"H-hello.." Nakahiga pa si Nick sa kama niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. He was still sleepy when he answered it.
"Son! Nicholas!"
"Mom?!" Kaagad siyang napaupo mula sa kama. He was not expecting his mom would call him.
"Nasa baba kami, come here fast." Pagkatapos ay kaagad nitong i-nend call ang tawag. Napatingin siya sa wall clock. It was already 8:30am! Fuck! He's so late for the board meeting. May board meeting kasi siya this 8am. Ipinareschedule pa naman niya ni Jen iyon kasi hindi siya nakaattend kahapon.
Dali-dali siyang bumaba at lumabas sa bahay. Nakita niya ang kotseng sinasakyan ng mga magulang kaya binuksan na niya ang gate at pinapasok ito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na ang mga ito mula sa kotse.
"Nicholas Troy!" kaagad lumapit sa kanya si Ivy Torres, ang mommy niya at niyakap siya. Kasa-kasama rin nito si William Torres, ang dad niya.
"Mom, why are you here? What's the matter?" napatanong siya matapos siya nitong niyakap. He couldn't think any reason kung bakit nandito ngayon ang parents niya. They were still active even in their late 50's. His mother and father early retired with their respective jobs. Nasakal na kasi ang mga ito sa pagmamanage ng corporation nila. They wanted to enjoy their lives before they’ll become old and inactive.
That’s why, in his early age now, 28, siya na ang nag-aasikaso sa buong corporation nila. May nakababatang kapatid din naman siyang babae, si Noreen, pero college palang ito kaya nasa kanya ang lahat ng responsibilidad.
Pinapasok niya kaagad ang mga magulang niya sa bahay. Ni hindi pa naman siya naghanda ng almusal. He was very tired from sorting the papers off from the corporation. Ipinadala na lang kasi niya kay Jen ang mga papeles na kailangan niyang pagtrabahuin sa bahay dahil hindi niya pwedeng iwan si Monique mag-isa dahil sa sakit nito.
At isa pa, naguguluhan pa rin siya kung bakit nasa pamamahay nila ngayon ang parents niya. He knew it was not about their corporation kasi sinabi na ng mga ito sa kanya na ayaw na nilang makielam pa sa corporation, siya na raw ang bahala doon.
He raised an eyebrow when he faced her mother. “Mom, dad, what are you up to?”
William smiled at his son. “Well, we are just here to know when you will announce to the public ang marriage ninyo ni Monique. It’s been three years since you two were married and your marriage is still a secret, only us, Monique’s family and your closest colleagues know your marriage. Kailan mo isasapubliko lahat, hijo?” then he asked. Yeah, kokonti lang ang nakakaalam na kasal sila ni Monique. Gusto niya kasing i-pribado ang kasal nila. Knowing that he was also a public icon kasi isa siyang CEO ng isang malaking corporation sa buong bansa at bata pa. He became the CEO when he was 26. And announcing their secret marriage will fill up all the tabloids in the country.
“I’m.. I’m thinking about it, dad.” Iyon na lang ang sagot niya. Hindi rin kasi siya sigurado kung papayag si Monique tungkol doon.
Napatigil naman silang lahat nang makita si Monique na pababa na. Naka-office uniform na ito para sa trabaho nito.
When Monique saw Nick’s parents, she frowned. Kanina kasi habang nagbibihis siya, may narinig siyang nag-uusap sa ibaba. The voices were very familiar kaya nang bumaba siya to confirm kung sino talaga ang mga nag-uusap na iyon, she guessed it right.
Nang makarating na siya sa kinaroroonan ng mga ito, she immediately uttered, “I’m going.” Nilagpasan niya lang ang mga ito.
“Hanggang ngayon, ang sama pa rin ng ugali mo, Monique Valdez, ni hindi ka na nahiya.” Napahinto naman siya nang nagsalita si William, ang ama ni Nick.
BINABASA MO ANG
" The Cold Wife "
Romance"I hate you fucking moron!" "Baby, please, I'm sorry, lasing lang ako. Hindi ko sinadsadya 'yon. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Please--" "Wala akong pakialam at kailanman, hindi kita mamahalin. I won't fucking love you until I die!" Hindi m...