"Breakfast in bed?" nakangiting tanong ni Nick sa asawa nang maupo ito sa kama at magising. Dala-dala niya ang isang tray na may lamang mga pagkaing niluto niya. Gumising kasi siya ng maaga para paglutuan ito saka araw-araw naman niya itong ginagawa sa asawa. Kahit maaga rin ang office time niya, sinusubukan niya lagi pagsilbihan ito araw-araw, sa abot ng makakaya niya.
"No, thanks." malamig na sabi sa kanya ni Monique at tumayo na ito mula sa kama. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang kakagising palang na asawa. Napakaganda nito kahit hindi pa nag-aayos.
Nilagpasan lang si Nick ng asawa niya at pumunta kaagad ito sa banyo ng kwarto nito na nasa loob lang. "Inayos ko na pala ang mga dadalhin mo sa trabaho. Saka, ilalagay ko na lang dito ang pagkain mo sa table. Ge, bababa na ako." pahabol na sabi niya sa asawa at lumabas na sa kwarto nito.
Napabuntong hininga na lang siya. "Kaya mo 'to Nicholas. Mahal mo siya, diba?" pagbibigay lakas-loob ni Nick sa sarili nang makababa na siya mula sa kwarto nito. Mahigit tatlong taon na silang kasal ni Monique pero malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Ewan ba niya pero ginagawa naman niya ang lahat upang mahalin din siya nito. Oo, sa una pa lang, alam niyang napipilitan lang itong makasal sa kanya.
Malaki ang utang na loob ng pamilya ni Monique sa pamilya niya. Nang mamatay ang ama nito, sila ang umako sa gastos ng pagpapalibing at lahat-lahat na. Sa kompanya kasi nila nagtratrabaho ang ama ni Monique, isa itong head sa isa sa mga department ng corporation nila kaya naging malapit ang pamilya niya rito. He met her at a family gathering ng kompanya nila and he had to admit na naattract siya rito nang ipinakilala ito sa kanila. It was five years ago. 23 siya 'non at 20 naman ang babae. Noong una, okay naman talaga ang lahat. It was smooth-flowing. Pero Mr. Greg Valdez, Monique's father was a gambler and a womanizer. Palagi nitong winawaldas ang pera nito sa mga babae at sa iba't-ibang mga walang kwentang bagay. Hanggang sa namatay ito dahil sa aksidente. Wala ng natirang pera o nilaan man lang ito sa para sa pamilya kaya sa kanila tumakbo ang asawa nito.
Pumayag sila sa pakiusap nito. His family knew that he was attracted to Monique at dahil na ring walang-wala na ang pamilya nito, pumayag silang maging pambayad-utang si Monique sa kanila, bilang asawa niya.
Kaagad kinuha ni Nick sa bulsa ang cellphone niya nang tumunog ito. Sinagot niya kaagad ang tawag ni Jen, ang secretary niya. "Jen, just give me 15 minutes more, susunod na ako."
"Pero Sir Torres kanina pa po naghihintay ang ilang mga board members. 7:30am po ang sinabi niyo na magsisimula ang meeting pero malapit na po mag-e-eight, wala pa rin po kayo."
"Just tell them na matatagalan ako ng konti, sige na Jen--"
"I'm done." Napatigil si Nick at napalingon sa likod niya. Hindi niya maiwasang mamangha sa itsura ng asawa niya ngayon. Monique was wearing a red silk dress and red stilettos. Nakamake-up din ito na parang model talaga.
"W-why are you wearing like that?" He asked when he came back to his senses.
She just rolled her eyes at him. "Duh. It's Friday. Alam mong hindi kami nag-uuniform every friday diba? Aalis na ako. I'll use my car." mataray na sagot nito sa kanya at nilagpasan na naman siya.
"Gusto mong ihatid na kita?" sabi niya rito bago pa man ito tuluyang makaalis sa bahay.
"Fuck no. I already feel hell here tapos ihahatid mo pa ako sa trabaho? No way!" Inirapan lang siya nito at tuluyan na nga itong nakalabas sa bahay nila. Araw-araw na talaga siyang tinatarayan nito. Sometimes, she would even insult him o magsasalita ng masasakit sa kanya. Pero sanay na siya. Saka hindi siya napapagod kasi alam niyang balang araw.. balang araw, matutunan din siyang mahalin nito.
Naisipan niyang umakyat sa kwarto nito. At nang pagpasok niya, napansin naman niyang hindi na naman nito ginalaw ang pagkaing niluto niya ng maaga. Hindi niya maiwasang malungkot. Nagpalate pa naman siya para paglutuan ito pero nauwi na naman sa wala. At gaya ng dati, hindi na naman nito kinain ang mga luto niya.
BINABASA MO ANG
" The Cold Wife "
Romance"I hate you fucking moron!" "Baby, please, I'm sorry, lasing lang ako. Hindi ko sinadsadya 'yon. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Please--" "Wala akong pakialam at kailanman, hindi kita mamahalin. I won't fucking love you until I die!" Hindi m...