“Your so gorgeous tonight.”
“Salamat.” aniya ng pinagbuksan siya ni Enzo para sumakay na sa kotse, hindi niya maiwasan tuloy mapangiti. Sino ba ang hindi kung isang gwapong adonis ang gagawa niyon sayo?
Ibang-iba ang Enzo na nakilala niya noon, payat at mukhang walang kain dahil wala man lang laman ang tiyan. Hindi tulad ngayon, bagay na bagay dito ang black suit nitong americano parang bumalik lang sila noon sa Prom. Iyon ang hindi niya makakalimutan dito sa binata, sinayaw siya nito dahil hindi dumating si Vince na dapat ang date niya.
Mataman lang niya ito tinignan hanggang sa binuhay na nga nito ang makina. His brewed masculine that girls can't resist to touch. Iyong bisig na safe ka talaga.
“Stop staring at me sweetie, baka matunaw ako niyan.” natatawang sambit nito, nahihimasmasan naman si Eya, at napabaling sa harap.
“Kumusta naman ang Marino kung bestfriend?” walang sariling tanong niya,
“Eto, okay lang naman. Pero namimiss ko talaga ang pinas, kahit ilang bansa na ang narating ko babalik at babalik pa rin ako dito.”
“Talaga? Baka may iba kang na miss.” tudyo niya, “Kunsabagay pwede kanang mag asawa, you are a successful man already.”
“Kung sinasagot mo ako, e' di sana kasal na tayo ngayon.” nangingiting sambit naman ng binata
“Baliw!” tanging sambit niya.
Hindi niya alam kung bakit speechless siya, hindi naman sa ayaw niya kay Enzo. Enzo is a dream husband, wala na siyang hahanapin pa. Pero ang puso niya hindi matuturuan, tanging iba ang hinahanap at alam niyang hindi si Enzo 'yon.
“Para 'yun lang tahimik agad, anyway congrats pala sa inyo sa tagumpay ng Gorgeous Fashion, I am surprised by that, akala ko kasi pang batang isip lang nang pangarapin ninyo ang mag business. And here you are, claiming the titled of a businesswoman.” pumapalatak nitong sabi
“Yeah, thanks. Iyon din ang akala namin e' pero kapag pangarap mo talaga ang isang bagay dapat may determinasyon ka.”
“Exactly. I can say that you are successful woman pero may kulang pa.” napakunot naman ang noo ni Eya sa sinabi ng binata.
“And What do you mean by that?”
“Married. Mag asawa kana kasi, para may kasama ka, maging masaya si Tita kung nasaan man siya ngayon kung makita niya ang kanyang unica hija lumagay na sa tahimik.”
Natahimik si Eya, tama naman kasi si Enzo, maging masaya ang kanyang ina kung darating ang panahon na 'yon. Iyon lang naman ang hiling nito bago ito kinuha.
“Irereto nalang kaya kita? Marami akong kaibigan na marino, gusto mo?”
Natatawang lumingon siya kay Enzo pero wala naman lang bakas na pagbibiro ang mukha dahil nasa daan ang ang mata nito nakatutok. “Ayaw ko nga! Ang daming nagsabi seaferer is a cheater! Bahala na kung maging matandang dalaga ako no!”
“Tsk. Hindi naman 'yan totoo, nagpapaniwala ka naman siya mga haka-haka. Mga manloloko din naman ang mga babae ah? Ang dami din kayang marino na nawalan ng asawa dahil pagbalik sa pinas, ayun, may iba ng kinakasama.”
“Bago ako mag asawa? Ikaw muna, tapos gawin mo akong made of honor.” natatawang sambit niya
“O, siya, masusunod kamahalan. Bakit ba kasi ayaw mo sakin? Hindi lang made of honor ang maging rule mo. Kundi maging bride ko pa.”
Hindi na nga napigilan ni Eya na humahalakhak sa mga banat ni Enzo, parang nasaulo na nga niya lahat ang mga sinasabi nito palagi sa tuwing magkikita sila. Once in a year ito umuwi ng pinas para magbakasyon, at siya laging pupuntahan ng binata.
BINABASA MO ANG
The Prince And The Beast COMPLETED (under Edition)
Teen FictionCover made by: Kbluescript Hindi man kagandahan ang mukha niya pero may maganda naman siyang puso at 'yun ang alam ni Eya ang totoong kagandahan. Pero sadyang pinaglaruan ng tadhana si Eya, pinaglaruan ang damdamin niya, pinagtatawanan, kinakahiya...