Fr: Nick Torres
Hindi ako makakauwi ngayon, sa condo ko muna ako.
I knew you have duplicate keys.
Baka bukas na akomakakauwi sa bahay.
Nabasa ni Monique ang message sa kanya ni Nick nang makauwi na siya sa bahay. Hindi niya maiwasang malungkot at magsisi dahil sa text nito. It was very cold. Parang wala na talagang pakialam ito sa kanya. Kapag kasi nagtetext ito, even in his text message, makikita mo talaga ang cheerfulness ng lalake. Pero ngayon, parang binalutan ng malamig na aura.
Minsan, natatakot na rin siya. Napaparanoid siya na baka mamaya, may pupunta sa bahay nila at magpapapirma ng mga annulment papers. Pero she still felt relieved kasi wala pa naman.
Gustong-gusto niya talagang kausapin si Nick pero she was afraid, afraid of consequences. She was afraid to risk her heart again kasi baka sa huli, masasaktan na naman siya.
She took a glance at the large picture frame na nakasabit sa pader papuntang second floor ng bahay. It was their wedding picture. Nakangiti doon si Nick habang siya, poker-face.
She took a deep breath. “Nick, I’m very sorry..” She really regretted those things she said to him.
---
“Sir, long time no see.” Bati nung guard na tinutuluyang condo ni Nick nang dumating na siya. Noong college kasi siya, he purchased a bachelor’s pad. Doon siya tumutuloy at every weekends lang siya umuuwi sa parents niya. Hanggang sa grumaduate siya, it was his relaxing haven. Pero nang makasal siya kay Monique, hindi na siya umuuwi rito. But it didn’t come to his mind na ibenta ang unit niya kasi it was very sentimental to him.
Now, it’s been more than three years since he went there. That’s why kilala na rin siya ng guard.
“Balita ko sir, kasal ka na. Kaya pala hindi ka na tumutuloy dito.” Dagdag ng guard sa kanya.
Tumawa siya. “Yeah but it’s good to be back. Punta na ko sa pad ko, mamaya na ang tip, manong.” Pagkatapos ay pumasok na siya sa building at kaagad pinuntahan ang pad niya.
Nang makapasok na siya sa pad, he smiled. Walang pinagbago sa itsura nito. It’s like getting back to his old self again.
Ganun pa rin ang disenyo ng pad niya, the color motif was black and red. The TV’s, xbox, magazines, nandun pa rin, maliban lang na medyo maalikabok na.
Kaagad siyang umupo sa kama niya. “Still comfy.” He commented. Naalala pa niya kung paano siya matulog, magulong-magulo talaga tapos siya lang mag-isa na parang malayang-malaya siya gawin ang lahat. Kung saan masayang siyang naglalaro ng xbox niya, play stations, watching sports or even watching porno vids.
He laughed at himself. Ang dami na palang nasayang na oras in those three years sa buhay niya, na dapat sana, ineenjoy niya ang bachelorhood niya. But because he only narrowed it down to one happiness, Monique, kaya heto siya ngayon, sising-sisi kung bakit hindi niya muna inenjoy ang pagiging binata niya. He ended working and accomodating his wife like a robot. He looked like a very busy puppet.
Siguro tama rin ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya sa kanya, he should definitely give time for himself. Natawa nga siya nang maalala ulit ang sinabi ni Alice sa kanya, ‘I would rather suggest na mas mabuti pang magkaroon ka na lang fling or mistress.’
He sighed. Kung hindi ba niya pinilit si Monique na pakasalan siya, would he be happy? Masaya kaya siya sa buhay niya ngayon? Otherwise, masaya rin kaya si Monique sa buhay nito?
Well, he was hoping even if for once, magiging mabait sa kanya si Monique pero walang nangyari. As what the others say, every year, he became worse than before.
BINABASA MO ANG
" The Cold Wife "
Romance"I hate you fucking moron!" "Baby, please, I'm sorry, lasing lang ako. Hindi ko sinadsadya 'yon. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Please--" "Wala akong pakialam at kailanman, hindi kita mamahalin. I won't fucking love you until I die!" Hindi m...