Dinner Date

305 6 0
                                    

Huminga muna ng malalim si Nick bago kumatok ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ng asawa niya. Dala-dala niya ang isang tray ng almusal na niluto niya kanina. "Ah, Monique, nagluto ako ng breakfast. H-hindi ka pa kasi bumababa kaya dinalhan na lang kita rito." aniya. Medyo kinakabahan siya. Alam niya kasing not in good terms pa silang dalawa dahil sa ginawa niya noong isang araw. At simula 'nun mas lalong lumayo ang loob nito sa kanya.

Kahapon nga, wala ito sa bahay buong araw. Umaga pa lang ay napansin niyang bihis na bihis ito at napansin din niya nagmake-up nito para hindi mahalata ang pag-iyak nito at ang pumutok na labi nito dahil sa ginawa niya kagabi.

Napatayo siya mula pagkakaupo sa couch sa may sala ng bumaba itong bihis na bihis. "Where are you going? Maaga pa. At saka, nagluto ako para sa tin, won't you eat here?" tanong niya rito.

"No, sa labas ako kakain." malamig na sabi nito sa kanya at lumabas kaagad sa bahay. Gabi nang makauwi ito sa kanila at nang tinanong niya ito kung saan ito nanggaling, hindi siya nito pinansin at kaagad umakyat sa kwarto nito.

Hindi niya maiwasang malungkot dahil sa nangyari. Yes, it was his fault. Kung siguro, hindi niya yun nagawa kay Monique baka ngayon, binigyan na nito ng chance ang marriage nila. Hinintay siya nito kagabi kahit in denial pa ito 'nung una at saka kinain na rin nito ang niluto niya. Pero dahil lasing siya, nagkamali siya. At dahil sa pagkakamaling iyon, mas lalo siya nitong kinamuhian.

Now, she even despise him more than before.

Bigla naman nitong binuksan ang pinto at hinarap siya. Nakabihis na ito ng uniform para sa trabaho nito habang nakataas ang isang kilay nito sa kanya. "Talagang hindi mo ko titigilan ano?" Napansin niyang suot na rin nito ang sandals nito kasi magkasing tangkad na sila. Well, he was tall. He was 6'1 and Monique was only 5'6.

"Monique--"

"Don't talk to me. Hindi ko kakainin yan and so, don't block my way." Nilagpasan na naman siya nito.

"Bakit ba hindi mo ko mapatawad sa ginawa ko?" nagsalita si Nick kaya napahinto naman si Monique sa mga yapak nito.

"I am trying. I'm trying everything that I could para lang mahalin mo ko, para sayo, para maging masaya ka, para hindi ka magsising pinakasalan ako.. pero bakit parang kulang pa rin, Monique? Ano bang kailangan ko para hindi ka magalit sa kin? Para maging masaya ka?" tanong ni Nick sa asawa niya. He needed an answer.

"Napapagod din ako, Monique.." he added. Hindi niya alam pero kusa ng lumabas iyon sa bibig niya.

She turned at him and mockingly smiled. "Anong kailangan mo para hindi ako magalit sayo? Well.. File an annulment case. Para matapos na ang lahat na ito."

Medyo nagulat naman si Nick sa sinabi nito. Monique just rolled her eyes when she saw his expression. "Duh. Pero alam ko namang hindi mo gagawin yun. Kaya wala pa ring mangyayari. Aalis na ako." tinalikuran na lang niya ito at bumaba na.

Nakalabas na nga si Monique sa bahay nila, maglalakad pa siya papunta sa labas ng subdivision nila para humanap ng taxi, nakalimutan niya kasing magpagasolina sa kotse niya at bago pa man siya makalapit sa gate ay may narinig siya ingay sa loob ng bahay. She cringed. Nilingon niya iyon at nakita ang basag-basag na plato habang nakahilot sa noo nito si Nick. He looked bad.

//"Napapagod din ako, Monique.."// bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Nick kanina. Napapagod na raw ito sa kanya.. Malapit na itong mapagod sa kanya. She was feeling guilty.. She also kind of felt sad when she heard it.. Parang nasobra rin yata ang mga sinabi niya kanina.

Umiling siya. No. Wala siyang pakialam. Mas mabuti kung magkaganun para magkahiwalay na sila at maging masaya na talaga siya sa buhay niya.

---

" The Cold Wife "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon