umangkas ng nagkaganyan?” anito na pinasadahan ang kanyang suot. Namula naman siya dahil napatanto niya na naka palda pala siya ng maong.

“Kaya 'yan.” aniya at ngumiti

Sumakay na nga siya napakapit pa siya ng husto ng bigla itong promeno nang dumating sila sa ecuelahan kaya na napasubsob siya sa likod ng binata. “Sorry.”

Bumaba na din siya nasa tapat na sila ng room. “Okay lang. Salamat ha”

“Ayaw kung tumanggap ng pasasalamat Eya. Hindi pa ito ang huli.” anito nag iinit naman ang kanyang mukha. Omigosh! Mukha yata siyang kamatis sa pula. Anong hindi pa huli?

“Tara na nga Aicha nilalanggam na ako sa dalawang 'to”

“Ang sakit ng tenga ko Eya.”

“Kayo na ba? Ha?

“Ang gwapo naman ni Varsity.”

Natatawa na siya sa biglang pagsulpot ng mga kaibigan niya at sa mga sinasabi nito. Tumingin siya kay Vince na ngayon ay aliw na aliw sa mga kaibigan niya. Nag peace sign pa siya dito dahil nahihiya siya sa naririnig ng binata ang mga panunudyo ng kaibigan.

Lumapit si Vince sakanya at may binulong. “Cheer me up Eya.”

Hindi makakaila ni Eya na hindi siya kinilig. Hampas at kalmot ang inabot naman niya sa mga kaibigan niya. Tili na tili ang mga ito.

“Eya nanliligaw ba 'yon sayo?”

“May pabulong bulong pa! May tinatago ba kayo ha?”

“Magsabi ka Eya iyong totoo? Nanliligaw ba 'yon?”

Sunod-sunod tanong ng mga kaibigan niya. Hindi niya alam kung sino ang uunahin niyang sagutin dito. Wala naman siyang masagot.

“Wala. Magkaibigan lang kami at sinasabi lang niya na E cheer ko siya mamaya.”

Naghiyawan na naman ang kanyang mga kaibigan. Natatawa tuloy siya sa mga reaksiyon ng mga 'to. May sumasanib na naman sa mga kaibigan niya. Mas ito pa ang kinikilig para sa kanya. Tinutusok pa siya ng kaibigan niyang si JM.

“Kaibigan? Talaga may pasakay sakay ka pa sa motor niya at kaibigan lang kayo?” manghang tanong ni Angge

“True girl! At gusto pa niya e' cheer mo siya?” ani Aicha. “Hay naku! Ang bongga ng lovelife mo.”

“Sus! Eya huwag kang maniniwala agad diyan baka masasaktan ka lang!” ani JC na bagong dating

Natahimik ang lahat at napangiwi na umupo. May binubulong pa si JM. Hindi na siya umimik. “Ang nega mo talaga kahit kailan JC kunti nalang at iispin namin na naiinggit ka lang kay Eya.” maanghang na saad ni JM

The Prince And The Beast COMPLETED (under Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon